CHAPTER ONE

2629 Words
CHAPTER ONE "Sakay na CJ kahit kailan talaga ang bagal mong kumilos," sabi ni AJ sa kapatid na kalalabas sa sariling clinic. "Sinong kasi ang may sabi na sunduin mo ako dito, aber? Aba'y ako pa sisisihin mo?" Napairap tuloy siya (CJ o Crystalline Janelle). Hindi naman siya galit, sa katunayan ay paglalambing lang niya iyon sa panganay na kapatid. "Sina, Mommy at Daddy, lang naman po ate ang nagpasundo sa iyo. Bakit ba kasi hindi mo gamitin ang sarili mong sasakyan?" Pang-aasar pa ni AJ o Adrian Joseph. "Hmmmp! Maka ate wagas. Sya na nga ang panganay siya pa ang may ganang tatawag ng ate tse!" Ingos tuloy ng dalaga sa kanya. Kung sa iba at hindi sila kilala ay aakalain ng mga ito na nag-aaway sila dahil sa ganoong gestures pero kung kilala mo naman sila ay matatawa ka na lamang dahil sa kakulitan nila. Susuko ka sa kalokohan nila. "Pero seriously, Jamellah, bakit ayaw mong gamitin ang wheels mo ang ganda pa naman," ani Adrian Joseph sa kapatid. "Ayoko na, Kuya. Baka maulit na naman ang kamuntikan kong pagkaaksidente dahil sa sasakyan," tugon ng dalaga habang ikinakabit ang seat belt niya. "Ibang-iba ka nga kay, Jamellah. Kung ikaw ay halos ayaw mong hawakan ang manibela siya naman ay namana yata nito ang pagkakaskasera ng ating ina." Pangangantiyaw naman ng binata sa kapatid. Pero as usual ang ugali ng mga kapatid niya'y ayun nakapout na. "Of course iba ako kay Janellah. Eh, Mama the second iyon. No, not Mama the second lang, Papa the second din pala. Kita mo naman siya na ang may hawak sa AGDA samantalang wala akong hilig sa mga iyan dahil kay Lola D ako nagmana," sagot ng dalaga. Oh, speaking of their Lola D. Still pretty pa rin ito, nalalapit na ang golden anniversary ng mga ito sa Lolo B nila. Both side grandparents nila ay sa Lolo B at Lola D sila mas close. Hindi sila masyado sa mga magulang ng mama nila although hindi naman sila nag-aaway-away. "Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit bigla kang napatahimik?" Pamumuna ni Adrian sa kapatid. "Naisip ko lang, Kuya. Kailan ka kaya mag-aasawa? Abah! We're not getting any younger anymore. Isang taon pa ay malalagas kana sa kalendaryo." Nakangising banat ni Jamellah. Ito ang Kuya nila ng kambal pero madalas na ito rin ang sumusuko sa kasutilan nila. "Wala ka nang ipinagkaiba kay Braxton. Ang pakialaman ang pagkalagas ko sa kalendaryo ang laging napupuna. So what naman, hindi ako nagmamadaling magkalove life, CJ. Darating din tayo sa bagay na iyan," kunot-noong sagot ni Adrian. Paano daw kasi eh ibinalik sa kaniya ng kapatid ang sinasabi. "Speaking of Braxton. Hindi ba't sabi ni Tita Mhel, may love life na daw siya at malapit na silang ikasal? Paano naman ang girlfriend niya dito sa Pilipinas?" tanong ng dalaga. "Iyan kasi ang mahirap sa babaero bahala siyang magpaliwanag sa nandito. Huwag kang sumali riyan kung ayaw mong ikaw ang maipit sa sitwasyun nila." Pangaral ng binata. Hindi naman sa wala silang pakialam lalo at magkakadugo silang lahat, pero dahil sa personal itong bagay ay ganoon ang nasabi sa kapatid. "OA mo naman, Kuya. Para iyon lang pakikialam na agad? Hmmmm! Si Kuya Keith nga may Andrea na raw pero ang long lost childhood love raw ang hinahanap ng puso niya." Pagkukuwento ng dalaga. "Haist! Kayong mga babae talaga oo. Ang hilig ninyo sa mga ganyang bagay," nakailing na sambit ni Adrian. Ayaw niyang humaba pa ang usapan nilang magkapatid dahil naiinggit lamang siya sa mga pinsan nilang may mga girlfriend na. Sila ni BC sa kanilang pamilya ang walang maipakilala sa mga ito samantalang halos magkasing-edad lamang silang magpinsan. Ang panganay na anak ng tita sss nila. "Opo, Father Adrian Mckevin." Panunutil pa lalo ni CJ. Napailing na lamang ang binata sa inasta ng kapatid. Dahil kung papatulan pa niya ito ay hindi matatapos ang conversation nila. Camp Oasis , Ilocos Norte "Boss, pinapatawag ka ni General," agaw pansin ng isa sa tauhan ni Zack . "Bakit daw?" balik-tanong nito na hindi man lang tumitingin sa kausap. "Iyan ang hindi ko alam Boss, puntahan mo na lang," tugon nito. "Okay, ikaw na muna bahala dito, huuh! Kung ano ba naman kasi ang sasabihin. May ginagawa pa ako." Napahawak tuloy siya sa batok niya. Inaamin din niyang may inis siyang nararamdaman sa Boss nila lalo at marami siyang dapat ayusin. Pero mas nainis ang binatang major dahil pinagtawanan lamang siya ng tauhan. "Puntahan mo na Boss. Malay mo grasya huwag lang disgrasya." Nakatawa nitong panunutil. "Oopss! Gusto ko pa ang sasahod kaya't huwag n'yo akong idamay riyan." Nakatawa rin ang isa dahil kitang-kita nila ang pag-iba ng templa ng kanilang superior. Kaya't ang mga nanunuksong kasamahan nila ay nag- zip the mouth na lamang. Abah! Mahirap na daw ang walang sahod! Kaya't nagsitahimik na lamang sila lalo at alam nilang not in good term ang Major Espinoza at General Santiago. Inis man ang binatang opisyal ay wala itong nagawa kundi ang nagtungo sa opisina ng kanilang Big Boss. "Come in," dinig ni Zack na tugon ng nasa general's office. "Major Zack Espinoza, reporting." Pumasok siya sabay saludo sa opisyal, ang ama ng Camp Oasis. "Carry on, Major Espinoza. Have a sit." Itinuro ng opisyal ang upuang para sa mga bisita. "Thank you, Sir General. What's on this call, Sir?" tanong niya ng siya ay nakaupo. "I'll go directly to the point, Major Espinoza. Camp Villamor of Baguio City is in need more men and since that we are in the same field we will make a shuffle duty. You and some of your men will be transferred in Camp Villamor and some of the men in Clark Base in Pampanga will come here. There will be some shuffle to be done and we are one of it," pahayag ng general. "Wala na bang pagbabago iyan, Sir? Bakit ako pa, Sir? Samantalang permanent naman ako sa trabaho ko rito sa Camp Oasis." Napatitig siya sa General dahil sa pagsalungat niya sa pahayag nito. "Are you telling me that your objecting the command of our officers?" tanong ng General. Hindi maikaila ang disgusto sa tinig. "No, Sir. I'm just only asking if there's no changes on it," tugon niya. Pilit itinatago ang inis na nararamdaman. Permanente siya sa trabaho tapos isasama siya sa reshuffle? Nakakainis to the bones! "That's an order, Major Zack Espinoza! Either you like it or not you and your men will be the one to be assign in Camp Villamor in Baguio City." Pagtatapos ng General sa kanilang usapan. Naiinis man siya pero hindi na lamang niya ipinahalata. Superior pa rin niya ito, mahirap na baka ma-AWOL pa siya ng wala sa oras. "Permission to leave, Sir!" Sumaludo na lamang siya tanda ng pamamaalam. "Carry on, Major Espinoza. Go and talk to your men. You will be traveling tomorrow early in the morning," sagot nito. Hindi na siya sumagot dahil alam niyang magpapang-abot lamang sila ng kanilang Big Boss kapag papatulan niya ito. Kaya't muli siyang lumabas sa general's office na nakasimangot. Hindi maipinta ang mukha niya nang siya'y pumasok sa kaniyang tanggapan. "Oh Boss, anong nangyari? Bakit nakasimangot ka?" "Sayang ang guwapo mo, Boss. Ngumiti ka naman diyan." Ilan lamang sa mga sumalubong sa batang Major nang ito'y nakabalik sa sariling tanggapan. "Magsipaghanda kayong lahat dahil ipapatapon tayo ni General sa Camp Villamor, Baguio City and that's an order daw!" Tinularan pa talaga niya ang pananalita ng General. Dahil sa inis na lumulukob sa kaibutuwiran ng katauhan niya. "Oohhhh," tanging sambit ng mga ito dahil sila man ay nagulat sa biglaang shuffle ng place of work nila. Sino daw ang hindi magugulat eh ni wala man lang daw pasabi basta na lamang daw maililipat. "Pero teka lang, Boss. Hindi ba isa sa napapabalitang tinitingalang Campo ang Camp Villamor and it's under General De Luna?" tanong ng isa. "Yes that's true, Sarmiento. But the issue here is bakit ako pa ang ipapatapon doon samantalang nasa permanent position naman ako." Nahampas niya tuloy ng bahagya ang lamesa niya dahil sa inis. " Nadali ka ni Gene---" "Any complain?" Pamumutol ng pinag-uusapan nila. Hindi man lang nila namalayan ang paglapit nito. And as a respect, they fall in line and have their salute to the General. "Hand salute!" sabay-sabay na walang sablay na sambit ng mga ito puwera sa numeruunong Sablay Dulay. "Carry on men. And for additional, Major Espinoza, not only some of your men will be with you but ALL OF YOU will be going TONIGHT in Baguio City. That's an order, understood?" the general said with full of authority. "Sir, yes, Sir!" again they answered it in unison. "Very good! Be ready, Major Espinosa, you and your men will be working under general De Luna. Is that clear?" muli ay tanong ng General. "Yes, Sir!" sagot nilang lahat. "Good." Tumalikod na rin siya dahil nasabi na rin niya ang pakay niya kung bakit sinundan niya ang tauhan. Samantalang kahit inis na inis ang binatang Major ay wala na ring nagawa kundi ang sumunod sa opisyal, kaysa naman napaaway na wala sa oras. Kinabukasan, "Oh, kambal hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Janellah kay CJ. "Papasok of course my dear twin," sagot nito pero abala sa ginagawa kaya hindi man lang hinarap ang kausap. "Papasok ka pala eh, bakit hindi ka nakabihis?" muli ay tanong dito ni Janellah. Hindi naman kasi lumalabas ng bahay ang kambal niya kung hindi nakabihis. "Ako naman ang Boss kaya anytime puwedi akong pumasok twin." Napatayo na rin siya dahil halatang walang balak ang kambal na tigilan siya. "It's not like that twin, dapat tayong mga Boss ang modelo sa ating mga tauhan kaya tumayo ka riyan at idaan kita sa opisina mo," ani Janellah saka inayos ang damit. Sa biglang tingin ay lalaki ito. As usual naka-black thingy ito. "Oh, anong masama sa sinabi ko at nakasimangot ka? Abah pasalamat ka kambal, ikaw na nga ang inaaya ikaw pa may ganang sumimangot." Napataas ang kilay niya sa pamumuna niya sa kaniyang kambal. At ang kanina pa nakikinig na si MJ na pababa ng hagdan ay hindi na nakatiis sumabad. Halatang pinipigil ang tawa dahil alam niya ang dahilan ng anak kung bakit ayaw nitong sumabay sa kambal nito. Kung gaano kakaskasera ang ina ng mga ito ay mas malala pa ang isa sa kambal nila. Wala itong pakialam kahit sinu mang poncio pilato ang hahabol dito kapag ito ang nasa daan. "Tama nga naman ang kambal mo, anak. You should be the model of your employees. So get up and Janellah will drop you to your clinic," sabi niya rito. "May car naman po ako, Daddy. I can manage," sagot nito. Kaso, dahil sa narinig ay muling lumingon si Janellah sa kinaroroonan ng ama at kambal niya. "Naku! Car ba iyan kambal? Abah mukhang idol mo si bunso eh, ( si Christine Joy Aguillar ) parang pagong ang mga iyan. Okay lang sana kung hindi rin parang pagong ang pagpapatakbo ninyo." Napataas tuloy ang kilay niya dahil sa tinuran nito. "Ang harsh mo namang manlait, twin. Wala namang kaso sa akin kung parang pagong ang sasakyan ko, ang pagpapatakbo ko. Atleast safe ako sa pagmamaneho, unlike you kulang na lang ay palilarin mo ang sasakyan mo," ingos na depensa ni CJ. "Ang sabihin mo Jamellah, takot ka lang makisabay sa kaskasera the second kaya marami kang rason." Nakatawang sulsol ni Adrian. Nakafull-attire na rin ito sa pagpasok sa trabaho. "Kuya, naman pati ba naman ikaw!" Napasimangot tuloy si CJ dahil sa sinabi ng Kuya nila. Kaya naman bago pa magkapikunan ang mga ito ay pumagitna na ang padre de-pamilya sa mga ito. Though, never pa naman silang nagkasakitan physically. "Tama naman kayong lahat mga anak. May kanya-kanya kayong sasakyan, so you can use it as long as you can," aniya. "Early in the morning guys, nagkukumpulan kayong apat diyan. Get up and it's time for you to go to your respective works." Nagsalita na rin ang nag-iisang Kaskasera ni Iyakin. As usual, kagaya ng nakasanyan ng magkakapatid kahit adults na sila ay nag-unahan pa rin silang lumapit sa ina saka naglambitin na parang baby. "Oopps! You three are all adults already, still your acting like a kids." Nakatawang sawata ni Grace sa mga ito dahil halos matumba siya sa pinaggagawa nila. "Hmmmp! Kami naman, Mommy, huwag puro si Daddy ang humahalik sa iyo mamayang gabi na iyan baka sakaling may another twins ang lahi natin." Pambubuska pa ni Janellah sa mga magulang saka kumindat sa ama bago nagmadaling lumabas sa sala nila dahil sa pamumula ng kanilang ina. Paanu raw kasi maka you three ang mother dear nila wagas! Pero hindi na sila nagtaka doon dahil alam naman nilang lahat na dati nang alagad ng batas ang mag magulang nila kaya maliksi kung kumilos. "Huwag ka nang mamula, Mommy. Dahil aalis na rin po ako para masimulan n'yo na ni Daddy ang paggawa ng twin the second." Nakatawa at nasa-peace sign si CJ saka mabilisang dinampot ang car key, shoulder bag, at hospital gown niya saka patakbong lumabas sa kanilang tahanan. Hindi pa man nakakapagsalita ang panganay na anal ng mag-asawa ay inunahan na ito ni Grace. "Don't tell us na pati ikaw manunukso rin?" taas-kilay niyang tanong sa anak. Pero iyon ang malaking pagkakamali niya kasi ibinalik din ito ng binata. "Masyado kang transparent, Mommy. Hindi pa nga ako nakakapagsalita dahil dinaig pa ng machine gun ang bunganga ng kambal pero inunahan mo na po ako. Pero teka lang 'My, baka naman mayroon na talagang twin the second?" nakatawang wika ni Adrian bago lumabas sa kanilang tahanan bago pa makasagot ang mga magulang. Tsk! Tsk! Tsk! Mana-mana lang iyan Kaskasera at Iyakin mga sutil kasi kayo noong araw! "Ang bilis ng panahon asawa ko parang kailan lang tayong dalawa ang nasa kalagayan nila at tayo pa ang namumuno sa AGDA. Pero alam mo bang masaya ako kahit papaano ay may sumunod sa yapak natin iyon nga lang ay si Janellah, instead of Adrian Joseph," sabi ni MJ habang nakatanaw sa mga anak nila na nagsialisan matapos silang pagkaisahang kantiyawan. "Baka one of this days na rin asawa ko magmamanugang na tayo," sagot ni Grace. "Well, as they said earlier they are all adults already at karapatan nila iyan. Kung saan sila masaya let's just respect and support them," muli ay sabi ni MJ. "Yes of course asawa ko. But before we go further sa usaping ito lumakad na rin tayo para makabisita naman kina Mommy at Daddy in both side." Tumayo na si Grace ng maalala ang kanilang lakad o ang pagbisita sa kani-kanilang magulang. "Okay, let's go asawa ko," tugon ni MJ. Magkasabay silang lumabas sa kanilang tahanan saka nagtungo sa parking area kung saan naroon ang kanilang sasakyan. And after sometimes they headed first to the Cameron's residence later na lang daw sa Mvkevin's residence. As their superior instructed them, dumiretso ang grupo ni Major Espinoza sa Camp Villamor. But before they can go near the guard house ay halos mapatalon silang lahat hindi dahil sa takot kundi sa pagkagulat o pagkabigla. Isang sasakyan ang kulang na lamang ay lumipad ang napadaan sa kinatatayuan nila. "Reckless driver!" Kuyom ang kamao at napangitngit ang binatang opisyal dahil halos madapa ang karamihan sa kanila dahil sa gulat. Pero hindi pa man sila makahuma ay bumalik ito at prenteng ipinarada ang sasakyan sa mismong harapan nila. At kulang na lamang at pasukan ng bangaw ang kani-kanilang bibig dahil napanganga sila ng makita ang may-ari ng sasakyan! Kahit si Major Zack Espinoza ay halos magka-stiffneck dahil sa paglingon kung sino ang may-ari ng sasakyan. . . . . ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD