Sa hindi malamang dahilan, naisipang dumaan ng mag-asawang Allien Grace at Marc Joseph sa clinic/hospital ng kanilang anak. Pero nasa gate pa lang sila ay napaatras na si Grace.
"Anong problema asawa ko?" maang na tanong ni MJ.
"Sa ating dalawa asawa ko ay wala pero nakakaamoy ako ng panganib ah. Diba sasakyan ni Julliana iyang nasa tabi?" sagot at tanong ni Grace.
Napalingon naman si MJ sa gray turtle style na sasakyan sa isang tabi sa parking area ng pagamutan. Dito niya napagtanto ang nais tukuyin ng asawa.
"Yes asawa ko iyan nga ang madalas lait laitin ni JP. Pero ano ang kilaman ng car sa sinasabi mong panganib?" muli ay tanong ni MJ.
"Ikaw, Marc Joseph, ang hina talaga nang pang-amoy mo! Ang pamangkin at anak natin ay nasa panganib, gets mo?" inis na saad ng reyna ng mga highblood este kaskasera pala.
"What?!" Sa gulat ni MJ ay napalingon-lingon siya. Saka pa lamang niya napansin nanawawala ang dalawang guwardiya. Samantalang hindi sila umaalis kapag wala ang night shift.
"Go back to the car now! Take the gun, MJ! Our daughter is in danger, move!" mauturidad na utos ni Grace sa asawa na wari'y nasa battle field sila.
As usual, same as before agad na sinunod ni MJ ang sinabi ng asawa. Agad niyang binuksan ang sasakyan at kinuha ang dalawang kuwarenta singkong baril na laging lamang ng sasakyan nilang mag-asawa.
"Here, asawa ko. Paso---"
"There you are again, MJ. Para ka na namang atat. Doon ka sa back door dumaan. I'm sure inside job ito dahil wala namang kakaiba rito sa main gate. Humanda kung sino man ang may kagagawan nito." Pagpipigil ni Grace sa asawa dahil akmang papasok ito sa main door na hindi man lang inisip kung baka may nakabantay na hindi nila nalalaman.
"Okay, asawa ko. Mag-ingat ka. Remember that we are adult already and our self resistance is not the same before." Tumatangong paalala ni MJ sa asawa.
"You too asawa ko ingat ka riyan," sagot ni Grace saka sabay na pumaikot sa magkabilang panig ng hospital/hospital.
Samantala...
"Insan," ani CJ kay Julliana Christine nang nakita ang mga kasamahan ng pinalipad nilang dalawa.
"Couz, akala ko ba ay well secured ang hospital mong ito eh. Bakit mukhang hospital patay na?" patanong na wika ni Julliana na kahit nasa bingit na yata ng kamatayan ay nakuha pang biruin ng ganoon ang pinsan.
"Grabe ka naman insan. Wala pa ngang namatay sa hospital kong ito maski ipis ay wala." Bungisngis ni CJ.
But!
"Ilabas ang lahat ng puweding pakinabangan diyan kung ayaw ninyong mamatay ngayun din!" malakas at mariing utos ng isang lalaki na marahil ay kasama nang pinalipad nila.
"Are you crazy? Eeeww!!! Sa laki ng katawan mong iyan. Ank kaya kung pagtrabahuan mo rin ang papakinabangan mo," walang prenong sagot ni CJ.
"Abah abah gusto mo yatang mamatay nang hindi pa nakakatikim ng langit ah." Agad na bumaling sa kanilang dalawa ang lalaking nagsabing ilabas ang mga puweding pakinabangan.
"Boss, abah grasya na iyan kaya't patikimin mo muna bago kami." Nakangising sulsol ng isang manyakis na talipandas.
"Hoy! Manyakis ka! Hindi kayo ang nakatakdang makakatikim at patitikimin namin ng langit! Kaya kung ayaw ninyong lumipad sa ere kagaya ng kalbong panot na iyan ay magsilayas na kayong lahat!" matapang namang sigaw ni Julliana Christine.
Kumbaga sa pelikula ay nasa gitna ang dalawa na nakaback to back na pinapalibutan ng mga insiders.
"Walang-hiya ka ah gusto mo yatang ikaw ang unahin naming pagsawaan ah. Lando! Bogart! Hawakan n'yo nga ang mga ito at nang matikman ko sila bago kayo!" utos ng may malaking dragon na tattoo sa braso.
Pero paano makakalapit ang mga tinawag nito ay abala ang mga ito sa mga bihag na trabahador ng Mckevin's Hospital. Ang ilan sa mga ito ay nakatali kaya't malayang dinadama ng mga hayok sa laman ang mga maseselang parte ng katawan ng mga ito.
Subalit ang umagaw sa attention ni CJ ay ang pinagkatiwalaang guwardiya. Kaya't bago pa siya napigilan ng pinsan niya ay sinugod na niya ito.
"Walang-hiya ka! Hayop ka! Putang-ina ng sinumang ina mo! Tarantado ka. Ang bait-bait mo na parang Santo. Kaya't pinagkakatiwalaan kita rito sa hospital pero ikaw din pala ang sisira nito. Ang bagay sa iyo ay ang masilya electrica!" galit niyang sabi sa guwardiya.
At dahil wala namang mag-aakalang manunugod siya ay hindi nila napaghandaan ang ginawa niyang pag-atake. Hindi niya ito tinantanan ang kawawang nilalang! Ay bakit niya tatantanan? Hayop eh! Kaso hinablot siya ng isa pang kasamahan ng mga demonyo saka para bang papel na ibinalibag sa kung saan.
"Insan!!!" Napatakbong lumapit si Julliana Christine sa pinsan na best friend. Dahil kitang kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito nang naglanding ito sa isang sulok.
"Iyan ang nababagay sa tulad mong dada nang dada!" saad ng boss nang nakabawi bago binalingan ang mga tauhan.
"Itali ang dalawang iyan at ang opisina ng babaeng iyan ang pasukin natin bago sila patayin sa sarap. Siguradong nandoon ang kaha nila. At kayo naman doon kayo sa business section---"
"Tama!!! Sa casher doon na lang muna tayo magtungo dahil nandoon ang pera nila sigurado ako." Pinutol ang sariling pananalita dahil napapitik sa ere. Dahil nagpagod pa sila sa mga tauhan ng clinic/hospital.
Subalit bago pa man sila makagalaw ay may tumapik na sa balikat ng boss nila. At nang lingunin nito kung sino ang may kagagawan ay sumalubong dito ang malamig na dulo ng baril. Huli na upang manlaban sa taong nakatunog sa kababalaghan nila.
"You're such a fuckin' s**t! Try to hurt them again and I'll kill you right here! Right here inside the hospital right now!" galit na sabi ni Grace na halos mandilim ang paningin dahil sa nasaksihang pagtilapon sa sulok ng dalaga. Kahit isang pitik man lang sana o kurot ay hindi nila ginawa sa mga ito. Kaso mas nandilim ang paningin niya dahil matapang pa ang taong nagkasala.
"At sino ka namang hukluban ka upang makialam sa amin? Gusto mo bang ikaw ang uunahin kong dalhin sa langit?" mapang-insultong wika ng suspect.
Kaya naman ay mas nagdilim ang isipan ng kaskasera the original. Hindi niya ugaling ipaalam sa iba kung ano mayroon siya ngunit sa pang-iinsulto nito ay nakalimutan niya ang nakasanayan.
"Me? You don't need to know who I am! You son of a b***h! Kailanman ay hindi ko kinurot ang mga anak ko kaya't wala kang karapatang saktan sila! At huwag kang magpakasigurado dahil kahit hukluban ako ayon sa iyo ay kaya kitang paliparin ngayon din hayop ka!" Allien Grace said furiously. Kaunting-kaunti na lamang ay makakalabit na niya ang gatilyo ng hawak niyang baril.
"Oohh, takot naman ako sa iyo. Mga kasama may dagdag sa mga parausan natin. Dakpin siya at itali deretso sa sasakyan sa labas---"
Ngunit hindi na nito natapos ang pananalita dahil bukod sa ang mga kasamahan ay pinagbubugbog na ng magpinsan. Kasama nila ang dating NBI officer na si MJ. At iyon din ang pagkakataong sinamantala ni AG.
"Iyon ay kung kaya mo akong gapiin gago ka! Manyakis na nga puro ka pa salita! Sayang kang hayop ka! Kung hindi ka sana nagpasilaw sa pera ay may maganda ka pang trabaho ngunit dahil sa ginawao mong ito ay sa kulungan na ang bagsak mo!" mariing sabi ni Grace. Dahil talaga namang umakyat sa kaniyang bumbunan ang galit sa talipandas nilang guwardiya.
"Abah aba---" abah nagmamagaling ka pa. Nais sanang sabihin ng guwardiya ngunit muli itong pinutol ni Kaskasera.
"f**k you demon! You never selected whom you're barking!" aba'y walang kupas sa init ng ulo ang mahal nating Kaskasera. At wala pa ring kupas sa galing at tapang sa pagiging black belter. Kaya't in just a blink of their eyes tumilpon na ang pangahas. Para itong papel na tumama sa isang tabi o sa mismong lavatory ng laboratory room ng hospital.
Hindi pa nakuntento ang galit na si Grace at bago pa makabangon ang pinalipad niya itong muli. Uulitin pa nga sana niya kaso nilapitan siya ng asawa saka siya inawat.
"Tama na iyan asawa ko. Baka mapatay mo pa siya aba'y ikaw ang makukulong kapag nagkataon," anito na agad sinundan ni Julliana.
"Tita, super galing ka pa rin hanggang ngayon kaya naman idol kita eh. Pasample nga riyan sa manyakis na iyan," ani Julliana Christine saka walang babalang sinipa ang pobreng lalaki na nakabalandra sa sahig.
At bago pa makaawat ang mag-asawang MJ at Grace ay nakalapit na rin si CJ dito. Pumaibabaw ito sa halos wala ng malay na lalaki at walang tigil na pinagsasampal!
Yeeeheeyyy!!! Nakabawi din sina Inday at Lukreng!!!!!
Pero bago pa matuluyan ng magpinsan ang lalaking hindi alam ang gulong pinasok ay umawat na ang padre de pamilya ng Mckevin.
"Stop that, Crystalline Janellah, Julliana Christine! Aba'y talagang gusto n'yo yatang makulong? Kahit mga kadugo ko kayo kung mapapatay n'yo iyan ay hindi kayo makatakas sa batas." Pananakot ni MJ sa dalawa. Kahit alam niyang malabong mangyari iyon dahil humihinga pa naman ang pangahas.
Sa narinig ay natauhan ang magpinsan. Agad silang tumayo ay nag-unahan na lumapit sa mag-asawa. Kaso hindi paan sila nakapagsalita ay may kausap na ang kasakasera sa cellphone nito. Kaya naman ang pobreng padre de-pamilya ang binalingan nila.
"Janellah, come over here. Yes, bring some of your men there. Pinasok ng mga masasamang loob ang clinic ng kambal mo. Oo, nandito kami ng Daddy ninyo. Kaya nga, mabuti na lang pala at naisipan naming dumaan dito. Siya sige hihintayin namin kayo rito." Pagtatapos ni Grace sa kausap na si Janellah bago binalingan ang asawa para mapahagalpak sa hitsura ng mga ito dahil parang mga batang paslit ang magpinsan nakalambitin sa Iyakin ng buhay niya.
"Guys enough na iyan at bantayan ninyo ang mga hudas baka makatakas pa sila. Let's wait the team of Janellah to come over." Nakailing si Grace na bumaling sa mga ito. Agad naman ding sumunod ang dalawa at ang kanina pa nag-iiyakang female employees ni CJ ay unti-unti nang nakakarecover mula sa pagka-shocked.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang hinihintay. Ang grupo ni Janellah mula sa AGDA na parang susuong sa isang giyera naka-full loaded ang mga ito at pinalibutan ang buong MCKEVIN HOSPITAL/ CLINIC. Agad namang nagsagawa imbistigasyon ang mga ito at hindi nga sila nagkamali na inside job ang nangyari. Ang resulta? Nakakulong na ang mga salarin.
Samantala sa hindi malamang dahilan ay hindi maunawaan ni Zack ang kaniyang pakiramdam sa mga oras na iyon kaya't upo, tayo, upo, tayo, minsan paroo't parito pa ito.
"Boss ano ang problema? Aba'y daig mo pa si muning na hindi mapakali ah," puna rito ng isa sa mga tauhan dahil halatang hindi mapakali ang binata samantalang wala naman silang lakad.
Dinig na dinig ni Zack ang tanong na iyon ng tauhan niya ngunit talagang hindi siya mapakali kaya't hindi niya iyon pinansin. Kahit siya ay hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa oras na iyon.
"Pre, ano ang mayroon kay Boss? Hindi pa naman siya nanliligaw upang sabihin nating in love siya," sabi ng isa.
"Tanungin kaya natin, Bro?" suhestiyon naman ng isa.
"Manahimik na lang tayo baka tayo pa ang malagot sa kaniya eh. Tinanong na siya ni Drew kanina nakita n'yo namang para siyang balisa at hindi nagawang sumagot." Pananaway na lamang din ng isa.
Masuwerte sila sa kanilang superior. Kapag nasa trabaho ay Boss nila subalit kapag nasa barracks sila ay pantay-pantay silang lahat. Magkakaibigan na naghaharutan. Kaya't sa oras na iyon ay labis-labis silang nag-aalala para sa Boss nila.
"Sabagay nga naman, Bro. Subalit nakakapanibago kasi eh," hindi man kumbinsado ang isa ngunit wala ring nagawa kundi ang sumang-ayon.
Lahat ang usapan ng mga tauhan niya ay dinig na dinig niya. Ngunit hindi na siya nag-abala pa na patulan sila. Dahil ang isipan niya ay nasa imaheng nakikita niya sa kaniyang imahinasyon.
Ang pinakamamahal niyang ina ay duguan at ang bunso niyang kapatid ay ganoon din. Kaya naman ay napaantada siya.
"Diyos ko, huwag mo naman po sanang ipahintulot na may masamang mangyari sa kapatid at ina ko. Help them oh, God." Napatingala at napaantada siya.
Then...
"F*CK!" He can't even control himself not to cursed because of what he's seeing on his peripheral views.
"Anong problema, Boss?" marahil sa gulat ay agad-agad lumapit sa kaniya ang isa sa mga tauhan niya at nagtanong kaso imbes na sagutin niya ito ay tinanong din.
"May load ba ang cell phone mo?" tanong niya.
"Mayroon, Boss. Gusto mo gamitin?" balik-tanong nito.
"Akin na at tatawag muna ako sa Norte mamaya ko na lang bayaran." Inilahad ng binata ang palad upang hiramin ang cellphone ng kasama.
"Walang problema, Boss. Gamitin mo lang," anito saka iniabot ang mobile sa kaniya.
Subalit nakailang dial na siya ngunit wala ni isa sa mga ito ang sumagot sa tawag niya. Kaya naman ay mas dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Inulit pa niyang muli kaso ganoon pa rin. Walang sumasagot kaya't may panlulumo niyang ibinalik ang cellphone.
"Heto na ang cellphone mo, Alba. At kayo na muna ang bahala rito sa opisina . In case na hanapin ako ni General De Luna sabihin n'yong emergency lang at umuwi ako sa Norte." May pagmamadali niyang bilin sa mga ito.
Kailangan niyang makauwi as fast as he could. Ibang-iba ang nagpaparamdam sa kaniya. Kaya't saka na lamang niya haharapin ang galit ng opisyal niya. Dinampot niya ang personal na gamit saka may pagmamadali ring humakbang palabas. Nasa pinto na siya nang bigla siyang tumigil at muli silang hinarap.
"Ah men just take care of everything here okay. I'll take a plane to reach our place easily," aniya saka tuluyang tumalikod. Kailangan niyang mag-domistic flight para sa mabilisang resulta.
"Diyos ko, sana po ay walang ibang ibig sabihin ang nagpaparamdam sa akin ngayon. Nasa malayo po ako at walang ibang mag-aalaga sa kanila sa bahay," pipi niyang panalangin.
ITUTULOY