Sa aming paglapit, nakita ko ng malapitan ang pagong na tila walang pakialam sa presensya naming, dahan-dahan itong kumakain ng algae sa mga coral. Tahimik namin iyong pinanood, nagkatitigan kami ni Steven at ngumiti. Habang patuloy kaming nags-snorkel, nakarating kami sa isang lugar na puno ng sea anemones at mga clownfish. Ang mga isdang ito ay tila sumasayaw sa loob ng kanilang mga tahanan, nagsusulputan mula sa mga anemone na parang sinasalubong kami. “Parang Nemo!” bulalas ko, naalala ko ang paborito kong pelikula noong bata pa ako. I love how peaceful it was underwater. I've never seen such vibrant coral reefs before. Sa palipat-lipat ko ng lugar dahil sa pagsusulat ay ito ang unang isla na nagustuhan ko. Nasa pinakamalalim na kami ni Steven dahil sa sobrang naaaliw akong pagma