Lately me and Jaden are co-existing well sa bahay. Di na ako nakakarinig ng masasakit na salita pero di ko naman siya palaging nakakasama. Okay lang yun at least we live peacefully.
As what Tito had promised pinatingnan niya si Jam sa doctor. The expert said na kailangan niyang mag-undergo ng heart transplant kung gusto namin siyang mapabuti for long term. She has a weak heart since isinilang kaya madali siyang nagkakasakit.
She's under in a waiting list for possible heart donor kahit wala siya sa hospital dahil sa connection ni Tito. The Romano owns the hospital. Sabi ni Tito mas mapabuti si Jam kapag nasa bahay lang dahil makakilos siya ng maayos at maraming kasama sa loob.
Isa ito sa pinakamalaking problemang nasolve ng dahil sa mga Romano. Kung di pala ito nangyari how can I afford na paoperahan ang aking kapatid? Kahit siguro habang buhay akong magtatrabaho at mag-iipon di ko yun makaya, it screams of millions. Di basta basta ang heart transplant.
I would be indebted to them lifetime. At para sa aking kapatid gagawin ko ang lahat, siya nalang ang natitira sa akin. Kaya kailangan kong gawin ang iniutos sa akin ni Tito kahit yun man lang maiganti ko sa kanya. I was turn between choosing the right thing or dahil sa utang na loob.
Kakayanin ko kahit in the end ako ang masaktan basta okay lang ang mahal ko sa buhay. I can go all out for the sake of love and I can let go if Jaden ask me to. Lahat sila ay may parte sa aking buhay.
Nasa trabaho ako ngayon dito sa restaurant at lahat busy dahil maraming customers. It was Friday night, gathering ng magkakaibigan or bonding with family. Kaya expected ang ganitong scene. Lahat busy at madalian ang kilos.
I was busy accomodating some customers when a group of people coming in. Mga grupo yun ng mga executives. Di ko sila pinagtuunan ng pansin as may inaasikaso ako na order.
"Anya, help me sa table 6 marami silang order;" sigaw ni Bobby sa akin kaya tumango ako. Pumunta ako sa counter para tulungan siya sa pagbigay ng kanilang order.
Nang makalapit ako sa grupo I was stunned sa aking nakita. The group seems familiar to me and when I saw Jaden my eyes went wide. Ang grupo ay kaibigan ni Jaden na nakikita ko sa bar last time.
Kinabahan ako bigla but I need to compose myself. Di ko alam kung marecognize pa nila ako. After all gabi yun. I need to be calm and stay collected nasa trabaho ako ngayon.
"Mga sir narito na po lahat ng order nyo. Sabihan nyo lang kami if may kulang pa." Wika ni Bobby as we lay down all their orders. Di ako nagsasalita pero ramdam ko ang titig ni Jaden sa akin.
"Anya, why you are here? Di ba may trabaho ka sa ibang restaurant?" Tanong agad ni Jaden sa akin. He saw me last time na nagtatrabaho sa isang maliit na restaurant.
Nakita ko ang kalituhan ni Bobby, I signal him na ako na ang mag-asikaso sa grupo ni Jaden.
"Ah dito talaga ako nagtatrabaho kapag Friday to Sunday tuwing gabi. Sa isang restaurant kapag weekdays naman." I tried to act normal kahit kinakabahan ako inside dahil lahat sila nakatingin sa akin. And now they recognize me. Di ko lang alam if they knew my entanglement with Jaden.
"Care to introduce us all to your wife Jade. We seems didn't recognize her easily." Sabi naman ng isang singkit na mata.
"Everyone this is Anya my wife. And Anya these are all my friends and you already knew them back then." Tiningnan ko lang silang lahat at ngumiti.
"Hello everyone, nice meeting you all again. Sorry di ako pwedeng magtagal kasi nasa trabaho pa ako. Just enjoyed your meal at tawagin nyo lang ako kapag may kailangan kayo." Alibay ko nalang para makaalis na sa harapan nila.
"Can you joined us here para kumain?" Wika ni Jaden bigla.
"No, nasa oras pa ako ng trabaho di kami allowed to mingle with customers unless it's work related. Kaya never mind me guys. Have a good meal." Paalam ko sa kanila.
They all look at me. May mukha ng pagtataka, ang iba naiintindihan ang aking kalagayan.
Di kalaunan may tumawag na rin sa akin na ibang customers. I became busy at halos nakalimutan ko na ang grupo ni Jaden.
"Anya, bakit kilala ka ng grupo na nasa number 6?" Interested na tanong ni Bobby ng medyo di na siya busy at pareho kami nasa counter. Alam ko naman na kukulitin niya ako dahil sa narinig kanina.
"Ahmmm pinsan ng kaibigan ko ang isa sa kanila at nakilala ko na sila dati pa." Pa simple kong wika kay Bobby, ayaw ko ng ipaalam sa kanila ang tunay kong relasyon kay Jaden.
Then Angie came na parang kiti kiti na di mapakali. Agad niya ako hinila sa isang sulok.
"Anya nagtatanong ang grupo na nasa table 6 kung kumain ka na ba at kung allowed tayo na magbreak para kumain. Sabi ko sa kanila na mamaya ka pa magbe-break around 9pm for 15 minutes." Sabi nya na mukhang excited.
"May sinabi pa ba sila na iba?" Baka mabuko ako nito.
"Actually yung isang guy na mukhang familiar nagtatanong kung anong oras ka mag-out mamaya at sinabi na mag-order ka sa iyong kakainin at isama sa bill nila. Mukhang kilala ka nila masyado. Kaano ano mo ba sila?" Umandar na naman ang pagiging chismosa ni Angie.
"Mga kakilala ko lang sila. Kaibigan ng aking kaibigan." Simply kong saad. Ayaw ko lang palakihin pa ang isyu.
"Pero tingin ko mukhang di ka lang kaibigan nung isa eh. Mukhang concern pa nga siya sayo. Tingnan mo palagi pang nakatingin sa area natin at ang gwapo. Mukha atang artista." Kilig pang saad ni Angie.
I look at Jaden's location at yun nakita ko siyang nakatingin sa akin. Alam kong may napapansin na si Angie at kapag nagtagal mabubuko niya ako.
"Sige orderan mo lang ako ng dalawang best seller natin at itago mo nalang sa storage at mamaya nalang natin kainin." I know Jaden doesn't care about money. Kahit magkano pa orderin ko dun wala siyang pakialam pero ayaw ko din abusuhin siya. Two meals for us ni Angie ay okay na yun.
As the night goes nakita ko parin ang grupo nila na nag-iinuman ng beer at pumuwesto na sa ibang upuan sa may entertainment area. We also serve beer pero light lang. Yung pangpatunaw or just enjoying the night. Ang restaurant namin ay hang out place ng maraming tao lalo na kapag Friday at Saturday night.
Sa kabila ng kabisihan ng lugar, di namin maiiwasan na magkulitan at maging masaya. Mga masayahing tao ang aking mga kasama kaya nag-eenjoy din kami kahit simpleng bagay lang while doing our jobs
"Hi Anya busy kaba this Sunday, pwede ba kitang mayaya para mamasyal?" Bigla tanong ni Renz habang nag-aarange ako ng mga gamit. Malapit na kaming mag-out. Kaya while waiting sa mga customers na umalis unti unti din kaming naglilinis at nag-aarange.
"I'm sorry Renz pero busy ako eh. Sunday lang kasi ang pahinga ko at yun lang time ko para asikasuhin ang aking kailangan sa school."
Isa si Renz sa mga nanliligaw sa akin dito sa restaurant. Siya talaga ang bukal na nagsasabi gusto niya ako. Ang iba hanggang pasimpli lang ang sabi na crush ako pero dahil alam nila ang aking priorities di na sila nagpursige pa.
Mabait naman siya at may porma kaya lang wala sa plano ko ang pakipagboyfriend lalo na ngayon sa aking kalagayan.
"Okay lang Anya I understand pero di parin ako titigil sa kakulit sayo baka one day mapansin mo rin ako." Naawa ako pero wala talaga ang puso ko sa kanya. I can't find a driving force para pasukin ang pakipagrelasyon sa kanya.
Oras ng uwian. Di ko na rin nakita ang grupo ni Jaden. We close the restaurant.
"Anya, sabay na tayo sa sakayan." Sigaw ni Renz sa akin. Di na nagtataka ang lahat ng aming kasama kasi palagi kaming magkasabay sa uwian.
"No, she goes with me. Are you done? We need to go home." Napapalingon ako sa aking likuran as I heard those words. It was Jaden na nakapamulsa. He looks serious na di maipinta ang mukha na nakatingin kay Renz at sa akin.
Lahat ng mga kasamahan ko napatingin din sa amin. Ang iba nagtataka kung bakit kilala ako ni Jaden. I look around pero wala na ang kanyang mga kaibigan.
Does he really waited for me?
"Come on Anya it's been late already." Sabay hila niya sa akin patungo sa kanyang sasakyan.
Alam kong maging cause ako ng usap usapan bukas pagpasok ko ng trabaho.
"Saan pala ang mga kaibigan mo? Bakit hinintay mo pa ako?" Tanong ko to lighten the mood.
"Why not? Do you think I'm that heartless para pabayaan kang umuwi mag-isa at this hour knowing I was in that location? Are you hiding something for you to be afraid na makita akong kasama mo?"
Nabigla ako sa tono niya. He seems angry. Saan galing ang galit na yun? Simple lang naman ang tanong ko bakit ang dami na niyang litaniya?
"I didn't mean that way Jaden baka lang kasi naka-isturbo ako sa usapan nyong magkaibigan or perhaps sa getaway plan nyo tonight. It's weekend, time with your friends."
He looks me again na mas seryoso pa ang mukha. He started driving.
"No it doesn't seems that way. I see you're busy flirting with that guy. Tell me, are your friends even know about my existence sa buhay mo? Does anybody know our relationship?"
Umiling ako. Nagtataka kung bakit ganito siya sa akin ngayon?
"Why not? Why you are hiding your status with your friends? Para maging malaya kang makipag-flirt sa iba?"
What? Saan galing ang akusasyon niya?Paano kami napunta sa ganitong usapan? Ayokong patulan ang kanyang baseless accusations.
"Jaden, saan patungo ang usapang ito? Am I allowed to shout sa lahat ng tao tungkol sa relasyon natin? Di ba sabi mo we're just in a contract and that contract will end after 2 years? Sa tingin mo sino ang mas mapapahiya sa ating dalawa kapag pinagkalat ko? Will you like the idea that someone will know that a kind of me entangled with you? Di ba di mo ako gusto?" Fired back ko sa kanya, para akong mauubusan ng hininga dahil sa sunod sunod kong tanong.
He stops talking for a bit akala ko tapos na siya.
"Do you know how it feels na nakikita ka ng aking mga kaibigan flirting with other guys while nasa harapan ako? Knowing they knew my relationship with you?"
So it's his ego ang natamaan kaya siya ganito ngayon.
"Wala akong ginagawang masama. I'm not flirting with anyone nor having an affair with someone. My conscience is clear, kaya bakit ako mahihiya sa mga kaibigan mo? Are they narrow minded type of people? Don't accuse me if you don't have evidence."
Ayoko ko man patulan pero dignidad ko na ang tinatapak tapakan. Ang ayoko ko sa lahat ay yung inaakusahan ako sa di ko ginagawa.
I just closed my eyes intending na ayaw ko na siyang kausapin pa. I'm tired from work at ito pa ang aking maririnig. Di ko namalayan I fall asleep.