CHAPTER 34 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Hindi ako nakatulog. Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang puntahan ngunit paano kung lalo lang siyang magagalit at sasaktan lang niya ako? Ngunit dahil nahihirapan ako ay hinintay ko na lang na mag-umaga. Bahala na. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Ayaw kong magmukmok na lang at umiyak nang umiyak. Pinuntahan ko siya sa kanilang apartment. Nang nandoon na ako, saka naman ako nagdadalawang isip kung kailangan ko ba talagang gawin iyon. Sobrang desperada na talaga akong maghabol dahil inaamin ko, alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit iniwan niya ako. Iyon ay kung kasalanan ang magpakatotoo paminsan-minsan. Si hipon na kasamahan niya sa apartment ang nagbukas ng pintuan.