It's been two years. I'm not sure if time actually passes swiftly or if I just don't forget things easily. I just shook my head and wore my glasses before looking back at the big house in front of me.
"Welcome back, Atasha," pagkausap ko sa aking sarili saka nagsimulang maglakad papasok sa bakuran.
Nothing's changed. The mansion's interior and exterior still share the same aesthetic. My heels made noise every time I stepped on the marble floor. I couldn't help but become serious when my memories progressively brought me back to what happened two years ago.
Mapait akong ngumiti. Pamilya. Sabi nila, talikuran mo na raw ang lahat huwag lang ang pamilya mo dahil sila lang ang p'wede mong asahan hanggang dulo. But that's not the case for me.
Paano ko pahahalagahan ang pamilya ko kung sila mismo ang sumira sa akin?
"What are you doing here?"
Napaismid ako nang marinig ang boses ni Eunice. Tumigil ako sa gitna ng malaking salas ng bahay at saka inangat ang paningin ko sa kaniya. Naglalakad siya paibaba ng hagdanan, sa tabi niya ay ang stepmother ko na matalim na nakatingin sa akin.
Tsk. Like mother, like daughter.
Sa titig niya pa lamang sa akin ay alam ko nang naik'wento na sa kaniya ni Eunice ang ginawa ko. Marahan kong tinanggal ang suot kong shades at maarteng ibinuka ang mga braso ko. Natatawa.
"What? Hindi na ba ako welcome sa bahay natin?"
Halos umusok ang ilong niya sa ginawa ko. Mabilis siyang nakababa ng hagdanan at asta akong susugurin, ngunit pinigilan siya ng kaniyang ina. Siya ang naunang naglakad palapit sa akin at katulad nang inaasahan ko, isang sampal sa pisngi ang nakuha ko mula sa kaniya.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid mo," nanggigigil niyang sambit.
Prente ko namang inayos ang buhok kong tumabing nang bahagya sa aking pisngi at saka tumingin sa kaniya. "What a wonderful welcome, tita," sarkastiko kong ani.
"Hindi ka na nahiya. Ginusto mo pang makiapid sa magiging asawa ni Eunice!" singhal niya sa akin.
Tuluyan na akong napahalakhak. "Ikaw naman, tita, para namang 'di ka dumaan sa pagiging kabit—" Isang sampal muli ang binigay niya sa akin.
"Bastos ka talagang bata ka! Nakalilimutan mo 'atang ako ang legal na asawa ng ama mo!" Halos pumutok ang mga ugat niya sa galit habang pinapatay ako ng matalim na tingin.
My lips curled a smirk. Walang emosyon ko siyang tiningnan at bahagyang ngumiti.
"Dahil inagaw mo," tipid kong saad.
Siya naman ngayon ang umismid at tumawa. "Wala akong inagaw, Atasha. Ang ama mo ang kusang pumili sa akin, sa amin ni Eunice. Hindi ko kasalanan kung katawan lang ang habol niya sa ina mo at nagkamaling mabuo ka," lintanya niya.
Tamad lang akong nakibit ng balikat saka naglakad patungo sa lounge area. "Well, k'wento mo 'yan. Ano pa bang magagawa ko?" I chuckled and made myself comfortable on the couch.
"What are you doing here, Atasha? Akala ko ba ay wala ka ng pakialam sa pamilyang ito mula nang umalis ka?" sabat naman ni Eunice at naglakad patungo sa harapan ko.
My lips slightly pouted. "Wala naman akong sinabi na may pakialam ako sa inyo."
"Then why the hell are you here?" muli niyang tanong.
I dramatically heaved a deep breath. "Masyado naman kayong atat paalisin ako," I mumbled and looked at my wrist watch. "Well, dahil malapit na rin ang klase ko at mukhang wala rito si Daddy, sa inyo ko na lang ibibigay ang pasalubong ko."
Maarte kong sinuot ang aking shades saka tumayo. Naglakad ako palapit kay Eunice at matamis na ngumiti sa kaniya.
"May nakalimutan akong ibigay sa iyo two years ago." In a swift move, my palm strongly landed on her cheek.
Dinig na dinig ko ang malakas na singhap ng evil step mother ko kasabay nang pagtumba ni Eunice sa sahig.
"Walanghiya ka talaga!" Asta niya akong sasabunutan, ngunit mabilis kong napigilan ang kamay niya at sinampal siya ng bakante kong palad.
Pareho na sila ngayon ni Eunice na nakasalampak sa sahig. I took off my glasses and glared at them. Pinadama ko ang matindi kong galit sa kanila.
"Kung inaakala niyo na nakalimutan ko lahat ng ginawa niyo, nagkakamali kayo." I focused my eyes at Eunice. "Pagkatapos mong patayin ang anak ko—" nanginginig at mariin kong sambit saka tumingin sa ina niya. "—at pagkatapos mong palabasin na pinaglaglag ko ang sarili kong anak." I smirked evilly. "Mamamatay kayo sa pagmamakaawa na tigilan ko ang pagpapahirap sa mga buhay niyo."
Isang mapang-insultong tawa ang pinakawalan ni Eunice bago tumayo habang nakaalalay ang kaniyang ina. "You're overestimating yourself, Atasha," she said, mocking. "Ano ba ang kayang mong gawin? Pigilan ang kasal namin ni Zachary? Sorry to burst your bubble, but our upcoming wedding is still going. Mahal ako ni Zachary."
Really?
Hindi ko naiwasang ngumiti habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Ikaw ang masyadong bilib sa sarili mo, Eunice. Baka mamaya magulat ka na lang . . . wala ng kasal na maganap." Nagkibit ako ng balikat saka sila marahan na tinalikuran.
"Do you think I will let that?" her mother interrupted when I was about to exit the door.
Nilingon ko naman siya saka tumawa. "I will make that happen," I said, leaving them annoyed at my appearance.
MY SIDE lip curled upward as I walked through the hallway. Nasa loob ako ngayon ng isang paaralan matapos kong bumisita sa mansyon. Alam kong late na ako sa una kong klase, pero wala akong pakialam. Hindi ko naman talaga plinano na pumasok nang maaga ngayon.
Prente akong tumigil at tumayo sa harapan ng isang pintuan. Mabilis na kinain ng sabik ang dibdib ko habang naririnig ang pamilyar na boses niya mula sa p'westo ko. Sandali ko pang inayos ang suot kong salamin at ang pagkakasakbit ng aking bag sa braso bago marahang pinihit ang seradura ng pinto.
His voice was echoing all over the room. Seryosong-seryoso sa pagtuturo. Natigil lang siya sa pagsasalita nang tuluyan na akong pumasok sa loob.
I dramatically took off my glasses. "Good morning, sir," I said with a smug smile and glanced at the man who was standing in front of the class.
Our eyes met. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mabilis na pag-igting ng panga niya. Palihim akong natawa sa likod ng isip ko dahil sa pilit niyang pagpapakalma sa sarili kahit pa halatang-halata ang galit niya sa akin.
Zachary Villareal, a professor and doctor, was now giving me his death glare.
Bahagya akong umismid at naglakad patungo sa isang bakanteng upuan. Nanatili naman siyang tahimik at nakasunod lang ang matalim na paningin sa akin. Dinig ko ang bulungan ng ibang estudyante pero pareho kaming walang pakialam.
Nang tuluyang makaupo ay muli kong sinalubong ang paningin niya at walang emosyong ngumiti kahit nag-uumapaw ang pagkamuhi sa dibdib ko.
Beg at me, professor, as you serve my wrath.