Back Together

1551 Words
'Ang hirap magpasaya kung ikaw mismo 'di na masaya...' "Kuya, naman... Kasal ko kaya ngayon diba dapat happy ang lahat? Bakit ganyan na naman ang hitsura mo?" Napabuntong hininga na lang si Axel saka dinampot ang isang bote ng alak at uminom ng sunod sunod. "Anuba kasing problema mo Kuya? Ba't dimu share sakin baka makatulong ako sayo?" Pangungulit ni Mia kay Axel na halatang mabigat ang suliranin na iniinda. Panu ba naman, ang buong akala nya ay okay na sila ni Meran kasi nga may nangyari na sa kanila. Na umaasa syang papayag na itong magpakasal sa kanya. Pero isang tawag lang ang natanggap nito galing sa pamilya, nagkukumahog na itong umalis at inabandona na lang sya basta basta. "Siguro yung run away girlfriend mo na naman ang pinoproblema mo nuh? Hayy... Bakit ba naman kasi palagi kana lang nya tinatakasan Kuya? Diko talaga sya magets ha!" Naaawang hinagod hagod ni Mia ang likod ng kapatid ng makita nya itong yumoko at pasimpleng nagpunas ng mga mata nito. Ambait bait naman ng Kuya nya pero bakit hindi nito makamit ang inaasam na kaligayahan? Baka kelangan na nya itong tulungan di kaya? Para sumaya naman ito kagaya nya. "Prince, sweetheart, lika dito saglit!" Kinuha nyang atensyon ng asawa na nakikipagkulitan sa mga kaibigan nitong mga secret assassins. Bahagya itong sumulyap sa kanya at sa halip na magsalita sya inginuso nyang kapatid na nakayuko pa rin at sapo ang nuo nito. Kaagad namang lumapit sa kanya si Prince, pumulupot ang mga braso nito sa bewang ni Mia saka nagtatanong ang mga matang tinitigan sya. "Matutulungan mo bakong mahanap ang run away girlfriend ni Kuya?" Kunot ang noo na tila naguguluhan pa si Prince pero tumango naman ito sa asawa. "Meran Chi, ang name nya." Bulong ni Mia sa asawa. Kaagad na hinugot naman ni Prince ang cellphone sa bulsa saka nag search sa google. Maraming profile ang lumabas na kapangalan ni Meran. May tinuro na picture si Mia. "Yan si Meran" napangiti si Mia sa nabasang caption sa picture ni Meran. ""People think dreams aren't real just because they aren't made of matter, of particles. Dreams are real. But they are made of viewpoints, of images, of memories and puns and lost hopes." "Hmm... Pretty." Napataas ang kilay ni Mia ng marinig ang sinabi ng asawa. "At ito naman ang bff ni Meran, sya si Kimy. Sigurado akong alam nya kung saan ngayon ang run away girlfriend ni Kuya." Tinuro nyang pictures nila Kimy at Meran. May caption rin ang picture ng mga ito. "Life is like a camera. Focus on what's important. Capture the good times. And if things don't work out, just take another shot." "Both gorgeous" komento na naman ng kanyang asawa. Nagseselos na hinampas nyang braso nito. "Prince, ipapaalala ko lang sayo na kakakasal lang natin, gusto mo idivorce kita kaagad ha?" Natataranta namang kaagad na niyakap ni Prince ang selosang asawa. "Ikaw naman, wag ka ng magselos hmm.. ikaw lang naman ang love na love ko eh!" "Tse... tigilan mo na nga ako, hala gumawa kana ng paraan para mahanap na natin yang Meran na yan." Sinulyapan nyang kapatid na nakatingin na sa kawalan, tulala. " Para sumaya na rin ang Kuya Axel ko." "Kalma lang, madali lang naman 'to eh, sandali lang sweetheart ha! Balik kaagad ako, puntahan ko lang si Aeris." Sinundan na lang ng tingin ni Mia ang asawang naglalakad pabalik sa mga kaibigan nitong maiingay sa lahat. Nilapitan nyang kapatid saka tinapik ito sa balikat para kunin ang pansin nito. "Kuya, halika na ipapasok na kita sa hotel room mo para makapagpahinga kana." Walang imik na tumayo mula sa pagkakaupo si Axel saka naglakad mag isa papasok ng hotel. Naiiling na susundan sana nya ito ng marinig nyang pagtawag ng asawa sa kanya. "Sweetheart, alam ko na kung san ngayon si Meran." "Talaga!" "Yes, kaya pupuntahan na namin nila Keros ngayon." "Teka lang sasama ako sa inyo ako ang kakausap kay Meran. Mahirap na pag kayong humarap sa kanya baka matakot tumakas na naman. Hintayin moko dito magbibihis lang ako." Tumatangong umupo si Prince para hintayin ang magandang asawa na lakad takbo na ngayon papasok ng hotel. SINGAPORE Habang abala sila Kimy at Robert sa kaka shopping, abala naman si Meran kakaisip sa mga nangyaring kaganapan sa kanyang buhay. May mabigat na naman syang kasalanan na ginawa kay Axel at natitiyak nyang galit na galit na naman ito sa kanya ngayon. Umalis at iniwan na naman kasi nya ang kasintahan ng hindi man lang nagpaalam ng maayos. Kinailangan nya kasing umuwi kaagad sa probinsya nila dahil nahospital na naman ang kanyang Itay. Tapos ilang araw lang lumipas nanganak naman si Ghing. Ang dami nyang inaasikaso na nakaligtaan nyang ipaalam lahat kay Axel. Hindi nya rin ito matawagan gawa ng na snatch ang ginagamit nyang cellphone. Nakabili man sya ng bago hindi nya rin alam kung anong number ni Axel dahil hindi nya ito kabisado. Hanggang sa lumipas ng ilang buwan naayos na nyang suliranin sa kanyang pamilya pero ang sa kanila ni Axel ay tila lumala pa. "Anubang buhay tong akin? Bakit ba napakailap ng kaligayahan sakin?" Huminto sa paglalakad si Meran at hinugot ang cellphone sa loob ng shoulder bag nito. Tiningnan nyang nagva vibrate na cellphone. 'Inay calling....' Sinagot nya kaagad ang tawag, baka importante kasi minsan lang naman tumawag ang kanyang Inay sa kanya. "Hello Nay," "Meran, Anak, kumusta ka naman dyan ha?" "Mabuti po kami ni Kimy dito Nay, baka sa makalawa uwi na rin po kami kasi nabili na po nilang wedding gown na gusto ni Kimy." "Naku Anak, mabuti pang kaibigan mo ikakasal na, eh ikaw Anak kelan ba kayo magpapakasal ni Doc heart?" Nagulat si Meran sa tanong ng kanyang Ina. Malaking katanungan sa kanya kung bakit kilala nito si Axel eh ni hindi nya nga ito nabanggit sa kanyang pamilya. Narinig nyang pagbuntong hininga ng kanyang Ina. "Anak, kahit na hindi ka magsabi samin malalaman pa rin namin, lam mo ba kung bakit? Kasi, madaldal yang kaibigan mong si Kimy hihihi. Palaging bumibisita yan dito samin at ipinapakita pang mga litrato nyo ni Axel Kehmer, kaya kilalang kilala na namin sya, basi nga lang sa picture at kwento ni Kimy." Hindi nya malaman kung anong sasabihin nya kaya nanatili na lang syang tahimik at nakikinig sa mga kinukwento ng kanyang Inay. "Anak, kung kami pa rin ang inaalala mo kaya palagi mong tinatakasan ang boypren mo, Aba'y wag na Meran.. Tama ng pagsasakripisyo mo samin, sobra sobra ng naitulong mo, saka maayos ng pamumuhay namin, kumikita na rin ang maliit na negosyo ng tatay mo sa palengke. Saka Anak, bumalik ng Ama ng anak ni Ghing, Naku! siguradong magugulat ka kung sino hihi. Naalala mo bang nanliligaw sayo noon na si Ricky?" Napakunot ang nuo ni Meran "Yung bombay na si Ricky, lam mo ba simula kasi nung umalis ka dito at nagtungo sa Japan, pabalik balik sya dito at ang laging humaharap sa kanya ay si Ghing, eh syempre hindi naman kami magkaintindihan kapag kami ng Tatay mo ang kinakausap kaya ang kapatid mong palaging humaharap sa kanya. Siguro nagka developan yung dalawa. Ay, anak, magpapakasal na pala sila. At ang ate Candy mo dumalaw na rin dito kasamang asawa nya. Mabait naman at magalang kaya natanggap na rin namin ng Tatay mo." Nanlabong mga mata ni Meran dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak sa kanyang pisngi. Hindi nya maipaliwanag kung anubang nararamdaman nya ngayon. "Meran, Anak, nandyan kapa ba? Hello! Ay, nalintikan na daldal ako ng daldal wala na pala akong kausap.. Hoy, Jr, ayusin mo nga itong celpon at hindi ko marinig ang Ate Meran mo." Garalgal ang boses na pinilit ni Meran magsalita. "N-- Nay.." "Meran! Umiiyak kaba ha Anak?" May pag aalalang tanong ng kanyang Ina. Napabuga ng hangin si Meran saka huminga hinga ng malalim para mapakalmang sarili bago ito nakapagsalita ulit ng tuwid. "Haha wala po ito Nay, tears of joy lang po ito." "Ikaw talagang bata ka, pinag aalala mo ako." Napaupo si Meran sa gilid ng kalsada ng makaramdam ng panlalambot ang kanyang mga tuhod. "Ayos lang po ako Nay, wag nyo na po akong alalahanin. Masaya lang po ako sa mga nangyayari ngayon sating pamilya. Natutuwa po ako na maayos na po ang lahat.. Na masaya ng lahat.. Na --" "Meran, mas lalong sasaya ang lahat kapag masaya ka rin Anak. Kaya sana, sarili mo naman ang pagtuonan mo ng pansin, sariling kaligayahan mo naman ang yong asikasuhin. Natupad mo ng mga pangarap mo para samin na pamilya mo kaya Anak, palayain mo ng sarili mo, sana sa pag uwi mo dito kasama mo na si Axel, Anak nasasabik na kaming lahat na makilala sya kaya sana dalhin mo sya pag uwi mo dito, ha Anak!" Lalo tuloy napaiyak si Meran, nag uumapaw ang kaligayahang kanyang nararamdaman, talagang napakabuti ng kanyang pamilya, ang pamilyang pinagkaloob ni Lord sa kanya, ang pamilyang pinakamamahal nya. Napahagolgol na sya ng iyak sa gilid ng kalsada. Feel na feel nyang pagka best actress ng may marinig syang tumawag sa kanyang pangalan. "Meran!" Sa nanlalabong paningin ni Meran, naaninagan nyang tatlong lalaki at isang babae na nakatayo di kalayuan sa kanya. Napatayo sya bigla ng makilala ang isa sa mga yun. "Axel?" "Hi Meran, My Bebeko... Sa wakas nahanap din kita." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD