PROLOGUE (Chasing)
OCTOBER 2, 2010 (7:00 P.M. to 7:45 P.M.)
SAN VICENTE, PALAWAN
Kanina pa niya inaabangan ang paglabas sa faculty room ng lalaking guro sa pampublikong eskwelahan kung saan ito nagtuturo. Ilang buwan na rin siyang nagmamatyag dito. Ngayon lang siya nakahanap ng magandang tyempo.
Suot niya ang uniform ng guard na pasimple niyang sinundan kanina habang nagroronda sa mga classroom, pinatulog niya ito sa pagpalo sa ulo nito ng dala niyang Medallion Caliber 45, itinali niya ito at binusalan ang bibig para kahit magising ito ay hindi basta makakagawa ng ingay. Iniwan na rin niya itong naka-lock sa classroom.
"Sir Abelardo!" tawag niya sa pangalan ng guro.
Napalingon ito at napahinto sa paglalakad, waring sinisino kung sino ang guard na naka-duty sa oras na iyon.
"Naiwan niyo po," pagbibigay imporma niya sa guro sabay taas ng brown envelope na dala-dala.
Dahil madilim na sa mga oras na iyon ay hindi na siya maaninag ng guro bilang nagpapanggap na guard. Hinintay nitong makalapit siya para makuha ang brown envelope na inakalang naiwan.
Napabuntong-hininga naman ang guro sa pagod sa maghapon at sa naisip na marami pang grades ang kailangan nitong mai-record lalo na at malapit na matapos ang second grading. Naisip nito na sa sunod na taon ay pwede na rin naman itong kumuha ng exam para sa pagpi-principal. Sa naisip ay napangiti ito, at least unti-unti na rin natutupad ang mga pangarap kaya sulit naman ang pagod na nararamdaman sa pakiramdam nito.
"Salamat," nakangiting sabi ng guro sa kaniya.
MAY DALAWANG METRO na lamang ang layo ni James Abelardo mula sa lalaking nagpapanggap na guard at hindi pa rin nito maaninag ang mukha nito dahil sa dilim. Sa isip niya ay may katanungan kung sino ba ang guard na naka-duty sa oras na iyon.
Si Tuazon ba o si Reyes? Pero parang hindi sila… baka may bagong guard ang eskwelahan...
Tatlong hakbang na lang ang nagpapanggap na guard mula sa kaniya nang maklaro niya ang mukha ng impostor. Napakunot-noo siya, sinisiguro kung tama ba ang nakikita niya.
Siya nga! Pero... Imposible! Ano ang ginagawa niya rito?
"Ikaw? Paanong..." habang umaatras ay naturan niya. Makikita ang kilabot na nasa mukha niya sa pagkakita sa mukha ng impostor. Tuluyan na niyang hindi natapos ang sasabihin, mabilis na siyang tumakbo palayo mula rito. Hindi na niya alintana ang mga papel na nabitawan at kumalat sa lupa. Mas inisip niya ang lumayo sa kinatatakutan.
NAPANGITI NAMAN ang taong nagpapanggap at mabilis ang paglakad na sinusundan ang guro, tinatantiya kung gaano na kalayo ang pagitan nila ng guro. Hahayaan niya na muna ito makalayo ng kaunti para mas exciting mamaya sa kaniyang naisip na gagawin.
Mula sa natatanaw ay nakita niyang patuloy ito sa pagtakbo at nang makatapat na ito sa gate ng eskwelahan ay bahagya itong napahinto, mistulang naghahanap ng security guard sa guard house upang mahingian ng saklolo.
Nang lumingon ito ay nakita na papalapit na siya. Kitang-kita niya na takot na takot ito. Muli itong tumakbo at tuluyan ng nakalabas ng gate ng eskwelahan.
Nasa kalsada na ito at sa kasamaang palad ay wala man lang napapadaan na kahit sinong tao. Wala naman talaga basta dadaan sa kalye na iyon sa ganoong oras. Matagal niya nang naobserbahan ang lugar at alam niya na sa ganoong oras ay wala nang pumupunta ng eskwelahan maliban sa mga security guard na nagsasalitan sa pag-duty. Sigurado na rin naman siya na kanina pa nakauwi ang mga co-teachers ni Abelardo. Umaayon sa kaniya ang pagkakataon.
Ang daan patungo sa eskwelahan ay papasok mula sa national highway sa munisipyo ng San Vicente, Palawan. Nasa isang malayong barangay ng munisipyo nagtuturo si Abelardo at ang lugar kung nasaan ang eskwelahan na pinagtuturuan ay malayo sa mga kabahayan at kinokonsidera na nasa remote area.
Hindi niya rin kasi maintindihan itong si Abelardo, sa husay nito bilang guro ay mas ginusto na doon mag-serbisyo sa barangay na iyon instead bumalik sa syudad para doon magturo. Two years ago ay nasa kilalang pampublikong eskwelahan ito sa Puerto Princesa City nagtuturo, matapos ang masters degree nito ay nabalitaan na lang niya na pinili nito na lumipat sa bayang ito para magturo sa eskwelahan kung saan ito nag-aral noong araw. Ayon sa nakalap niyang impormasyon ay kasalukuyan itong nagdo-doctorate at matatapos na sa sunod na taon.
Bumalik sa hinahabol ang isipan niya at malayo-layo na rin ito mula sa kaniya. Tunog ng alarm sa cellphone niya ang narinig niya.
P*ta!
Kailangan na niyang makainom ng gamot. Hindi na niya pwedeng patagalin pa ang sitwasyon.
Sumakay siya sa kotse na nirentahan niya na naka-park sa harap ng gate ng school. Wala na siyang sapat na oras, kailangan niya na makabalik sa kwartong inuupahan niya dahil naroon niya naiwan ang gamot na maintenance niya. Hindi na niya hahabulin pa si Abelardo, sasalubungin niya ito. Sayang ang oras. Nakita na siya nito, hindi siya pwedeng mabigo.
TULOY PA RIN sa pagtakbo si Abelardo at nabigyan ng pag-asa ang puso niya nang lumingon at hindi na nakita ang kinatatakutan. Pakiramdam niya ay mukhang nakalayo na siya nang tuluyan sa taong humahabol. Tuloy siya sa pagtakbo at natuwa nang mapansin na malapit na siya sa bukana ng highway. Iniisip na kaunting takbo na lang ang gagawin at mararating na niya ang highway, may mga sasakyan na dumadaan doon na pwede niya mahingian ng saklolo.
Ang pag-asa na nasa mata ni Abelardo ay lalong tumaas nang makitang may kotseng papasok sa daan na iyon kung saan ito papalabas. Pag-asa na tuluyang naglaho nang ang kotse ay rumaragasang sinalubong ito.
MABILIS ang mga naging sunod na pangyayari, ang pagsalubong ng kotse at pagbunggo sa katawan ng tumatakbong si Abelardo ay naging sanhi para tumilapon ang katawan nito, bumagsak ito sa 'di kalayuan mula sa kotse at nangingisay sa tindi ng malakas na impact nang pagbangga ng sasakyan sa katawan nito.
Nakahandusay sa malubak na kalye ang katawan ni Abelardo na nag-aagaw buhay. Umaagos na ang sariwang dugo nito mula sa ulo na tumama sa malaking bato na nasa gilid ng kalsada. Nakadilat ang mga mata nito at nakatingin sa kotse na may gawa ng aksidente, ang may gawa ng pag-aagaw buhay nito.
Ang driver ng kotse ay bumaba sa sasakyan at lumapit kay Abelardo. Nakangising nakatitig sa kawawang guro.
"Gusto ko pa sana makipag-usap sa iyo kanina pero ambilis mo naman akong iniwan. May mga itatanong pa sana ako sa iyo," turan ng salarin.
Makikita naman sa mata ng nag-aagaw buhay na si Abelardo ang pagkasuklam at takot sa taong may gawa ng kalagayan nito. Ang driver at ang taong humahabol dito ay iisa. Ramdam ni Abelardo ang nalalapit na kamatayan, nilalamig na ito sa dami ng nawalang dugo at makikita ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata nito.
"Ikumusta mo na lang ako sa mga nauna sa iyo," nakangising sabi pa nito kay Abelardo. Pasalamat ka at ikaw ang napili kong ilagay sa ika-walong kamatayan. Lucky 8."
Nang maisip na malapit na ang huling hininga ng guro ay kinuha niya ang phone sa bulsa ng suot na pantalon, kinuhanan ng picture ang nakadilat na si Abelardo. Nakangisi niya itong tinitigan at nang masiguro na wala na itong buhay ay umalis na siya sa lugar na iyon.
MAKATI CITY, METRO MANILA
"Lace, did you accept the case?” ang tanong ni Zero Marquez sa asawa pagkatapos lunukin ang nginunguya na pagkain.
"No," monosyllabic na sagot ni Lace at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Why?"
Napaisip si Lace, bakit nga ba hindi niya tinanggap ang kaso? Napakalaki ng perang kaugnay sa kasong iyon.
"No big reasons. Medyo hindi ko lang nagustuhan ang naging pagsasalita ni Mrs. Madrigal. May kayabangan palibhasa mayaman. Akala siguro lahat mabibili nila." Iyon naman ang totoo, naawa naman sana siya kay Mr. Madrigal pero may kasamaan ang ugali ng asawa nito. Masyado ina-underestimate ang pagiging babae niyang imbestigador.
Hindi na rin nagsalita pa si Zero, tanda ng pagsuporta nito sa desisyon ng asawa. Itinuloy na lamang nila ang pagkain.
"But you need to know something..." after a while ay nasabi ni Lace.
"What about?"
"In regards with the case that Madrigals offered me," umpisa ni Lace sa gustong sabihin, "it is very ironic... Of all the people eh sila pa talaga ang mangangailangan ng serbisyo natin."
Kunot-noo naman na nakatingin lang si Zero sa kaniya. Hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Remember Armand?" tanong ni Lace, "Armand Madrigal?"
Nang hindi pa rin sumasagot si Zero kung naalala ba nito o hindi ang pangalang nabanggit ay muling nagsalita si Lace.
"His death was big news last March. I can't believe na hindi mo maalala," patuloy ni Lace, "CEO... Hotel... Office... Do you remember now?"
"Yeah," napapatango nitong sabi, "he was murdered in his hotel's office. Hindi pa ba solve ang case ni Madrigal?"
"Nope. At large pa rin ang killer and that is the reason why the Madrigals supposedly need our service, they want us to find the killer."
"You mean... the death of Armand Madrigal is the reason why you were contacted? So they are the parents of Armand..." sabi nito na tumatango dahil naunawaan na kung sino ang mga kausap niya kanina.
"And I thought you knew who were the people I was dealing with earlier..." she said that in almost a chant then shrugged her shoulders.
"And you declined," nakangiti nitong sabi, napapailing sa naisip... He knows her, hindi siya basta tumatanggi.
"I declined because of Mrs. Madrigal’s attitude and of course… because of Burn, you should know that... "
"Naguguluhan na ako. Ano naman kinalaman ni Burn sa mga Madrigal?" Muli na naman nangunot ang noo ni Zero dahil sa rason niya.
"Oh my! Mukhang ako na lang pala ang hindi nakakalimot," nangingiti na sabi ni Lace, "don't you remember na si Armand ang reason kung bakit lumayo si Burn years ago?"
Napatitig si Zero sa asawa at muling napailing. Tuluyan na naalala ang nakaraan.
"No. It wasn't Armand's fault," after a while ay sabi ni Zero, "it was Bridgette's fault, Lace"
A WEEK LATER (10:00 A.M.)
"James!" Malakas ang palahaw ng ina ni James Abelardo habang ibinababa sa hukay ang kabaong ng namayapang anak.
Ang kamatayan ng gurong si James Abelardo ay naging malaking usapin sa bayang iyon. Hindi makapaniwala ang mga tao na ang isang dedicated at napakabuting guro ay mamamatay sa hit-and-run. Marami pa itong pangarap para sa karera na napili. Marami pa itong pangako na gustong tuparin para sa mga magulang at mga kapatid.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay tinatayang hit-and-run ang pangyayari. Walang nakakita at kung sino man ang nakasagasa sa guro, kung mayroon man saksi, ay wala rin lumalapit para magsalita.
Nagsisihan naman ang mga co-teachers ni Abelardo, iniisip na sana ay inantay nilang makauwi si Abelardo at baka hindi nangyari ang gano'n sa katrabaho at kaibigan.
Nagkaroon naman ng isa pang imbestigasyon dahil sa nangyari sa guard ng school, natagpuan ito sa loob ng isang classroom na walang kasuotan maliban sa panloob nito. Iniisip na ang gumawa ng ganoong kalokohan sa guard ang may gawa ng krimen kay Abelardo.
Imbestigasyon na dahil sa walang sapat na ebidensya at testigo ay natapos na lang agad. Ang iniisip na lamang ng mga pulis sa nangyari sa guard ay napagtripan ito ng mga estudyanteng pasaway lalo na at sinabi nito na noong hampasin ito ng kung anuman ay mga alas-singko y medya pa lang ng hapon. Namatay si Abelardo nang nasa pagitan ng alas-syete ng gabi hanggang alas-siete cuarenta y cinco. Ayon sa imbestigasyon ay kung ang may gawa sa guard ang nakapatay kay Abelardo ay bakit kailangan pa patagalin ang pagpatay. Dahil sa ganoong pag-analisa ay napag-desisyunan na ideklarang hit-and-run ang kamatayan ng guro.
Maraming tao ang dumating at nakiramay, mula sa burol nito hanggang sa araw ng libing. Makikita ang pagmamahal at pagmamalasakit ng mga taong naging bahagi ng buhay ni James Abelardo. Mabait na guro ito ayon sa mga naging estudyante at maraming estudyante na dating pasaway ang naging inspirado mag-aral mula nang maging guro si Abelardo.
Ang malakas na iyakan ng mga taong nagmamahal kay Abelardo ay ramdam ng mga dumalo sa libing nito. Ramdam ang bigat ng mga pangyayari sa mga taong naroroon, ang biglaang kamatayan nito, ang pighati ng mga magulang at kapatid nito. Ang kalungkutan ng mga kaibigan, katrabaho at mga estudyante nito.
Natatanaw ng taong iyon mula sa malayo ang mga kaganapan. Mula nang mapatay niya si Abelardo ay nakaabang na siya sa tuwina. Sa naging burol nito ay pasimple siyang nagpa-park ng sasakyan sa hindi kalayuan mula sa kung saan ito nakaburol. Inaabangan niya ang pakikiramay ng taong pinakaaasam niyang makasamang muli.
Dahil sa naisip ay muling nabuhay ang galit sa puso niya. At kung may makakakita man na kakilala niya ay alam na dapat na siyang kalmahin, na dapat na siya bigyan ng gamot.
Ilang minuto pa ang lumipas at bagot na bagot na ang kaniyang mukha sa kakaantay. Ang inaantay niya na dumating at makiramay ay mukhang hindi na magpapakita, mukhang bigo na naman siya.
Paalis na sana siya nang makita niyang may pumarada na kotse at may bumabang babae. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa kaniyang sinturon at sinino ang babaeng dumating.
Siya na ba iyon? Ikaw na ba yan?
May kaunting dismaya siyang naramdaman nang masino ang babaeng iyon. Hindi pa rin ang babaeng hinihintay niya. Dismaya na napalitan ng ngiti nang may muling maisip. Oo nga naman. Hindi man ang babaeng iyon ang gusto niyang makita ay natuwa pa rin siya. Malaking tulong pa rin ang babaeng ito at mukhang nalalapit na ang kanilang muling paghaharap.
"See you soon, my love."