ALINGASNGAS

1883 Words

CHAPTER 51 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Pagpasok ko sa aking condo ay agad akong sinalubong ni Muning. Muli niyang ikinaskas ang katawan niya sa akin. Pinulot ko at kinarga. Kasabay ko ang pusa sa pagbagsak ng katawan ko sa kama. HInaplos-haplos ko ang pusa habang dinidilaan niya ang katawan niya. Nakakagaan pala ng kalooban na may hinahaplos sa panahong tuliro. Tumunog ang cellphone ko. Text galing kay L-jay. Binasa ko agad iyon. "And now you are finally involved! We need to talk. Kahit anong oras at kahit saan mo gusto, haharapin na kita. You don't deserve this, Julia pero nagpumilit ka pa ring pumasok. Hindi ko na alam kung paano pa kita ngayong tuluyang mailalayo pa. Kailangan na nating tapusing tatlo ito." May kung anong takot na namuo sa aking dibdib ngunit wala akong balak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD