3

2505 Words
Tokyo Japan 2014 Papa.. Papa ! Masayang takbo ng anim na taon gulang na batang lalaki na kagagaling sa school papasok sa loob ng bahay. "M-Mama? Litong tanong nito ng makita mula sa bukana ang ina nitong pababa ng hagdan na may kasamang lalaki ngayon na hinding hindi niya kilala. Na hindi nalalayo sa tanda ng ama niya. "Mama! Iyak niyang patakbo na rito ngayon. Nang makita ang dalawang kamay nito na magakahawak ngayon. "Ayus lang. Sabi nito sa dalawang armadong lalaki na humarang sa batang lalaki ngayon. "Yuri. I'm leaving. Makikita sa mga mata nito ang walang emosyon sabi nito ngayon. "S-Saan ka pupunta, mom? Sasama ako. Pagmamakaawa ng batang lalaki sa ina nito. Na ang mga mata ay palipat lipat sa ng tingin sa lalaking kasama nito at sa ina. "Hindi pwede. Malayo iyon, maiinip ka lang sa biyahe. "No. I promise too you now, mom. Na hinding hindi na ako maiinip. Basta isama mo lang ako a-at si Dad. Please! Hilam ang hulang pagmamakaawang sabi nito sa ina nito ngayon. Naikinaling naman ng ina nito sa huli. "Magpapakabait ka. Malamig ng sabi nito sa batang lalaki ngayon at lumabas na kasama ang lalaki kaholding hands nito ngayon. Sinundan naman ito ng batang lalaki sa paglabas nito. "Mom! Tawag nito sa Ina. Na ikinatigil naman nito sa tapat ng pagmamayaring sasakyan ng lalaki. "Don't leave me. D-Don't leave my dad! Pigil na sigaw pa nito na sakto naman pagdating ng ama nito. Lulan ng sasakyan nito ngayon galing trabaho. "Saan niyo dadalhin ang asawa ko? Mga walang hiya kayo! Ang ama nito na patakbo ng pinuntahan ang ina nito. Na ngayon ay papasakay na ng sasakyan. "Cinthia?! I-Isipin mo ang anak natin bata pa siya kailangan ka niya! Paghihistirikal nito habang pinagsusuntok na ang mga taunahan ng lalaki na pumigil dito ngayon. "Get in the car now.. Madiin naman sabi ng lalaki sa Ina ng bata ngayon ng makita nitong hilam na ang luha ng mukha na itong nakatingin na ngayon sa anak nito. Nakita nitong kumuha ng tubo ang tauhan ng lalaki at walang habas na pinaghahampas na ngayon ang likuran ng ama nito. Hindi nito tinigilan hanggang sa hindi bumulagta ang kaniyang ama sa semento. Saka lang nahimasmasan ang batang lalaki ng mawala na sa kaniyang paningin ang sinasakyan ng mga ito ngayon. Kuyom ang kamaong inilang hakbang ang nakahandusay na ama nito. "D-Dad? Tuyo ang lalamunan usal niya ngauon. "Nasaan ako? Litong tanong niya ng pinikit muli ang kaniyang mga mata dahil sa liwanag na nagmumula ngayon sa kesame. "Nandito ka pa rin sa hideout son. Hindi mo na malayan nakatulog ka, habang nakaupo sa sofa. Habang inaapoy ka ng lagnat. Mabuti na lang at walang payente sa hospital ngayon si Kristoff. Ani nito dahilan para mapabaling naman siya kay Kristoff ngayon. Na abala na sa paggagamot ng mga sugat niya ngayon sa katawan niya. "Tss. Usal niya at padabog ng umupo sa sofang ginahihigaan niya ngayon. " Nagamot at natahi ko na ang mga sugat mo. Si Kristoff ng makitang nakatingin na siya sa ginagawa nito ngayon. Naturukan na rin kita ng anti-tenano, bro. Pwede ka na ulit magpabaril. Iling ng sabi nito sa kaniya na ikinangisi niya naman sa huling sinabi nito ngayon. Nang makita ang ginamit niya sa sugat niya kanina. "Tss.. I do improvise the treatment of my wound. But I fail. Tukoy ng ginawa niyang panggagamot sa sarili niyang sugat. "Hays.. Totoo ba ito, binanggit muna ang pinakahit mo na salita. Hindi makapaniwalang sabi na nito. "Dapat pala saiyo binabaril palagi, bro, eh. Si Simeon. Na sinundan pa ng tawa ngayon ng mga kasamahan niya. "Gago. Ikaw kaya ang barilin ko riyan. Ewan ko lang kung makakasurvive ka. Balik naman asar niya rito na nakita niyang ikinangisi naman nito ngayon. "Pupusta ako sa kalagayan mo ngayon. hindi mo kaya. Kampate ng sabi nito. Naikinalukot ng mukha niya. Sa sinabi nito napikit niya ng mariin ang mga mata nito. Tama ang sinabi nito. Hanggang ngayon kahit nagamot na ito ni Kristoff ay ramdam niya pa rin ang kirot ng sugat niya. sa balkunahe ng hideout "Nakiusap ang mommy mo sa akin. Gusto ka raw niyang makita. Ang ama niya na ngayon ang nagsalita. Lumingon dito ngayon. Nakipagkita ka sa babaeng iyon? Hindi na makapaniwalang tanong na niya rito ngayon. Bakit ba ang bait pa rin nito sa babaeng iyon? Sa kabila ng ginawa nito sa kanilang pagaabanduna. Hindi pa ba sapat ang ginawa ng lalaki ng babaeng iyon para tulad niya ay mamuhi rin ito sa mga taong iyon? Hindi makapaniwalang wilga ng isip niya ngayon ng nakatingin na ng makahulugan dito. Umiwas lang naman ito ng tingin sa kaniya. "Malapit na ang kaarawan niya. Sa tingin ko son. Ay ito na ang oras para magkaharap kayong dalawa ng ina mo. "Tsk. Walang patitunguhan ang usapan nito dad. Yamot ng sabi niya rito at tumayo na ngayon. "Where are you doing? Hindi kapa magaling. Tanong nito ng magsimula na siyang maglakad. Sa club Dahil Mula sa hideout mabilis lang siyang nakarating sa club. "Alex nandito ka? Hindi makapaniwala ng babaeng sumalubong na sa kaniya ngayon ng makita siya nito sa bukana ng pintuan ng club. "Why? Ayaw mo ba akong nandito? Kunit ang noong tanong na niya rito, nang makita ang mga kasama nito sa inalisan mesa nito ngayon. Doon nakita niya ang isang groupo ng mga kalalakihan. Na hula niya ay katapat lang ng St. Mathew ang pinapasukan nito. At kung hindi rin siya nagkakamali isa sa mga roon ay membro ng soccer team na pumalit sa dating captain ng St. Fuire Universitu na si Ryan Pascual. "Uhm.. H-He's my date tonight. Kita niyang kagat ng sabi na nito ngayon sa kaniya. Nang pansin nitong nakatingin na siya sa kasama nito kanina. "Tss.. Eh, ano naman ngayon? You are nothing. Go flirt and f**k someone else. I don't want to see your face anymore in the club. Malamig ng sabi niya rito na nakita niyang ikinaputla naman ng mukha nitong nakatitig na sa kaniya ngayon. Sino ba ito para mas lalo pang sirain nito ang gabi niya. "Fine. Sasabihin ko na lang na kasama kita ngayon. "No. Pigil niya rito sa akmang pagalis nito para puntahan ngayon ang mga kasama nito. "W-Why? Nanhihitakutan ng tanong nito sa kaniya ngayon. "Katulad ng nauna kung sinabi saiyo kanina. I don't see your face anymore in the club. Madiin niyang sabi rito. "K-Kailan mo naman gusto ako umalis? Napangiti naman siya sa tanong nito. Bilib talaga siya sa pagkamasunurin nito. "Ngayon na. Nauubusan na rin sabi niya rito. Pisil ang noong napasandal naman siya ngayon sa sofa ng kumirot iyon. Sa kabilang banda. Habang nagpapagaling na ngayon si Babylove ng biglang bumukas ang pintuan at mula sa labas ay pumasok ang dalawang kilalang police miya. "Paano nangyari iyon? Na naagawan ka ng baril ng criminal na iyon? "Namukhaan mo man lang ba kung sino? Ang mga taong iyon? Tanging iling lang naman ang nagawa niya. "Hindi po sir. Madilim po kasi ang parte kung saan niya ako dinala. Pagsisinungaling niya rito ngayon. Sabay pikit ng mga mata niya. "Bueno, magpagaling kana muna ngayon. Pero hindi ka pa rin absuwelto sa ginawa mo. Sabi nito ng mapansin nito ang paghimas ng ulo niya ngayon. Habang nakapikit rinig niyang bumukas ang pintuan kung nasaan siya ngayon. "Tss. Hindi raw namukhaan, ah. Pero kung makayakap ka sa binatilyong iyon wagas. Si Miss Sanchez nagpaiwan pala ito. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Kunware ay tanong na niya rito ngayon. "Huwag kanang magmaangmaangan pa klarong klaro ko ang ginawa mo ninyo. Ani nito. Na ikinabukas sara naman ng bibig niya. Pero sa huli ay napangisi rin. Na nakatingin na rito ngayon. Kahit kailan talaga Wala talagang nakakaligtas sa babaitang ito. Hasik na ngayon ng isip niya. "Gusto ko lang ipaalam saiyo. Polis ka at hindi isang highschool student. Para makipagkaringkingan sa bata na iyon. Sabi niya rito. "Hindi mo na kailangan pang ipaalam pa sa akin iyan miss Sanchez. Alam ko na iyon. Giit niya naman sabi rito ngayon. Tss.. At ipa, hindi na iyon bata. Mas malaki pa nga iyon kay SPO4 legaspi, eh. Hirit naman ng isip niya na pinili na lang huwag iboses iyon dito ngayon. At napakagat rin ng sariling labi sa huli sa naisip. Sa titigan ng masama nila nitong dalawa ay iyon din naman ang pagpasok ni SPO4 Legaspi sa kwarto niya. "Miss Sanchez ipinapatawag ka na ni Chief sa opisina niya. Sabi nito at panakang kinindatan ma siya nito ngayon. Buti na lang todo rescue itong ka brod niya sa kaniya. Kung hindi magigisa na naman siya ng kausap niya. "Hmp! Hasik lang naman nito at lumabas na. Katulad nito ay nagpaalam na rin si SPO4 legaspi sa kaniya. Nakatingin na sa labas ng bintana ng maalala ang sagutan nilang dalawa ng binata bago siya mabaril. "Freez! Pagpipigil niya rito ng sundan niya ito. Tumakbo kasi ito para tumakas. Nakita niyang tumigil naman ito at dahan ng dahan humarap sa kaniya ngayon. "Mas makakabuti saiyo ngayon. Miss Chong. Na huwag mo na akong sundan pa. Rinig niyang malamig ng sabi nito sa kaniya. "Hindi pwede iyang sinasabi mo, Mr. Yamamoto. Isa kang kriminal, kaya dapat kitang hulihin. Sabi niya rito na ikinatahimik naman nito saglit. "May sugat ka. Sabi niya ng makita ang dumudugong tagiliran at kamay nito ngayon ng masinagan ito ng ilaw na nagmumula sa poste ng kuryente sa di kalayuan. At akmang lalapitan na niya ito ng walang anu-ano'y barilin siya nito sa binti niya. "Argghh! Daing niya ng makaupo na sa lupa ngayon. "Ngayon, patas na ba tayo Miss chong? Malamig ng tanong nito sa kaniya. "Walang hiya talaga ang lalaking iyon. Gigil at nakapikit ng usal niya sa kawalan ngayon ng bigla ay kumirot na naman ang sugat niya sa binti. At mabilis ng tumayo para puntahan ito. Pero bago iyon ay tumawag muna siya sa kakilala niya. Makailang ulit niyang tinawagan ito hanggang sa wakas ay sagutin na nito ngayon. "Brod! Nandiyan ba siya ngayon? Tanong niya rito. Tanong niya sa isang taong inutusan niyang sundan ang binata. "Salamat. Paalam niya rito at napangiti na ng malawak ngayon. "Ngayon humanda kang lalaki ka. Usal niya at dali dali ng tumayo. Pero napaupo rin muli sa kama ng sumakit bigla ang paa niya. Sa Club "Pasensya na po talaga, maam. Bawal pong pumasok ang walang card. Iyan po ang regulation ng naturang club. Sabi ng isang bouncer na pumigil sa kaniya ng tangkain niyang pumasok kanina. "Problema ba iyon? Edi, kukuha po ako ng card. Sabi niya rito. "Hindi niyo po na intindihan maam. Pigil nito sa kaniya ngayon. Iyong card na sinasabi ko ay pagmamayari po iyon ng mga nasa organisasyon. At kilalang tao sa lipunan. "Ahh. Napalabi siya. Kung ganoon marami akong mahuhuli pag nagkataon. Tango tango ng singit ng isip niya ngayon. Habang tinitingnan na ang paligid. Hindi kasi lingid sa kaalaman niya ang talamak na gawain ng mga ganitong aktibidad ng mga mayayaman. Organisasyon? Pupusta siya, ngayon palang marami ng nangyayaring mga kababalaghan sa loob nito ngayon. "Kung ganoon. Magpapamembro po ako sa organisasyon niyo. Ayus ba? Desperada at ayaw pa rin paawat na sabi niya rito ngayon. Na nakita niyang ikinaasim na ng mukha nito. "Hindi ganoon iyon kadali maam. Masyadong mahigpit ang organisasyon sa gustong sumali sa kanila. Sabi nito at tiningnan na siya nito ng kabuoan. At isa pa masyado na po kayong matanda para sa ganitong event. Mas mabuting umuwi na lang po kayo sa bahay niyo at magalaga ng mga bata. Tahasan ng sabi nito sa kaniya ngauon. Na ikinapintig namna ng ugat niya sa batok ngayon. "Matanda? Mga bata? Hoy! Sinong sinabi mong matanda." Giit niya rito. "Para sa pagkakaalam mo. Beinte singko pa lamang ako. Never been.. I-I mean... Sir, naman. Nandiyan ang kapated ko. At minor de edad pa iyon. Kailangan niyo po akong papasukin ngayon. Kung... Kung..Hindi ay masisira talaga ang buhay niya. Sa halip ay sabi na niya rito "Hindi po talaga pwede, maam. Sinusunod lang po namin ang rules ng club." Iling ng sabi nito pa rin nito. "Ang arte naman ng club na iyan! Ano bang nandiyan? Mga ginto ba ang itlog ng mga tao riyan! Hindi na mapigilan sabi na niya na ikinaagaw ng mga taong pumapasok sa club ngayon. Iyung iba pa rinig niyang tumatawa pa sa sinabi niya ng madaanan siya nito. "Umalis na po kayo. Kung hindi ay mapipilitan po talaga kaming ipadampot kayo sa mga pulis ngayon. Tulad niya ay nayayamot na ring sabi nito sa kaniya. Talaga naman. Hoy pulis din ako. Kung paghuhulihin ko kaya kayong lahat ng nandito ngayon. Tss.. Suspended pala ako. Singit naman ng isip niya ng maalala ang pagkasuspended niya ngayon. "Sige aalis na ako. Pagsusukong sabi niya na at naglakad na paalis. Pero patakbo rin bumalik at pilit na pumasok sa bukana ng club. Pero katulad ng nauna. Naharangan din siya ng mga ito. "Bawal po talaga kayong pumasok rito maam. Sabi nito at iniscortan na siya ng dalawa pang kasamahan nito. "Ano ba?! B-Bitawan niyo nga ako! Nanghawakan na siya ng mga ito ngayon. Hindi niyo ba ako kilala? Isa akong puli--- hindi na natuloy pa ang pagaamin niya sa mga na isa siyang pulis ng may biglang nagsalita out of nowhere. "Papasukin mo na siya. Bigla ay sabi ng kung sinong taong nasa likuran niya sa bouncer ng club ngayon. "P-Pero... Sir Brix, baka ano pong gawin niya sa loob. Nakita niyo naman po kung gaano siya kadesperadong makapasok ngayon. Alanganin ng sabi nito ngayon sa lalaki. "Huwag kang magalala, kafling ko siya. Kaya kung ano man ang gagawin niya sa loob ay sagot ko siya. Seryuso ng sabi nito ngayon sa bouncer ng naturang club. "What?! Anu raw? Kafling? Nanlalaking mga matang tiningnan na niya ang lalaking nagsabi ngayon. I-Ikaw--- hindi niya na natuloy ang gusto niya pang sabihin dito ng hilahin na siya nito papasok. "Huwag kanang marami pang sinasabi Miss Chong. Diba gusto mong pumasok? Ayan tinulungan na kita. Sabi nito at nagpatiuna ng pumasok sa kaniya sa loob ng club ngayon. Na nagpatigil sa kaniyang paghakbang. "Uso pala ang fling sa club na ito? Usal niya at binilisan na ang lakad ngayon. "Teka lang bakit mo sinabing magkafling tayo eh, hindi naman? At saka diba galit ka sa akin? Tanong niya rito ng maabutan niya ito. "Katulad nga ng sinabi saiyo ng nagbabantay sa labas kanian. Hindi madaling makapasok rito. Puwera na lang kung... Tiningnan muna siya nito ng kabuoan bago nagsalita. "Hoy! Anong iniisip mo? No. Hindi pa ako nahihibang na magbinta ng aliw no. Yakap na niya ang sarili ngayon. Sanhi para makita niyang umasim ang mukha nito. "Tss.. Puwera na lang kung may karelasyon kang kasali sa organisasyon. Ay pwede kang makapasok kahit kailan mo gustuhin. Na walang pumipigil saiyo. Sabi na nito. Na ikinakalma ng kalooban niya pansamantala ngayon. "Kaya ba sinabi mong kafling mo ako? Para makapasok ako rito? Tanong niya rito na ikinangisi lang naman nito bilang tugon sa kaniya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD