Isang pribadong cabana malapit sa dagat ang pinuntahan namin ni Ayesha para tahimik na makapag-usap. Nakaharap ito sa beach. Ito ay may mga kurtina na nagbibigay ng kaunting privacy, ngunit bukas pa rin sa tanawin ng dagat. Ang paligid ay tahimik, na may tunog lamang ng mga alon at huni ng mga ibon. Hindi ko rin alam kung nasaan ngayon si Steven pagkatapos ng usapan nila kanina. Naupo ako sa isang lounge chair habang nakatingin sa dagat. “Ayesha, bakit mo ako gustong makausap?” Umupo naman si Ayesha sa tapat ng upuan ko. “I just want to clarify everything. I don't mean to hurt you, but you need to hear the truth.” Humarap ako sa kanya. Pinilit ko pa rin maging kalmado. “What truth are you saying?” “It's about me and Steven. We have se—” Tinitigan ko siya. “Stop that! Why would I