CHAPTER TWO

2252 Words
CHAPTER TWO Hindi pa man nakakarecover ang mga nasa harapan ng Camp Villamor sa napadaang ibon este halos lumipad na sasakyan ay muli itong bumalik saka kampante nitong ipinarada ang sasakyan sa harapan nila. And when Janellah Pearl stepped out from her car, they just said it in unison. "Oh, what a lady in black." At ang galit kanina dahil sa reckless driver ng sasakyan ay halos magka-stiffneck na sa paglingon sa bagong dating. "Good morning guys." Pagbati ni Janellah sa mga unipormadong alagad ng batas. Hindi man niya alam kung saan sila galing pero sigurado siyang nasa iisang layunin sila. She's supposed to be at AGDA that time but she remembered the meeting with General De Luna so instead of going to her office she turned her wheels and tracked the way to Camp Villamor. At para mapagtakpan ang pagkapahiya ng binatang major dahil huling-huli siya ng reckless driver na nakatingin dito ay mas minabuting nagsungit na lang.( Hindi naman daw pagiging bastos iyon?) "What's good in the morning, Miss reckless driver? You almost hit us because of your recklessness," nakasimangot na tugon ni Major Espinoza. But, Miss Reckless Driver just shrugged as she answer them. "Well if I scared you, Sir, I'm sorry but I'm not sorry. I just drove my car the way I want." Panunupla ni Janellah dito saka lumapit sa main gate ng Camp Villamor. "Good morning, Ma'am Mckevin. Ang aga mo yata ah," dinig ng grupo ni Zack including him na wika ng guwardiya sa bagong dating. "Mas mainam na po iyon, Kuya kaysa naman ako pa ang mahuli. Anyway, bakit nandito sa labas ang mga iyan samantalang nakauniform pa sila?" tanong niya. Alanganin namang napakamot sa ulo ang pobreng guwardiya dahil ang General ay hindi pa dumarating. "Kuya, huwag mong sabihin na may kuto ka na ngayon." Nakangising biro ng dalaga sa guwardiya. "Eh kasi naman po, Miss Mckevin. Sa katunayan wala pa si Sir De Luna. Kaya hindi pa ako nagpapasok ng hindi taga Campo lalo at si Boss, ang kailangan nila," aniya ng kawawang guwardiya dahil hindi nakaligtas sa kasutilan ni Janellah. "Kuya, papasukin mo na sila. Mukha pa namang galing sila kung saan, halatang walang tulog kaya maawa ka na sa kanila. At... let me in na po kuya kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Kindat pa ng dalaga sa kawawang guwardiya saka walang pasabing pumasok. Hindi na nito nakita ang pag-iling ng guwardiya. Paano kasi sutil pati ang guwardiya ay hindi nakaligtas sa panunutil nito. Samantala ng makasiguradong nakapasok na sa gate ang reckless driver ay pinakawalan ng tauhan ni Zack ang kani-kanilang tawa na kanina pa nila pinipigilan. "What's so funny men?" Lumingon si Zack sa mga ito upang alamin kung ano ang pinagtatawanan kahit may lead na kung ano ang pinagtatawanan. "Nothing, Boss." Iminuwestra nila na isinara ang bibig. Ayaw rin naman kasi nilang may masabi ang Boss nila. "Hmmm... Okay. And hopefully ---" "Boss si General De Luna. Siya na yata ang dumating." Pamumutol ng isa sa mga tauhan ni Zack sa pananalita nito. With all respect, they stand still and prepared themselves. "Carry on men. I'm sorry if I'm a little bit late." mapagpakumbabang wika ni General De Luna ng matapat siya sa mga ito. "Nothing to worry, Sir. It's still early so it's okay," tugon naman ni Zack. "Let's go inside men para makilala ninyo ang iba rito and later ang katrabaho ninyo," sagot ng general saka iginaya ang mga ito sa loob ng kampo. Dumiretso naman si CJ sa kanyang opisina or sa kanyang opisina sa loob mismo ng clinic niya. Paawit-awit siya ng umagang iyon kaya't ang kagaya nilang sutil na secretary ay hindi napigilang nangantiyaw. "Ahem, Ma'am CJ, hindi naman siguro crime ang umibig para hindi na guilty." Tumikhim pa ito upang ipaalam ang presensiya. "Ikaw Clara, mukhang pumapag-ibig ka na naman. May date ka kagabi ano?" Baling niya rito. "Ay, si Ma'am, naman. Siya nga raw ang guilty for loving someone eh, ako pa ang may date. Ang tanong po, Ma'am, may binigay ka bang date ko kagabi?" Napatawa tuloy ang secretary dahil sa early conversation nila ng amo. "Aysus naman,Clara. So far as I know lagi kang nakaonline sa sss mo, ibig sabihin may kadate ka online," sagot naman ni CJ na abot hanggang taenga rin ang ngiti. "Halla si, Ma'am, hindi naman ako nag-ffb kapag working time," ayan kasi sinutil mo pa ang anak ni kaskasera eh sutil iyan eh boom panes ka na girl! "Sus huwag kang mag-alala, Miss Clara, hindi ako ganoon kahigpit sa inyo dito basta huwag n'yo lang pababayaan ang trabaho ninyo. Okay lang iyan lalo kapag emergency. And...kapag ikaw ang ikakasal ako ang bahala sa banda, regalo ko sa iyo." Pangangantiyaw pa ni CJ na ikinakamot sa ulo ng dalagang secretary niya. "Si Ma'am, talaga oo. Boyfriend nga wala eh asawa pa kaya. Gusto mo kape?" tanong na lamang ng pobreng kalihim. "Ay, akala ko hindi mo na ako yayayaing magkape, wala ka na sanang sahod ngayon kapag nagkataon. Pakilagay na lang sa mesa ko at magrefresh muna ako." Natutuwa kasi siya(CJ) kapag nakikitang masaya ang mga tauhan niya. Siya ang may-ari ng clinic pero ayaw niyang may naiilang sa mga ito. "Sige po, Ma'am. Baka sakaling magkapasyente tayo today ng bibihag sa puso mo," tugon ng secretary saka tinungo ang coffee maker upang gagawa ng kape para sa Lady Boss. Kaso nang mapagtanto ang huli niyang tinuran ay napahalakhak silang dalawa. Well, Mckevin Clinic is not just a clinic. Kung tutuusin isa na itong hospital dahil sa laki. Kumbaga isang private hospital ang Mckevin Clinic ganoon pa man ay very affordable naman ang p*****t sa naturang Clinic. Ilang sandali pa ay pare-parehas na silang busy sa kani-kanilang trabaho. "Boss, parang wala ka sa sarili mo ah," tanong ng isang tauhan ni Zack. "Hindi naman naisip ko lang ang naghihintay na kapalaran natin dito. Alam n'yo na ang ibig kong sabihin. Yes, we are in the same field pero iba pa rin ang nakasanayan natin doon sa Camp Oasis." Napabuntunghininga tuloy siya dahil sa naisip. "Yes, we know that Major. Pero sa tingin ko naman okay dito. As we can see kaninang meeting maganda ang pamamalakad ng General dito. Samantalang ang mga tauhan niyang kagaya natin ay wala naman akong nakitang kakaiba," sagot ng isa. "Boss, mukhang iba ang tama mo sa reckless driver na iyon ah," out of the blue ay wika ng isa. "Pasalamat kayo dahil bukas pa tayo magsisimula sa trabaho. Naku, kapag nagkataon wala kayong chance na igisa ako. Magsipagpahinga na nga kayo." Nakangiwing iwas ni Zack sa mga tauhan dahil alam naman niyang totoo ang sinabi nila. He know it very well, that there's something in his feelings . His attention was caught by the reckless driver. "Pero sa totoo lang mga Pare maganda siya. Simple ang pagdadala niya sa sarili pero nahalata ko sa kilos niya kapwa natin siyang alagad ng batas," sabi naman ng isa. "Taga NBI yata iyon if I'm not mistaken narinig ko kanina sa isang kasamahan natin dito," wika pa ng isa na hindi pinakinggan ang sinabi ng Boss nila na magpahinga na sila. "Oh, saan ka pupunta, Boss?" nagtatakang tanong ng mga ito dahil tumayo ito na para bang may pupuntahan. "Baka ayaw niya malaman ang buong pangalan ni reckless driver," pabirong bulong ng isa. Tuloy, napalingong bigla ang paalis sanang si Zack. "Oh, kitam bumalik agad? Ooppss! Peace tayo, Boss. Alam ko ang buong pangalan niya kasi kilala ko ang ang Kuya nila." Napatawa tuloy sila dahil alam nilang binggo ang superior nila. Dahil dito ay agad itong nagtago sa ilalim ng kumot na siyang sinamantala nila. Pinagtulungan nila itong hinampas ng unan. Tuloy, para silang mga batang nagka-pillow fight sa unang araw nila sa Camp Villamor accommodation. "Boss, awat na. Janellah Pearl Mckevin, ang pangalan ni reckless driver. Ang namamahala sa AGDA na pag-aari ng pamilya nila," habol ang hininga nitong wika. Imagine that? Isang major nakikipagpillow fight sa mga tauhan niya. Well that's life naman daw eh. "May pasecret-secret ka pa kasing nalalaman diyan, Zaragosa. Imbes na matulog ka na ay hindi na dahil nagkapillow fight na ang team natin." Nakangising biro ng isa nilang kasamahan. "Well, salamat na rin, Zaragosa. Dahil may lead na tayo kung saan makikita ay muling makakadaupang palad si Miss Mckevin. But for now let's take a rest para fresh ang dating natin bukas. Remember, we are all here para sa trabaho at alam ko namang alam ninyo ang patakaran natin. Separate your personal problem from our work. Kung may hidwaan kayo sa isa't isa sabihin n'yo agad sa akin para magawan natin ng paraan upang hindi na ito lumala pa. Kung sa Camp Villamor naman kung may ayaw kayo o ano pa man it's either me or the General itself ang kausapin ninyo pero alam ko namang wala tayong problema sa kampo unlike sa pinanggalingan nating Camp. Men did you hear me?" Napakunoot-noo si Zack dahil parang walang nakikinig sa kanya. "Sir, yes, Sir!" sagot ng mga ito na pabiglang nagsitayuan mula sa mga higaan nila dahil na rin sa napaseryosong Boss nila. "Very good," tugon niya bago lumabas sa building na nakalaan sa kanilang grupo. Sa kabilang banda, "Boss, nabalitaan mo na bang nalipat pala sa Camp Villamor sina, Major Espinoza." Pagbabalita ni Captain Andaya sa kapwa nila alagad ng batas na si Col Dela Cruz. "Yes, Captain. Alam ko iyan dahil nabanggit General Santiago ang tungkol diyan pero hindi ko alam na nakaalis na pala sila," sagot niya. "Kahapon, Col. Kasama ang buong team niya. Ang sabi nila eh may mga darating din daw yatang kapalit ang grupo ni Major Espinoza," tugon ng Capitan. "Kahit sino pa ang e-shuffle nila dito sa Camp Oasis, kung ang mga namumuno dito ang mga back up ng mga naglipanang alam n'yo na wala silang magagawa." Napangisi ang Colonel dahil alam niyang kahit ilang libo pa ang ipalit nila sa mga subordinate niya'y wala silang magagawa dahil siya ang backer ng bawat isa na kasapi sa secret alliance. "Sabagay ang grupo lang naman ni Major Espinoza, ang tinik dito na sa hindi malamang dahilan ay loyal na loyal sila sa kanilang Boss na mas bata pa sa kanila." Sang-ayun ni Captain Olivares sa nakakataas sa kaniya. Dahil simula't sapul ay si Major Zack Espinoza na ang sumasalungat sa lahat ng plano ng kanilang grupo, kumbaga ito ang tinik sa buong Camp Oasis. Major Espinoza and his men knows the escapades of the opponents. Without the knowledge of the General, most of his men are traitors. Though, General Santiago and Major Espinoza are like an enemy but when it comes to the nature of their job they just having the same vission for the Camp Oasis. Anu pa nga ba ang dapat asahan sa mga ito? What do we expect on such like this crippled creatures? They are the pest in the society! They are the one who's pulling down to those are in the straight lines! They are the men in uniform but they are using it as a cover and front image to the mass. "Ma'am CJ, hindi ka pa ba uuwi? It's 5:30 pm na po," pukaw ni Clara sa kanyang amo. Dahil sa pagkasubsob sa trabaho ay hindi na namalayan ni CJ ang oras. Kung hindi pa siya nilapitan ng secretary ay hindi pa niya malalaman ang oras. "Huuh! Sorry na, Clara. Hindi ko namalayan ang oras. Sige na kung nakaligpit ka na sa lamesa mo mauna ka na ako na lang magsasara dito," sagot na lamang niya. "Tapos na po ako, Ma'am. Okay lang naman sabay na tayo ma'am," magalang nitong tugon. Dahil dito ay mabilisang nagligpit ang dalagang doktora at saka dinampot ang shoulder bag sa isang tabi. "Tara na Clara. Idaan na lang kita sa inyo para siguradong may masakyan ka kasalanan ko naman kasi hidi ko namalayan ang oras." Binalingan niya ang kaniyang kalihim. Nahihiya siya dahil pati ito ay nadamay na nahuli sa pag-uwi. Kaya naisip niyang idadaan na lamang niya ito. "Okay lang po, Ma'am. Mayroon pa naman siguro akong masasakyan saka out of the way po ang pauwi sa amin sa daan na tatahakin mo," magalang nitong pagtanggi. "Okay lang, Clara. Atleast may sasakyan naman ako kaysa hindi natin alam kung may masakyan ka nga o wala kaya't tara na," aniya na lamang. Hindi na tumutol ang dalagang si Clara dahil alam niyang sa mga oras na iyon ay mahirap na talaga ang makakuha ng masasakyan. Ang hindi niya inaasahan ay ang dumaan sila ng amo niya sa isang grocery. Bumili ito ng mga goods na hindi yata nila maubos sa isang buwan. "Kunti lang iyan sa katapatan mo sa akin, Clara. Kaya huwag mo nang tanggihan dahil taos-puso ko ring ibinibigay iyan sa iyo at sa pamilya mo. Say hello na lang sa mga magulang at kapatid mo. Next time na lang ako tutuloy," anito nang nasa tapat na sila ng kanilang bahay. "Maraming salamat po, Ma'am. Mag ingat ka sa daan, Ma'am," taos-puso niyang pasasalamat sa amo. Ang amo niyang sadyang kay bait. Hindi na sumagot ang dalaga bagkos ay tanging ngiti na lamang ang isinukli niya rito saka itinaas ng bahagya ang kanang kamay saying bye for now at tuluyang pinausad ang sasakyan pauwi sa kanilang tahanan. Ilang sandali pa ay tahimik na niyang tinahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan. . . . . ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD