"Be safe everyone at magandang gabi, Pilipinas!" She smiles at the flashes of the cameras that focused on her at the end of her program.
Yelena Denice Salvatore is a well-known news anchor in the whole Philippines, or maybe abroad. Marami din kasing mga awards ang natanggap niya sa larangan ng broadcasting. And truly, she's the best in that piece. Not bragging, just stating the fact.
Iniligpit niya ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa nang makita niya na tuluyang nawala sa kanya ang focus ng camera at nagdilim na ang ilaw ng mga cameras.
Kaagad siyang sinalubong ng kanyang assistant slashes driver, makeup artist, stylist, and whatever na si Margarico. He's gay and she'll be losing without Margarico, na gustong magpatawag na Margo.
"Gorl, saan tayo didiretso?" Tanong nito. Hindi muna siya nakasagot nang dumaan sa tabi nila ang director ng programa niya. Malugod niya itong nginitian when he congratulated her.
"After this?" Muling baling niya kay Margo na inabot dito ang mga gamit na niligpit niya kanina.
"Ay, natural after this! Kaloka ka, gorl! Alangan naman after tomorrow? E 'di, dito na tayo matutulog sa studio. Saan ba ang talino ng isang Salvatore, na sa isang simpleng tanong lang loading na kaagad?"
Natawa siya sa mahaba nitong litanya. Ganito lang itong si Margarico, matalak pero nakaka-good vibes. At puro lang naman kalokohan ang pinagsasabi.
Nakilala niya si Margarico noong nasa kolehiyo pa lamang siya. Parehong Journalism ang kinukuha nila sa El Contreras University. Naging magkaklase sila sa isang subject nila. Palagi itong nangongopya sa kanya dahil naging magkatabi ang mga upuan nila. And that was the start of their good friendship. Up to now.
Hindi natapos ni Margo ang Journalism dahil according to him Journalism wasn't his forte. Nag-shift ito sa Beauty and Cosmetology course. But they were still together after they graduated from the different courses they took.
"Sa bahay na Margz," sagot niya. Natigil din siya sa kanyang pagtawa.
"Why so nagmamadali? Puwede naman muna tayong mag-relax sa isang bagong bukas na bar."
"Saan? Baka kasi naghihintay na si Harold sa bahay." Napangiti siya ng matamis nang maalala niya ang kanyang boyfriend. Or shall she say, her fiance. Tiningnan niya ang engagement ring na kumikinang sa daliri niya.
Harold is also a newscaster. A good one, too. He received a lot of awards like her also. Nakilala niya ito two years ago. Matapos itong manligaw sa kanya sa loob ng walong buwan ay napasagot na siya nito.
Ano pa ba ang hahanapin niyang lalaki kung hindi pa niya sasagutin si Harold Guzman? Lahat naman ng katangian ng isang lalaki ay nasa kay Harold na. Guwapo. Maginoo. Career oriented. Wealth? Oh, forget about it, she's not interested kahit na maraming yaman si Harold. Ang importante naman ay ang sinasabi ng puso niya.
"Kaninang umaga lang kayo nagkita, hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ng Daddy shark na 'yon?" Itinirik nito ang mga eyeballs nito.
She didn't get it why Margo is so disgusted with Harold. Lantaran nitong sinasabi sa kanya na hindi si Harold ang lalaking para sa kanya. She just laughed at his tantrums about her boyfriend. Sa isip niya kasi ay nagseselos lang si Margo dahil hindi na sila nito magkakasama palagi kapag na magpakasal na sila ni Harold. That's the thing in her mind that connects to Margo's attitude towards Harold.
"May usapan kasi kami na sa bahay siya maghahapunan," mahinahon na sagot niya dito. Ayaw niyang gatungan pa ang damdamin nito para kay Harold. Kaya ginagawa niya ang lahat para huwag itong mas lalong mainis sa binata.
"Please, Yelena. Kahit ngayong gabi lang. You can call him na bukas na lang kayo maghahapunan sa bahay." He looked at her like he's begging for mercy.
Matagal niyang tinitigan ang mukha nito. Ewan niya kung bakit parang hindi siya makakatanggi kapag na ganoon na sa kanya si Margo.
She sighed deeply. Kinuha niya ang phone niya sa bag niya na inabot sa kanya kanina ni Margo. She dialed Harold's mobile number. Mabilis naman itong pumayag. He is so understanding. Hindi niya alam if it's his way of pampering her. Ang sumunod at pagbigyan siya nito palagi sa gusto niya. May mga oras na iniisip niya na parang gusto niya din minsan na sinasalungat siya nito. But never. So, instead na isipin pa niya 'yon ay nagpasalamat na lamang siya dahil gano'n si Harold at maraming babae ang humahangad ng ugali gaya ng kay Harold.
"Alam ko naman na mabilis pumayag iyan. Mukhang shark pero ugaling tuta. Ganito ba, Harold, sit here. Aba mabilis naman na lalapit sa itinuro mo mismong upuan at doon maupo sabay kamot ng mga kuto niya." Humalakhak ito ng malakas. Napangiti din siya sa sinabi nito.
"Tara na. Sa kakapanood mo lang 'yan ng mga teleserye kaya marami kang alam na sasabihin." Humakbang na siya at sumunod naman ito sa kanya.
"Saan ba 'yong sinasabi mo? Saka huwag tayo masyadong gabihin, ha. Gusto kong magpahinga ng maaga," sabi niya habang hindi tumitigil sa paglalakad.
"Naku gorl, ihanda ang feelings mo ngayong gabi dahil baka pagkatapos ng gabing ito ay gusto mo nang lunurin sa ilog na walang tubig si Daddy shark. Alam mo kung bakit? Kasi pag-aari ni Adam Sebastian Castillo ang bar na 'to. Saka balita ko ay doon namumugad ang mga guwapong binata ng Batanggas. Ang Contreras at ang mga Castillo, palagi daw silang kompleto do'n." Natigil siya sa ginagawa niyang paglalakad at hinarap si Margo.
"Kaya pala. Kaya pala gusto mong tumambay din doon dahil nandoon ang mga 'yon? At balak mo kamo akong idamay diyan sa kalandian mong 'yan? Naku, don't me, Margo. Lalo na sa Adam Sebastian na 'yan. I heard rumors everywhere. That man is so rude and heartless!" Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang tila inis na 'yon nang banggitin niya ang pangalan ni Adam Castillo.
"Ay! Mapanghusga, 'te? Kung makapagsalita naman 'to ay para naman siyang sinaktan ng isang libong daan ni Papi Adam ko." Bigla itong tumigil sa paglalakad. Napipilitan na din siyang tumigil din sa kanyang paglalakad. "Siya pa naman ang type ko sa Castillo. Sa Contreras naman ay si Apollo hunky! My God, Yna, kahit na bugbugin na ako ni Papi Adam ko ay willing ako magkabali-bali ang mga buto kong makinis!"
Pumikit-pikit pa ito na animo'y nangangarap na kaharap nito mismo si Adam. Itinulak naman niya ang balikat nito.
"Baliw ka talaga, ano!" Iniwan niya ito at mabilis ang mga hakbang niya papunta sa elevator.
"KJ mo naman!" Humahabol ito sa kanya dahil nahihirapan itong lumakad dahil sa mga bitbit nito.
"Bilisan mo kung ayaw mong magbago ang isip ko!"
Humahangos naman itong pumapasok sa loob ng elevator. Nakasimangot ito at nakairap sa kanya. Natawa naman siya ng malakas sa inakto nito.