Chapter 2
The Family
"Dito ka muna" Sabi niya. Kaya naman ay umupo ako sa kama habang nakatalikod sa kanya.
Binitiwan niya na ang kamay niya sa pagkakahawak saakin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa ginawa niya. Nakakaba kasi ang paraan ng paghawak niya saakin.
"I'm Craize Rio" Namangha naman ako sa pangalan niya. Binigkas siya na "craze" na may silent I.
"Veanice Samonte pala" Sabi ko at ngumiti kahit alam ko namang di niya nakikita.
"Sir, bakit---
"Bakit ako di makakita at di makalakad?" Dugtong niya. Nawalan ako ng imik.
"Isang parusa na rin ito saakin" Sabi niya. Nagtaka naman ako. Bakit magiging parusa ang nangyari sa kanya?
"Bakit?"
"Wag mo ng alamin.." Tumalikod siya saakin ng higa. Ipinatong ko ang paa ko sa kama ng dahan dahan.
Humiga ako pero malayo sa kaniya. Nakakahiya naman kay Sir Craize.
Bago pa lang ako pero nakikihiga na ako sa magarang higaan niya.
Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
══════ ∘◦❁◦∘ ═══════
Naramdaman kong may isang mabigat na bagay ang nakapatong saakin. Humikab ako at idinilat ang mata.
Pagharap ko sa kanan ay nakita ko ang mukha ni Sir Craize na sobrang lapit saakin. Halos dumikit na ang labi ko sa labi niya. Ramdam ko din ang bango ng hininga niya.
Amoy mint
Lumunok ako at lumayo sa kanya. Dahan dahan kong tinanggal ang isang paa niya na nakadantay saakin.
Umalis na ako sa pagkakahiga at tumayo. Inayos ko ang kumot ni Sir at inayos ang unan niya.
Ang cute palang matulog ni Sir
Mahaba ang pilik mata niya at ang plump ng labi niya. Parang labi ng babae.
Nanlaki ang mata ko. Anong oras na ba?! Tumingin ako sa digital clock ni Sir na nasa taas side table niya.
Naku, 8PM na! At di pa ako nakakatawag kila Mama.
Dahan dahan kong isinira ang pinto at kinuha ang cellphone ko. Kinontact ko si Mama at agad niya namang sinagot.
"Anak! Nasan ka na ba? Alam mo bang kanina pa kami nag-aalala ng kapatid mo? Malapit ng mag alas-nuebe. Jusko, alam mo namang nerbyosa itong Inay mo"
"Nay kalma lang. At may importante akong sasabihin, Inay.."
"Oh ano naman iyon anak?"
"May trabaho na ako nay!" Tumili ako sa galak at nagtalon talon.
"Talaga anak? Anong trabahao ba yan? Talagang bang ayos ka lang dyan? Wag kang magpapagutom hah?"
"Nay okay lang ako! Atsaka isa akong personal nurse, Nay. Alam mo ba nay, ang ganda ng bahay nila..."
Nagpatuloy lang ako sa pagkwekento kay nanay. Naalala kong hindi pa pala ako nakadala ng masusuot ko sa pagtira dito. Pano yan?
Bumaba na ako papunta sa kusina para sana lutuan ng makakakain si Sir Craize.
"Oh Veanice? Kamusta si Craize?" Nakita ko si Madam at ang asawa niya ata. Gwapo rin si Sir Daddy ni Craize. May kulay green din siyang mata. May dalawang lalaki din na sa tingin ko ay nakakabatang kapatid ni Sir Craize. At isang magandang babae na kamukhang kamukha ni Madam. Er, di ko pa pala nakukuha pangalan ni Madam.
"Ah nakatulog po si Sir Craize" Sabi ko at nakayuko lang. Nakakahiya, nadito kasi ang buong pamilya ni Sir Craize.
"Uhm, lulutuan ko po sana si Sir" Patuloy ko.
"Ah, kain ka muna Veanice tapos dalhan mo na lang ng pagkain si Craize" Nakangiting sabi ni Madam.
"Ah by the way, ito si Charles asawa ko. Si Timothy o Timo na lang" Turo ni Madam sa asawa nito na nasa unahan nakaupo at yung lalaking may black piercing sa kaliwang tenga.
"Si Tristan naman at si Blaize" Tinuro ni Maam yung katabing lalaki ni Sir Timothy na may kulay blonde na buhok na halos di na makita ang mata niya sa haba ng bangs niya. Parang kpop idol siya sa style ng buhok niya.
Si Maam Blaize naman ay kambal pala ni Sir Craize kaya pala maka rhyme yung pangalan nila.
"At ako si Crista" Nakangiting sabi ni Madam. Infairness, kahit mayaman sila ay sobrang bait nila di tulad ng iba na nilalait ang mga mahihirap. Tinatawag pang hampas lupa ang iba.
"Ikinagagalak ko kayong makilala. Ako po si Veanice Samonte. Ang personal nurse ni Sir Craize" Sabi ko.
Napansin kong nakataas ang kilay ni Blaize habang tinignan ako mula paa hanggang sa mukha ko. Nakita kong ngumisi siya at umiwas na ng tingin saakin at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
"Uh, excuse po muna at kukuha ako ng pagkain ni Sir" Yumuko at nilisan na ang hapagkainan. Naawawkward kasi ako doon. Atsaka parang ayaw saakin ni Maam Blaize at yung dalawang nakababatang kapatid naman ni Sir Craize ay parang may sariling mundo.
Kumuha ako ng pagkain at inilagay sa tray at utensils. Kumuha na din ako ng saging at tubig. Atsaka pagkain rin para saakin. Nakakahiya namang sumabay sa Pamilya Rio na kumain. Atsaka personal nurse lang din naman ako ni Sir Craize.
Binitbit ko na ang tray at nagpatuloy na maglakad papunta sa kwarto ni Sir Craize.
Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan. Nakita ko si Sir Craize na nakatingin sa harap ng pinto. Nakaupo siya sa kama niya.
"Veanice?"
"Sir ako nga" Sabi ko at lumapit sa kanya. Nilapag ko ang tray sa side table niya.
"Sir, may dala po akong pagkain niyo. Atsaka para sakin na din po. Nakakahiya kasing kumain kasama yung pamilya niyo sa baba" Sabi ko at inihanda ang pagkain niya.
"Ako na.." Sabi niya. Tumingin naman ako sa mukha niya. Deretso lang ang tingin niya at wala itong emosyon.
Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Sir.
Napakahirap ng sitwasyon niya. Bulag siya at di pa makalakad.
"Stop daydreaming, Veanice." Napitlag naman ako at kinuha ang kamay niya at inabot ang bowl ng Chicken Soup.
"Ako na lang po kasi. Baka mahirapan kayo---
"No! Dont mind me. Di naman lumpo ang kamay ko." Sabi niya. Pinabayaan ko na lang siya.
Marunong nga si sir na kumain kahit walang tulong. Ako na lang ang kumuha ng bowl at inilagay sa tray. Pinainom ko na rin sa kanya ang tubig at ipinakain ang prutas na dala ko.
Pagkatapos niyang kumain ay kinain ko na din ang pagkain na kinuha ko na para sa akin.
Tahimik lang akong kumain.
"I was 26 years old when a tragedy happened..." Nahinto ako sa pagkain. Ikwekwento niya ba ang nakaraan niya?
"I..I lose my eyesight because of the broken glass and lose my ability to walk because of the damage infront of my car. Naipit ang paa ko at nahirapan na akong maglakad ulit.." Sabi niya. Tumikhim naman ako at pinunasan ang dumi na nasa bibig ko.
"Sir, may paraan naman po para makalakad kayo at makakita ulit eh" Mayaman naman sila. Kaya I'm sure na maafford pa niya ang pag papagamot sa ibang bansa. Hightech kasi sa ibang bansa kaya malaki ang tsansa na makalakad at makakakita pa siya.
"I know..but this is already my fate" Malungkot na sabi nito. Nakita kong tumulo ang luha mula sa kulay emerald na mata niya kaya agad ko itong pinunasan.
"Wag kayong mawalan ng pag-asa. Alam kong makakakita at makakalakad pa kayo. Tiwala lang" Sabi ko.
At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang magandang ngiti niya.
══════ ∘◦❁◦∘ ═══════
Author's Note:
Hi readers~ Thank you sa suporta. Sa mga nagbasa! Salamat salamat.