KABANATA 11 ALLISON'S POV Tumayo ako para sundan si Aamon sa labas. Mukha siyang galit kanina. May problema kaya? Mukhang nakatunog din ang kanyang mga pinsan kaya pare-pareho nila akong binigyan ng tingin na nagtatanong. "May problema ba?" paunang tanong ni Fourth. I smiled at them to assure them that everything's fine. "Magpapahangin lang kami sa labas," paalam ko at naglakad na palabas. Louisa was busy talking with someone. She didn't notice me. Pagkalabas ko ng bahay ay pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Busy ang lahat. Ang iba ay nakatayo sa gilid habang umiinom at nag-uusap-usap. Karamihan ay nagkakatuwaan sa pool. Maganda ang panahon dahil hindi tirik ang araw. Kaya nakaka-enjoy nga ang magswimming. I found Aamon standing on the other side of the pool. He's leaning