Tumingin siya kay Steven. “I'm sorry, Steven. I know that it's really hard to forgive me but it's okay. Naiintindihan naman kita. Hindi ko inisip na makakasakit pala lahat ng mga ginawa ko. Soon, sana mapatawad mo ako at umaasa ako na balang araw ay maging magkaibigan pa rin tayo,” Walang imik si Steven sa sinabi ni Ayesha. Printing nakatayo lamang siya sa tabi ko at walang emosyon niyang tinatanaw papalayo si Ayesha. Nang umalis si Ayesha, naramdaman ko ang paggaan ng aking kalooban. Si Steven naman ay niyakap ako ng mahigpit. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang makalabas ako ng ospital at magsimulang bumalik sa normal na pamumuhay kasama si Steven. Mas maingat siya ngayon sa lahat ng bagay, lalo na sa pag-aalaga sa akin at sa aming baby. Isang umaga, pagkatapos ng check-up ko