CHAPTER TWENTY-EIGHT

1172 Words

Pagdating nila ng Caloocan naunang bumaba si Emyrose sa kotse ni Hendrix, lumakad patungo sa kanilang bahay at hindi lumipas ang ilang segundo sumunod din ito sa kaniya at tumayo sa tabi niya. Nakasarado ang pinto ng bahay ngunit hindi naman naka-lock senyales na naro'n sa loob ang Tita Delilah. Kumatok ng dalawang beses si Emyrose bago tumingala sa katabing binata. Tumitig naman sa kaniya, nagtatanong ang mata. "Uwi na, marami ka pang trabaho bukas, hindi ka pa pumasok kanina," pagtataboy niya sa kasintahan na tila walang balak siyang iwanan. Nalukot pa nga ang mukha nito dahil hindi nagustuhan ang pagpapauwi niya rito. "Pinagtatabuyan mo naman ako kaagad, love, hindi pa nga nagpaalam kay Tita D," reklamo ni Hendrix sa kaniya. "Ako na ang bahala roon kay Tita, palusot mo," sagot ni Em

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD