Claire’s POV
Kinabukasan araw na ng linggo at halos hindi rin ako nakatulog dahil sa nangyari sa akin kagabi sa club. Halos kakaidlip ko pa lang ay nagising agad ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Bumangon ako saglit upang silipin sa bintana kung sino ang mga tao sa labas subalit sa wari ko ay si Lyka iyon dahil kilala ko ang boses niya at nakikipagsagutan sa kausap niya.
At tama nga ako, nakita ko ang isang lalaking nakaitim at nakasuot pa ng helmet kaya hindi ko makita ang mukha. Kahit mahilo-hilo pa ay pinilit kong lumabas at makiusisa sa kanilang usapan.
“Gaya nga ng sabi ko Miss, nandito ako para maningil. Busy ang amo ko kaya sa akin iniutos,” Ani ng lalaki kay Lyka.
“Excuse me, sino po sila?” Tanong ko ng makalapit sa gawi nila.
Lumingon ito sa gawi ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay nito, nakabukas ang visor ng helmet nita kaya nakikita ang kalahati ng kanyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya iyong pumupunta dito dati para maningil.
“Sino ka ba,” Sarkastiko niyang balik tanong sa akin.
“Ako po si Claire, Claire Morcilla po. Ako po ang may-ari ng bahay na ito at kaibigan ko yung kausap niyo. Ano hong kailangan niyo?” Tanong ko ulit kahit narinig ko na ang sinabi niya kanina.
Tumango ito at nagpakilala. “Okay. By the way, I’m Edward at nandito ako para maningil ng utang Miss Morcilla and I know that you are aware of your debt, right? Kung hindi, let me remind you, utang ng ama mo sa boss ko. At base sa record namin ay magli-limang taon na ito at hindi pa rin bayad ng buo at hindi pa nangangalahati ang naibayad mo. Hindi mo ba alam na galit na galit na ang amo ko? Naku kong ako sa kanya ikaw na lang ang gawin kong pambayad. Sa ganda mong pwede na kung mapapasaya mo naman ako gabi-gabi.” Saad nito.
Napapikit ako sa sinabi niya pero hindi nakapagpigil si Lyka at bumato ito ng hirit. “Hoy bastos ka ah, buti nga at hindi ikaw yung amo mo wala kang kasing manyak,umalis ka nga dito tulad ng sabi ko sayo wala pa kaming pambayad. Nagbabayad naman kami kapag meron na saka hindi tatakbuhan ng kaibigan ko ang utang ng tatay niya no?”
He chuckled “You don’t know my Boss at Hindi ikaw ang kinakausap ko,” Sabat naman ni Edward sa kanya.
“Malaking palugit na ang ibinigay sa inyo ng amo ko at pinapaalala ko lang na wag kayong abusado dahil kapag nasagad yon hindi niyo alam ang kaya niyang gawin sa inyo.” Sabi niya na may kasamang pagbabanta.
“Nauunawan ko po sir pero kailangan ko pa ng mahabang panahon upang makapag bayad. Hindi po biro ang halaga ng sinisingil niyo sa akin na wala naman akong kinalaman. Pinapangako ko naman po na hindi ko tatakasan at babayaran ko po kayo. Kung nakikita niyo po sa record, nakapag bayad na po ako ng isang milyon noong nakaraang taon. Pinagsisikapan ko po at nagdodoble kayod po ako para makabayad sa inyo.” Pakiusap ko subalit parang wala lamang itong narinig sa mga sinabi ko at tumawa.
“Isang milyon sa isang taon? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba alam na isang linggong kita lang yan ng amo ko? Gaya ng sabi ko mahabang palugit na ang binigay sa inyo ng amo ko at binibigyan niya na lamang kayo ng isang buwan para bayaran ng buo ang balanse mo. Kasi kung hindi, siya na mismo ang pupunta dito at maniningil sayo at hindi mo magugustuhan ang gagawin niya dahil itong bahay mo na ang kukunin niya at kulang na kulang pa rin ito.” Mahabang litanya niya saka tinalikuran kami at sumakay sa kanyang Ducati at pinaharurot ito.
“Naku, grabe naman yun, Claire? Saan tayo titira kung pati itong bahay mo ay kukunin din?” Tanong sa akin ni Lyka na ikina iling lamang ng ulo ko dahil hindi ko alam ang sagot.
Ikinabahala ko ang mga salitang sinabi niya at sinabi Edward. Saan naman ako kukuha ng siyam na milyon? Siguro mas magandang ang Boss niya ang pupunta dito at baka sakaling mapakiusapan ko pa. Ngunit malabo iyon mangyari dahil base sa sinabi ng tauhan niya ay mukhang seryoso na ito.
Pumasok kami sa loob ng bahay at umupo sa sofa. Nawala ang antok ko at paniguradong hindi na rin ako makakatulog kung babalik ako sa paghiga. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa walang katapusang problema na pinagdadaanan ko.
“Ano ba ang akala nila? Kaya mong mag magic ng ganoong kalaking pera?” Grabe naman! Mga walang konsiderasyon, mga walang puso! Sampung milyon at isang milyon pa lang ang nababayaran mo, Claire. Saan ka kukuha ng siyam na milyon pa?” Tinanong lang din ni Lyka ang mga tanong na nasa isip ko kanina pa na kahit ako hindi ko alam ang kasagutan.
“Isang taon na simula nang mawala sina nanay at tatay at isang taon na rin akong araw-gabi kumakayod para maka-ipon ng isang milyon at alam mo yun, Lyka kaya hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo na tanong ko din sa sarili ko. Ayokong mawala ang bahay na ito dahil nangako ako kay nanay na pangangalagaan ko ito at nandito ang masasayang ala-alang naiwan ng pamilya at hindi ko kayang pati ito ay mawala din sa akin.” Paiyak kong sabi.
Napabuntong hininga na lang din siya at napahilamos ng mukha lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Sinubukan kong kontrolin ang mga luha ko dahil pagod na akong umiyak. Pero kusa pa din itong dumaloy at kumawala sa mga mata ko. I am so tired. Tired of everything. Tired of this life. I hugged her back dahil anytime ay matutumba na ako dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko.
“Sshh tahan na. Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, Claire. Isipin mo na lang na pagsubok lamang lahat ng ito at malalampasan mo rin. Magiging maayos din ang lahat magtiwala ka lang sa taas.” Sabi niya habang hinahagod ang likod ko.
***
Nawala ang mga magulang ko sa isang aksidente. Aksidenteng nagpabago sa buhay ko at naging dahilan kung bakit ulila na ako ngayon.
Araw ng linggo iyon at nagsisimba silang pamilya kasama ang kuya niya, nanay at tatay. Nagyayang magsimba ang nanay ko ng araw na iyon dahil sa problemang kinakaharap ng pamilya namin. Ang tatay ko kasi ay umamin na nalulong sa sugal at sa sabong at nalubog siya sa pagkakautang at humantong sa pagbabanta ng kanyang buhay, hindi lang yun pati na ring kaming pamilya niya at nakatanggap ng death threats.
Grabe ang iniyak ng nanay ko ng malaman iyon subalit nagpakatatag siya para sa aming pamilya. Nangako na rin ang tatay ko na magbabago na siya. At napagdesisyunan naming hihinto muna kami ng kuya ko sa pag-aaral kahit isang taon na lang ay gagraduate na ako sa kursong nursing.
Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay may nakasalubong kaming mixer truck na pagiwang-giwang ang takbo. Sinubukan ng tatay ko na iliko ang tricycle na minamaneho niya subalit nakarinig na lang kami ng malakas na salpot at pagsabog at na ang huling naalala ko. Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. At dito na nagsimula ang kalbaryo ko. Kalbaryong hindi ko alam kung matatapos pa.