"Ikaw na naman? Nakita niyang aburido ang mukhang tanong na nito sa kaniya ngayon ng makita siya nito.
"Tama Ako na naman.. Gulat ka ano? Nakangising asong tanong niya naman dito. Dahil sa mga pinapanood niyang action movie. Sinadya niya talagang abangan ito rito ngayon. Dahil Katulad sa mga action movie na napapanood niya. alam niyang dito talaga ito dadaan.
"Tss.. Napalabi ito. Ate magkaliwanagan nga tayo, ha. Hindi ako interesado saiyo, at mas lalong hindi ko ugaling pumatol sa babaeng mas matanda pa sa akin ng siyam na taon gulang. Kaya Mas mabuti pang umuwi kana. Preskong pagkakasabi na nito sa kaniya ngayon, at nagsimula ng tumalikod para iwan siya. Na ikinainis naman ng todo ng kalooban niya. Dahil sa pagbabaliwa nito sa kaniya.
"Try me. Paghahamon niya rito ngayon. Na ikinangisi naman nito at akmang tatalikod na ng pabaunan niya pa ito ng isang salita na ikinainis nito ngayon.
"Bakit ayaw mo akong labanan, ha? Shokla kaba? Sabagay.. Bakit ko ba iyon tinatanong, eh, halata naman sa galaw mo. Pagiinis niya pang lalo rito ngayon na ikinalingon nito ng marahas sa gawi niya pero kalaunan ay kunot ang noong humarap na rin ito sa kaniya ngayon.
"Miron... Tawag nito ngayon sa kasama nitong tauhan.
"Bakit po boss? Nakahanda na po ang sasakyan na gagamitin natin sa pagtakas. Ngayon ngayon din ay puwede na tayong umalis. Bigla naman itong sumulpot sa kung saan. Siguro marahil ay kasunod lang nito ang lalaki paglabas sa kung saan daan.
"Pake dala ito sa hideout, bilis... Utos nito sa tauhan at ibinigay rito ang isang atashi case na hawak nito kanina. Marahil ang laman nito ay pera. Dahil tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng ito na sa tanan buhay niya ay hinding hindi niya makakalimutan. Mayabang ng pagkakasabi nito na ang mga mata ay nasa kaniya. Sa tinuran nito ay hindi niya naman mapigilan mapaismid sa sinabi nito.
"Sige boss.. Pero paano kayo baka maabutan kayo ng mga police rito. Pag nagtagal pa kayo rito ngayon.
Tanga! Nasa harapan na natin ang police.. Rinig niyang seryusong sabi nito sa kasamahan nito ngayon.
"Nasaan? Nakita niyang Automatiko naman itong luminga sa paligid ng mga ito.
Napatawa na naman siya ng lihim sa usapan ng mga ito ngayon.
"Ikaw? Turo nito ng makita siya at sabay tawa nito sa kaniya. Pfffffff... Hindi kapa ba nadala sa pagkakasuspende sa iyo? Patuyang ng sabi nito sa kaniya ng makilala siya nito, naikinakuyom ng kamao niya.
"Ikaw? Paguulit nito na mababakasan muna ang seryusong boses nito. Sige boss. Turuan mo ng leksyon ang mayabang na iyan. Sabi nito at nginisihan na siya ng nakakaloko nito ngayon. Nawala lang ang atensyon nito sa kaniya ng makitang tinapik na ng katabi ang balikat nito, hudyat para paalisin na ito. Nakuha naman nito at nagsimula ng tumakbo pa alis. Pero bago iyon nadulas pa ito sa mabasang parte ng sahig na dinaanan nito.
"Fvck! Mironnn. Your to careless! Dining niyang Sigaw nito sa tauhan dito ngayon.
"Sorry po sir, basa kasi ang sahig. Pakamot Kamot sa ulo ng sabi nito sa kaharap niya at masama ng nakatingin sa kaniya ito ngayon ng mahuli nitong nakatingin siya habang nakangiti.
"What are you looking at me b***h?! Maypanguuyam ng ani nito at akmang susugurin siya nito ng mabilis na pinigilan ito.
"Stupid! Miron. Go back to the hide out now. Doon mo na lang ako hintayin. Malamig ng sabi nito sa tauhan nito ngayon sa nagngangalan, Miron. Nakita niyang Kaagad din naman itong tumaliama sa inutos nito. Pero bago iyon binigyan muna siya nito ng masamang tingin at naglakad na lang paalis mula sa kinaroroona nila. Nang mawala na ito sa panigin niya. Ay maagaw naman ang pansin niya ng magsalita ang kaharap niya ngayon.
"Ako na ang humihingi ng despensa sa inasal ng kaibigan ko, Miss Chong. Napabuntonghininga muna ito. Kamamatay lang kasi ng alaga niyang pusa kahapon. Kaya masyadong madamdamin. Seryuso ng paliwanag nito sa kaniya ngayon. Na ikinaikot naman ng dalawang mga mata niya sa kawalan sa naring ng sabi nito sa kaniya.
"Heist. Iling ng sabi niya rito. Sa dinami-rami ng atraso at pruwesyo ng groupo mong sindikato. Ay ngayon ka lang nakaisip na humingi ng pasensya? Patuyang sabi na niya rito, na kaagad ikinapalis namna ng ngiti nito ngayo. At seryuso ng nakatingin ito sa kaniya ngayon.
"Hindi ka rin pala pakelamera ano. Ang talas din talaga ng dila mo. Hindi na ako magtatakang walang magkakagusto saiyo noon. Kaya heto ako itong hinahabol habol mo. Napalabing sabing bulong nito ngayon na hindi naman nakaligtas sa pandinig niya.
"Anong sabi mo? Siya.
"Tsk. It's none off your business. Sabat naman nito sa tanong niya.
"Narinig ko iyon. Kapal talaga ng mukha. Sarap tapyasan ng razor. Pinandilatan ng mga matang sabi na niya rito ngayon.
"That's it. Nakangisi ng sabi nito ng makita ang ginawa niya.
"Aren't you happy miss chong? Dahil sa akin ay marami kang nuhuhuli araw araw. Sa halip ay panimulang tanong na nito sa kaniya sa gitna ng pasaring niya rito ngayon. Na ikinairap nita naman sa kawalan dahil sa joke nito.
"Gusto mo talagang malaman. Hindi. Hindi ako masaya. Sino bang sasaya eh, naglipanan ang mga katulad mo rito sa mundo. At walang ibang ginawa kundi maghasik ng krimen sa buong mundo. Sa halip na magaral. At ako bilang isang owtoridad ay hindi ako titigil na iisip ng paraan kung paano kita mahuhuli ng may kasamang ebidensya. Siya naman ngayon na hindi na makapagpigil sa sariling sabihin iyon dito.
" Tsk. Tinutulungan na nga kitang maging busy at productive nitong mga makaraan araw, eh. Para ng sagayon ay hindi lamang ako lang ang pagtuunan mo ng pansin. Tapos heto ka ngayon at huhulihin mo ako? Sa halip ay napailing ng sabi nito sa kaniya na hindi naman pinansin ang huling mga pasaring niya rito ngayon. Pero sa nakikita ko mukhang pinilit mo lang pumunta rito ngayon. Sabi na nito nang makita nito ang ayos niya. Naka tsinelas lang kasi siya sa pagmamadaling puntahan ito ngayon at desperadang hulihin ito. Napagalaman niya kasi mula kay SpO4 Legaspi na kapartner niya na sa abandonadong hospital na liblib na lugar rito rin ng Quezon kakatagpuin nito ang prostective buyer ng mga smuggling na armas nito.
"Bakit? Napangisi na ito ng nakakaloko ngayon. Nang ibinalik na nito ang tingin ngayon sa mukha niya. Dahil ba gusto mo akong makita? At hindi kana makapaghintay na masilayan ako muli sa piitan at napasugod kana rin dito ngayon? Hindi na iyang simpleng pagmamahal lang itong nararamdaman mo sa akin, Miss Chong. Kung hindi pagkaobsses na sa akin. Pang-aasar na nito sa kaniya. Na ikinamanhid naman bigla ng ulo niya sa inis dito ngayon.
"Ulol! Ang kapal.. Para sabihin ko saiyo, trabaho ang ipinunta ko rito hindi ikaw, noh! Nanlilisik ang mga matang sabi na niya rito ngayon.
"Hindi ako naniniwala. Sulsul pa nito sa kaniya, na mas lalo pang ikinapanginit ng bunbunan niyang sabi nito.
"Ito, paniniwalaan mo na talaga ito.
Siya naman ang lumapit rito at kaagad itong inundayan ng isang malakas na suntok sa mukha. Nang hindi nagiisip. Napangiti siya ng makitang tumama naman iyon sa mukha nito.
"Too aggresive. Komento na nito sa ginawa niyang pagsuntok rito na hindi pinagiisipan ang gagawin aksyon dito. Hindi ko akalain, namagaling ka palang manampal ng lalaking mga nagugustuhan mo, ano Misss Chong? Sabi lang nito at hinimas na ngayon ang panga nitong natamaan niya ngayon.
"Siraulo! Galit na sigaw niya at inundayan pa ito ng sunod sunod na suntok ngayon sa mukha nito. Pero ang loko may lahi atang pagkapalos na isda, dahil mabilis na nitong naiiwasan ang kamao niya para rito.
At pagkatapos niya ay ito naman ang sumugod sa kaniya ngayon. Ung unang suntok nito ay swerte naman nailagan niya. Ngunit ang pangalawa nito ay tumama na ngayon sa panga niya, pero daplis lang. Sa kaunti niyang panlalabo ng paningin, ay nakita niyang malademonyong nakangisi naman matagumpay ito ng nakatingin na ito ngayon sa kaniya ng makitang bigla siyang nabuwal sa kinatatayuan niya ngayon.
"Gosh! Nausal niya bigla. Mabuti na lang kahit papaano ay hindi tulog lang ang kaniyang ginagawa sa p.e subject noon nagaaral pa siya. At bukod pa roon, kahit papaano rin ay may proper training din nang patagalan ng stamina ang pagpupulis. Kung hindi ay tiyak sa malamang ngayon ay nakahiga at humahalik na siya sa malamig na sahig ngayon.
"Iyon lang ba ang kaya mo?! Ang hina mo naman parang dampi lang ng langgam, ah? Pangyayabang sabi naman niya rito ng kaagad ng makabawi sa pagkahilo sa suntok nito sa kaniya. At ikiniling ang ulo, para takpan ang pagkahiya sa harapan nito.
"Tss.Trying hard to be a wonder woman, huh? Sambit lang nito at sinugod na siya at sabay suntok sa kaniya ngayon. Pero swerteng nailagan niya naman ito. At ngayon sabay hawak na sa isang kamay nito patalikod dito ngayon.
Nakatalikod na ito sa kaniya ngayon habang nakaluhod na sa malamig na semento.
"Ahh..Fvck! Mura nito ng mas lalo pang hinigpitan pa niyang lalo ang pagkahawak niya sa kamay nito ngayon. Nang tangkain nitong gumalaw sa pagkakahawak niya ngayon sa kamay nito.
"Witch! You paid for this. What have you now done to me. Naisambit na lang nito. Dahil sa walang kakayahan makawala sa kaniyang makawala sa pagkakahawak niya rito ngayon.
"Ngayon Mr. Yamamoto. Sumama ka sa akin sa prisinto at ikanta mo ang lahat ng mga nalalaman mo sa organisasyon ninyo at kung sino sino pa ang mga malalaking tao sa likod nito. Hingal ng sabi niya rito at mabilis na itong pinusasan sa kamay nito ngayon. Akamang ihehead shot siya nito gamit ang ulo nito ng mahawakan niya ang ulo nito at hawakan ang leeg nito ngayon.
"s**t! This is police brutality. Tukoy nito sa ginagawa niyang pagpilipit sa leeg nito gamit ang braso niya. And you all know this. B-Bilang isang pulis, labag ito sa trabaho ninyo! Sigaw na nitong sabi sa kaniya, habang namimilipit na ang boses.
"Ang OA mo naman. Balik naman sabi niya rito.
"H-Hindi ako OA, kung iyan ang pagkakaintindi mo ng sinabi ko. Ang sa akin lang mali itong pamamaraan mo para magustuhan kita. Asar naman nito sa kaniya. Na kahit hindi niya ito tingnan ang mkha nito ngayon ay tiyak paniguradong nakangiti na itong patsutada sa kaniya.
"Gago! Patawa ka rin talaga ano?! Natural na masasaktan ka talaga dahil sa mga pinaggagawa mo. Tukoy niya sa patuloy na pagpalag nito sa pagkakahawak niya rito ngayon. At isa pa, hindi ko na kailangan manakit pa ng isang tao para lang magustuhan ako. Nagaaral pa lang ako noon sa St. Mathew, ay habulin na talaga ako ng mga lalaki. Sabi lang niya rito na ramdam niya ikinainis nito ng sobra. Dahil sa mga kalamnan nitong naggagalawan.
"At sino-sinu naman ang mga lalaking iyon? Iyung mga katulad ni pulis patulang si Legaspi? "Tss.. Low standard. Rinig niyang pangiinsulto naman nitong sabi sa kaniya patingkol ngayon sa kasamahan niyang pulis. Dahil sa sinabi nito ay inis naman niyang tiningnan niya ito.
"A---Arayyy! F*ck...Sigaw maman nito ng kagatin niya na ang tianga nito ngayon.
"Hindi siya low standard! Kung hindi high standard. Balik naman na pagtatanggol sabi niya rito. Na ikinatawa naman nito sa huli sa naring nito sa kaniya.
"Tss...Ang dami mo talagang ini-isip, Miss Chong. Kaya ngayon nawala kana sa konsentrasyon. Ano nakahiga at nakahubad na ba ako sa utak mo ngayon? Ani nito, habang nakatotok na ngayon sa sintido niya ang baril na hawak nito ngayon. Dahil doon. Gulat naman siyang nakatingin lang dito ngayon. Gosh! Nasa harapan niya lang pala ito. At worst nakatotok pa ang baril nito sa kaniya. Hindi niya man lang namalayan. Heist! Lumilipad kasi ang utak niya sa kung saan saan. Namumutla ang buong mukhang binitawan niya na ang laylayang suot nitong suit ngayon rin. Pinapilipit niya kasi iyon ng husto.
"s**t! akala ko rin ulo na nito iyon nahawakan ko kanina, hindi pala! Hirit pa rin ng isip niya habang malakas na ang kabog sa dibdb ng marinig niyang kakalabitin na sana nito ang gatilyo ng baril na hawak nito. I'm die! I'm going to die! Okay! Tanggap ko na! Nakapikit na ang mga matang usal niya. Nang may pangahas na bumaril dito.
Bigla naman silang napatigin sa pinaggalingan doon at roon nakita niya ang kasamahan niya palang si Spo4 Legaspi.
"Ibaba mo iyang baril mo at napapaligiran kana namin! Sigaw naman nito.
"Fvck! Rinig niyang mahinang napamura sabi nito sa sinabi ng kasamahan niyang pulis rito. Sabay mabilis na hila sa kaniya papunta sa isang madilim na parte ng gusali. Wala naman siyang nagawa para hindi sumunod rito. Nakaipit kasi ang matigas na braso nito sa leeg niya. Habang nakatotok ang baril nito sa sintido niya ngayon.
"You're shining alley is here to rescue you. Nakakalungkot lang. Dahil sa ginawa niyang pangingialam ngayon sa atin. Ay hindi kana niya makikita pang buhay pa ngayon. Bahaw ng sabi nito at rinig niyang kakalabitin na nito ang gatilyo na itinutok ng muli sa ulo niya ngayon. Pero... Hindi sa kaniya tumama iyon. Kundi sa isa niya ng kasamahan niya ngayon na pulis ng makitang dahan dahan na itong lumapit sa kinaroroonan nila ngayon. Saka yakap yakap na siya nitong naglakad papunta sa labasan ngayon. Ngunit napakubli rin sa maliit na poste ng gusali ng pagbabarilin silang dalawa ng mga pulis.
Sa ginawa nito ay hindi niya naman makuhang hindi matawa na parang timang. Nakasobsob lang naman kasi siya sa matigas na dibdib nito ngayon. Iyong tipong para bang magkakapalit na ang mukha niya at dibdib nito sa sobrang lapit. At hindi lang iyon, nakabukas pa ang iilang botones nito sa suot nitong longsleeve na kulay puti na pinatungan ng itim na suit ngayon. Kaya malaya niyang naaamoy ang mamahaling pabango nito na naghalo sa natural na amoy na nanggaling sa balat nito ngayon. Dahil sa lumilipad na isip. Ay hindi niya na namalayan na napayakap na rin pala siya ng husto rito. Dahilan para mapamura ito ng malutong ngayon.
"Fvck! Mura nito. Ewan, pero tama lang sa pandinig niya iyon ngayon. Para kiligin ang mga nerve cell niya sa talampakan. Papunta sa kaidbuturan ng lahat ng buhok niya sa katawan.
Ngunit pinagsawalang bahala niya lang naman iyon. s**t! Anak ng pusit. Sa tanan buhay niya ay ngayon lang siya nakadaopang palad na lalaking ang hot at napakasexy pang magmura sa pandining niya.
Napukaw lang ang iniisip niya ng marahas na siya nitong itinulak ngayon pasalampak sa sahig.
"Pucha! Mura niya ng padapa na siyang nakahiga sa amoy putik na tubig.
Sa kabilang banda...
Hindi naman magkamayaw na magpalitan ng putok sa mga kapulisan ngayon si Alexis. P*ta! Mura niya ng biglang mataan ang kaniyang braso. Sanhi para mabitawan at tumilapon ang hawak niyang baril sa sahig. Kukunin sana niya iyon. Kaya lang walang tigil ang mga pagpapaputok ng mga ito sa pinagkukublian niya kaya ang ginawa niya tinulak niya ang dalaga. Sabay kuha ng baril na hawak nito at isang magasin din ang nakuha niya sa likuran nito ngayon. Dahilan para mapasobsob ito sa putik na dala ng malakas na ulang kanina. At nakipagpalitan na ng putok sa mga kalaban ngayon.
"Nasaan silang, Miron?Tanong niya rito. Nang mapansin wala ang siyam na mga tauhan niya ngayon ang sumalubong sa kaniyang ngayon.
"Nakaalis na po pinuntahan ang isa pang dalawang dilevery ng bagon sa pier. Sagot naman nito.
Sa sinabi nito ay kunot ang noong napatingin naman siya rito ngayon.
"Diba sabi ko na huwag silang lumakad ng hindi nila ako kasama?! Ang titigas talaga nang mga ulo ng mga gagong iyon. Hasik niya habang pasalampak ng umupo sa mahabang sofa ngayon na nasa maluwag na bulwagan ng kampo nila.
"Eh, masyado na po kasi kayong huli boss. Baka hindi nila maabutan ang huling biyahe ng mga armas. Kapaghihintayin ka pa nila. Sabi nito, na ikinatingin naman niya ng masama rito ngayon. Dahilan para ikinatungo na rin ng ulo nito ng maisip nito ang mga sinabi sa kaniya nito ngayon. Tss.. Hasik niya kung hindi lang sa babaeng iyon kanina, ay tiyak ubos na sana niya ang mga parak na iyon. Sa tuwing magpalitan kasi siya ng putok sa mga kasamahan pulis nito kanina ay pinipigilan nito ang kamay niya. Kaya ang ending siya ang nabaril at natamaan ng mga kasamahn nito sa kaniyang tagiliran at braso.
"Fvck! Mura niya ng magsimula na naman ngayon kumirot ang baywang niya ngayon ng natamaan din ng bala ng pilit niyang abutin ang baril na nabitawan niya kanina sa labanan. Kaya walang pagdadalawang isip na itinulak niya ito ng malakas at mabilis na kinuha ang baril nitong hawak kanina. At hindi rin niya mapigilan barilin ito sa binti nito ng tangkain na naman nitong habulin siya.
"Tsk...Naiusal niya na lang sa kawalan.
"Tawagan mo si Miron. Mayamaya ay utos niya rito ngayon. Nang maramdaman kumalma na ng kaunti ang kirot sa tagiliran niya.
"P-Po? May litong tanong naman nito sa kaniya ngayon.
"Tawagan mo at ipaalam mong pinababalik ko na sila baka kung magtagal pa sila roon ay mahuli sila. Utos niya rito. At kampante ng umupo sa upuan ng nakita niyang kaagad naman itong tumalima ngayon sa utos niya.
May kutob kasi siyang nahuli na nang mga pulis ito ngayon. Ang isang kliyente nila na kinatagpo niya kanina kasama lang ang tauhan niyang si Miron. Sa abandonadong hospital. At hindi magtatagal ay kakanta na rin iyon sa mga oras din ito ngayon. Kung saan kukunin ng mga ito ngayon ang karagdagan mga iligal na baril na binili nito sa kanila. Napangiti siya. Habang nakasandal na ang kaniyang buong kabigatan na katawan sa kinauupuan niya mgayon. Nang mapansin bumalik na ito sa malaking sala kung nasaan siya ngayon nakaupo.
"Natawagan ko na po sila, Miron boss. Pabalik na raw po sila rito. Pero medyo matatagalan lang daw po dahil dadaanan pa sila sa masion ng ama niyo pansamantala ay doon na muna sila mamalagi. Dahil may check point raw po sa labasan. Siya naman ay nakikinig lang sinabi rito ngayon. Kaya no choice para makaiwas kailangan nilang umiba ng ruta pauwi. At sakto naman na konektado ang daan binabaybay nila sa bahay ng ama niyo. Kaya doon na sila dumeretso. Mahabang paliwanag nito. Sa sampong tauhan niya ito ang ikasampo na pinagkakatiwalaan niya. Bukod sa maasahan ito sa loob ng hide out nila. Ito rin ang nagsisibleng report cast nila sa orginisasyon.
"Sige po sir kung wala na po kayong ipaguutos pa na iba ay babalik na po ako sa pagluluto ko. Walang ka emo-emosyong sabi nito sa kaniya ngayon, na sa huli ay tinaguan lang naman niya. At nakitang tumalikod na at naglalakad na ito paalis. Napahawak na lang siya sa tagiliran niya. At sa huli napatawa rin ng may naisip. Ngunit napahinto rin ng tawagin niya itong muli.
"Sandali lang.. Tawagan at papuntahin mo rin dito si Kris ngayon. Tukoy niya na isang doctor sa organisasyon nila. Nang hindi na niya magalaw ang braso niya dahil sa pamamanhid nito.
"Wala po si doc Kristof rito boss, sumama po sa operasyon. Sabi na nito sa kaniya.
Sa sinabi nito ay kaagad din naman siyang napahilot sa noo niya ngayon.
Wala na talaga siyang ibang choice kundi gamotin ang kaniyang sarili ngayon.
"Ahh chikusho ! Mura niya sa wikang japanese ng hindi mahagilap ng kaniyang daliri ang bala sa loob ng sugat niya. Inuna niya kasing tanggalan ang bala ng sugat niya sa baywang niya ngayon. Pinapahanap kasi niya kay Edmond ang mga gamit ni Kriss, para sa operasyon. Kaya lang napagalaman nila na dinala rin pala nito ang mga gamit nito sa operasyon kasama si Miron.
Nang mahagilap ng kaniyang mga daliri ang bala ay malalaki ang hininga muna ang kaniyang ginawa. Bago hugutin ito. "Geez..This bullet is really mad at me. HuH? Sambit niya na lang niya nang maramdaman dumulas na naman iyon sa dalawang daliri niya. Pero kalaunan ay mahugot rin niya iyon ay kung saan niya namna tinapon lang iyon. Naglabas iyon ng maraming dugo dahil sa nabinat na laman. Dahilan para kunin niya ang isang alak sa mesa na nasa harapan niya lang ngayon. Sabay tungga roon at saka ibinuhos ang natitirang alak iyon sa sugat. Sanhi para mapakunot ng husto ang noo niya. Saka pagkatapos ay saka niya nilagyan iyon ng gasa na pinunit niya lang sa puting longsleeve na suot niya ngayon. Para kumapit ay saka dinikitan iyon ng electrikal tape. Na nahanap lang ni Edmond sa kwartong tinutuluyan ni Miron.
"You are really a genius, dude. Napapailing na lang na puri na sabi niya sa sarili niya ng matagumpay ng maidikit niya ngayon ng maayos ang tape sa sugat niya sa baywang ngayon.
"Tss.. Napalabi siya saglit. Puwede kana maging doctor. Pagak na usal niya na sinamahan pa iyon ng tuwang sabi. At sinandal na ngayon ang sarili sa hamba ng sofa at hindi namalayan nakapikit na.