Synopsis

286 Words
Mula pagkabata naghirap na si Meran. Maliit man ang kanyang pangangatawan at sakitin hindi ito hadlang para tumulong sya sa kanyang mga magulang. Wala silang sariling bahay at lupa, nakikitira lang sila sa mga lupang ipinagkakatiwala sa kanyang mga magulang. Lahat ng hirap sa buhay ay naranasan na nya.. Nandun yung palipat lipat sila ng tirahan, pagtitinda ng mga kakanin na nilalako nya sa kabilang baryo. Pinagsasabay nyang pag aaral sa elementarya at ang pagtatrabaho. Kumbaga sa murang edad nyang sampung taong gulang banat na banat na sya sa pagtatrabaho. Hanggang mag highschool na sya ganun pa rin ang buhay nila isang kahig isang tuka. Kaya nung umapak sya sa kolehiyo sinikap nyang makapagtapos ng kanyang pag aaral, gusto kasi nyang matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap. Hindi sya ambisyosa.. Pero naghahangad syang makarating sa ibang bansa Hindi sya maluho.. Pero mahilig syang mag shopping Hindi sya choosy pagdating sa mga lalaki.. Kaya nga nabansagan syang playgirl eh Mapagmahal, Mapagbigay, Maalalahanin at Mabait na Anak si Meran. First priority nyang kanyang pamilya. Ang maiahon sa hirap at mabigyan ng magandang buhay ang mga ito yun lang ang kanyang hinahangad. Pero paano kung nasa kalagitnaan pa lang sya sa pag abot ng kanyang mga pangarap ay may nakilala syang isang lalaki na nangangako ng magandang buhay para sa kanya. Isang lalaking nagpabago ng kanyang prinsipyo. Isang lalaking iaalay ang sarili nitong buhay para lang sa kaligtasan nya. Isang lalaking mahal na mahal sya at pinakamamahal na rin nya. Anong pipiliin ni Meran ang pinakamamahal na pamilya O Ang lalaking nangangako ng langit para makapiling lang sya't mahal na mahal.nya? Anong mas matimbang sa puso ni Meran? Ang kanyang.. Love or Career? Choose wisely Meran! ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD