HUBAD

1504 Words

Chapter 20 The KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Kaya mo ba ako dinala dito dahil sa kaniya? Dahil gusto mo siyang maalala?" "Hindi Julia, kaya kita dinala dito para may alam ka sa nakaraan ko.” “Ah, ayos ang trip mo ah. Gusto mo bang dumaan muna diyan sa kanila?” “Hindi. Ayaw ko.” “Baka lang naman gusto mong kumustahin,” pang-aasar ko. “Sige na. Lakad pa tayo. Malapit na rito ang lugar na pupuntahan natin." Bago kami nakalayo ay muli kong nilingon ang bahay. Nanlaki ang aking mga mata. May nakita akong lalaking nakatayo sa terrace. “May tao,” bulong ko. Kahit mahina iyon ay alam kong narinig ni Denver. “Ano? May tao? Saan?” “Do’n sa terrace ng puting bahay.” Tumayo ang balahibo ko. Iba ang gimbal na naramdaman ko. Lumingon siya. Sinipat niya ang sinabi kong terrace. “Wala naman?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD