Chapter 1

938 Words
Chapter 1 Another Day "Nay mano po" Lumapit ako kay Nanay at nagmano. "Kamusta trabaho?" Tanong niya. Bumuntong hininga lang ako. "Tinanggal ako nay" Lumungkot ang boses ko pero hindi ko hinayaang tumulo ang luha ko. Sawa na akong maging mahina. Gusto ko namang maging malakas para sa pamilya ko. Simula nang mawala si Tatay ako na ang todo kayod para sa pamilya namin. May dalawang kapatid ako at puro babae. Si Victoria na 3rd year college na at si Venice na 4th year highschool na. "Ano bang nangyari anak? Bakit ka tinanggal?" Galit na tanong ni Nanay. "Hayaan niyo na, Nay. Ako na bahalang maghanap ng ibang trabaho bukas. Huwag kayong mag aalala." Ngumiti ako ng pilit. Pumasok na ako sa kwarto ko. Sumampa ako sa kama at pumikit. Masakit parin para saakin na paalisin sa trabaho ko. Mahal ko ang trabaho ko at ang tatlong taon na pagiging nurse ko ay nawala lang sa isang iglap. "Panginoon, tulungan niyo naman ako" Pumikit ako at nagdasal. Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para maghanap ng trabaho. Nagbihis ako ng pormal na damit. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. "Ate, magandang umaga!" Binati ako ng kapatid ko na si Victoria. Bumati naman ako pabalik. "Morning bunso" Bati ko kay Venice. "Morning din ate" Nilipat ko ang tingin ko may Nanay na nagluluto ng agahan. Nagluluto siya ng sinangag na kanin at sunny side up. "Tulungan ko na kayo Nay" Sabi ko. "Wag na anak. Madumihan pa yang damit mo" Pagkatapos naming magluto ni Nanay ay kumain na kami ng agahan. Ako naman ay maaga ng umalis. Hinanda ko na ang biodata ko at iba pang kakailanganin ko. "Sorry miss pero wala talagang bakanteng trabaho eh" Ilang ospital na ba ang napuntahan ko pero wala parin akong napasukan. Palagi nilang sinasabi na wala ng bakante. Ang malas ko talaga. Umupo ako sa isang gutter. Biglang may lumipad na flier sa harapan ko kaya pinulot ko na lang. Binasa ko ang laman nito at laking gulat ko na flier ito para sa naghahanap ng Private Nurse. "Yes!" Tumalon talon ako sa saya. Sa wakas! Kinuha ko ang numero na nasa flier at agad na tinawagan. "Hello who is this?" Wow infairness, english speaking. "This is Veanice Samonte can I apply?" Sabi ko. "Oh, for the Private Nurse?" "Yes yes!" Omg! Ito na ba ang unang swerte ko ngayong araw? "Sure. Punta ka nalang sa address a nakalagay sa flier." "Sige po! Maraming salamat!" Binaba niya na ang tawag at agad na kinuha ang address na nasa flier. Kahit mahal ay sumakay na lang ako ng taxi para mas madali akong makarating sa address na yun. Pumasok kami sa isang malawak na paligid. Hacienda ata toh. Ang yaman ata ng aalagaan ko. "Dito na po tayo, Maam" Sabi nung taxi driver. Inabot ko ang bayad sa kanya at bumaba na. Sumalubong saakin ang isang malaking gate. Lumapit ako sa doorbell at pinindot ito. Parang automatic namang bumukas ang gate matapos kong mapindot ang doorbell. "Welcome Miss Veanice, please come inside" Rinig ko ang parang intercom na nagsasalita. Sumunod naman ako at pumasok. Nakita ko ang isang napakalaki at napakagandang masion. Kulay white and beige ang kulay nito. May isang fountain sa harapan nito. Pumasok sa mansion, halos nahiya akong ipasok ang doll shoes ko dahil sa kintab ng tiles. "Ikaw ba si Veanice?" Lumingon ako at nakita ang isang magandang babae na nasa 50s niya na ata. Tumango ako. "Opo ako nga po" Ngumiti siya saakin. "Ako nga pala ang Mommy ng aalagaan mo" Nanlaki naman ang mata ko. "Talaga po? Ilang taon na po ang aalagaan ko?" Tanong ko. "Hmm.. How old are you?" "27 po" Sagot ko. Mag twetwenty eight na pala ako next month. "He is already 28 years old" Nagulat naman ako sa narinig ko. Akala ko oa naman babies ang aalagaan ko o bata pero baby damulag pala. "Ano pala pong nangyari sa kanya at kailangan niya ng Personal Nurse?" Tanong ko. Nakita ko namang lumungkot ang itsura ng ginang. "Actually, hindi siya makakita at makalakad" Napasinghap naman ako sa narinig. "P-Po?" "Yes, dalawang taon na rin simula nangyare ang trahedya." Tumango tango na lang ako. Ayaw ko namang ipaalala kay Madam yung nangyari baka umiyak pa siya. "So lets go? Ipapakilala ko sayo ang anak ko" "Sige po" Umakyat kami papuntang ikalawang palapag ng bahay. Pagkatapos ay pumunta kami sa harapan ng brown door. "Anak?" Kinatok ni Madam ang pinto pero wala kaming narinig na sagot. "Ako na lang po bahala, Maam" "Ganun ba? Atsaka please, may pagka maldito kasi yang si Cole kaya pagpasensyahan mo na siya." "Ok lang po. Sanay naman akong may makaharap na ganito." Syempre nurse at may mas lala pa akong naranasan kaysa isang malditong tao. "Alagaan mo siya ng mabuti hah?" Ngumiti siya ng malungkot saakin. Tumalikod na si Maam saakin kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto. Sumalubong saakin ang madilim na silid pero nakahawi naman ang kurtina. "Who are you?" Isang malamig at malalim na boses at narinig ko. Tumikhim naman ako at napatuwid ng tayo. Biglang kumabog ang puso ko sa kaba. "I--Im Veanice Samonte, your personal nurse" Sabi ko. Hindi ko makita kung nasaan si--Sir. "Im here" Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. Nagulat ako nang makita ko ang isang gwapong lalaki na may kulay green na mata. Woah. "So, you are my latest personal nurse" Nakita kong ngumisi siya pero...yung mata niyang nakatingin likuran ko. Iniwagayway ko ang mata ko sa harap niya. Kaso...hindi man lang kumurap mata niya. "I'm blind and can't walk...if you are wondering" Nakita kong pumikit ito at pinaandar ang wheelchair niya at tumalikod saakin. "Ako na" Hinawakan ko ang wheelchair niya. "I want to sleep" Sabi nito. "Sige, tulungan na kita" Dahan dahan ko siyang inakay. Nilagay ko ang braso niya sa leeg ko at tinulungan siyang makaupo sa kama. "Thanks" Tinulungan siyang humiga at kinumutan. "Walang anuman po Sir" Sabi ko. Aalis na sana ako para lumabas kaso bigla niyang hinila ang kamay ko. "Dito ka muna"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD