LAYUAN MO AKO

2011 Words

CHAPTER 46 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA   Napakarami na lalong gumugulo sa isip ko. Mga haka-hakang hindi ko alam kung saan nanggagaling. Mga babala ni Denver tungkol kay L-jay. Mga kuwento ni L-jay na siyang dahilan kung bakit napakamisteryoso ng pagkatao niya sa akin. Ngunit wala pang ipinakita si L-jay na hindi maganda sa akin. Kinikilig ako sa kaniya. Mga bagay na nagpapasaya at kumukumpleto sa aking pagkatao. Iyon ang mga bagay na hindi nagawa ni Denver sa akin ngunit marami din namang ginawa si Denver sa akin na siyang nagpapatunay na minahal niya ako. Brusko magmahal, ipaglalaban ako ng suntukan. Lalaki siyang umibig, inuman at barkadahan. Parang tropa lang ngunit nauuwi sa mainit na pagtatalik sa kama. Doon umikot ang aming relasyon. Kay L-jay iba. Siya yung tipong i-date ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD