“Mabuti naman at nakabalik ka na sa ospital?” ani Shasha. Nasa harap siya ng hapagkainan at kumakain ng dinner. Wala siyang pasok ngayon kaya naabutan ko siya sa bahay. Hinubad ko ang sapatos ko saka umupo sa sofa. Pagod na pagod ako sa unang araw ko sa ospital idagdag pa ang nakaka-stress na pasyente. “Oo, mas nalilibang ako kung sa ospital ako nagtatrabaho.” “Mabuti at pumayag ang tatay ng pasyente mo.” Bumuntong-hininga ako. “Wala naman siyang magagawa dahil ayaw naman ng asawa niya na makita ako sa bahay nila.” “Sus! Ang dami talagang babae na feeling entitled hindi naman niya asawa pero kung makapag-demand sa 'yo parang naging kabit ka.” Sinabi ko na kay Shasha ang tungkol sa pagiging magulang ni Master Vladimir kay Arthur. Alam niya rin na ito ang dati kong amo sa Amerika kaya