CHAP 2

2686 Words
(⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️) "Tingin mo ba ay masisira mo ang kasal naming dalawa? Is this why you're doing this?" My focus turned to her again. We stared at each other for a second. She gave a mocking laugh and shook her head incredulously. "Wala kang pinagbago, Atasha," singhal niya. Umismid naman ako saka tumayo bitbit ang kumot na nakapulupot sa aking katawan. Without asking, I went to Zachary's closet and picked one of his oversized t-shirts. Pumili na rin ako ng shorts doon at saka walang pakialam na nagbihis sa paningin nila. Nang matapos sa pag-aayos ay saka ko binalingan ng tingin ang kapatid ko. Zachary was still sitting on the bed with his boxers on. "Eunice, masyado ka namang overthinker," saad ko at bahagyang humalakhak. "Sirain agad? Hindi ba p'wedeng na-miss ko lang ang ex ko?" Nanunuya akong ngumiti. "How dare you!" Mabilis siyang lumapit sa akin at ginawaran ako ng isang sampal. Hindi naman ako natinag sa p'westo ko at ngumiti. "What? Isn't this normal? Akala ko kasi okay lang na mag-share tayo. You know . . . like before." Agad na nawalan ng kulay ang mukha niya. Saglit niya pang nilingon si Zachary na nakatitig pa rin sa akin ngayon nang seryoso. Gusto ko siyang pagtaasan ng kilay, pero mas interesado ako sa kapatid ko ngayon. "Get out," utos niya sa akin habang itinuturo ang pintuan. I chuckled. "Chill. I didn't come here to fight with you. Like I said . . ." I licked my lower lip and bent forward to whisper. "I just want to sleep with your fiance." My eyes landed on her fisted hands. Para bang gusto niya ulit akong sampalin, pero hindi niya ginawa dahil mas gusto niyang umalis ako. Simple ko siyang tinapik sa balikat saka nagtungo sa bedside table kung saan naroon ang bag ko. Bago ako umalis ay binalingan ko ng tingin si Zachary at ngumiti. "I had fun. Thank you for making me . . . ahmm . . . satisfied?" Muling umigting ang kaniyang panga. "Why did you come back?" he asked. Prente naman akong tumayo habang nakasakbit ang bag ko sa aking braso. I hummed and acted thinking as I played with my hair. Mayamaya pa ay nagkibit ako ng balikat at tumawa. "Well, hindi naman ako na-inform na bawal na palang bumalik sa sariling bansa." Nailing-iling pa ako at saka tumawa. "Why? Bothered ba kayo sa pagbabalik ko? Hmmm . . . don't tell me, balak niyo talaga akong kalimutan? Like I never exist, gano'n ba?" I raised an eyebrow and stared at Zachary. "Ang kapal ng mukha mo. Who do you think you are for us to care about?" sabat ni Eunice. Napanguso naman ako at humawak sa aking dibdib, umaarteng nasaktan sa sinabi niya. "Grabe ka naman, Eunice, para namang hindi mo ako kapatid. Ate mo 'ko, remember?" She snorted. "Get out, Atasha. Don't act like we're good siblings." Hindi ko naiwasang humalakhak nang malakas. Nang makabawi ay seryoso ko siyang tiningnan at saka naglakad palapit sa kaniya. Katulad kanina ay yumuko ako nang bahagya para bumulong sa tainga niya. "Yeah, you're right. Walang kapatid na kakayaning patayin ang sarili niyang pamangkin," I whispered, enough for her to hear. Ramdam ko ang mabigat niyang hininga at sinalubong ang paningin ko. "You came back to revenge?" matapang niyang sabi, tila nanghahamon. I smirked and dramatically tapped her shoulder. "Don't mind me, sister. Don't get nervous. Ako lang 'to, si Atasha." I chuckled. "Malapit pa naman ang kasal mo. Bawal ma-stress ang bride." Mas lalong naging iritado ang mukha niya. Galit na galit. Gusto ko tuloy matawa ulit, pero kota na sila sa mga tawa at ngiti ko. Lumayo ako sa kaniya at saka naglakad patungo sa pintuan. Bago ako lumabas ay nilingon ko silang dalawa at umismid. "Anyway, congratulations on your upcoming wedding," I stated, grinning evilly. "I really hope the best for the both of you." Then I finally exited the room. As if I'm going to let that happen. MY BODY was physically tired, but I'm still energized. Ever since I left Zachary's condo, the excitement I feel for my plan has intensified. I'll ruin them all. I will make sure of it. "You're here," Aireen, my roommate s***h friend, said when she saw me sitting on the couch. Kalalabas niya lang sa k'warto niya habang bitbit ang kaniyang laptop. Prente siyang umupo sa kabilang gilid ko at mataman akong pinagmasdan. Itinaas niya pa ang mga paa niya at magkakrus na pinuwesto iyon sa ibabaw ng upuan. It's like a yoga position. "Ano? Success ba?" tanong niya. Napailing na lamang ako habang may tipid na ngiti sa aking labi. "Ngayon pa ba ako papalpak?" mayabang kong tugon. Umangat ang kabilang gilid ng labi niya saka iniharap sa akin ang kaniyang laptop. "You're now enrolled." "Thanks," tipid kong ani at pinagmasdan ang school form ko. Maarte niya akong inirapan. "Alam mong hindi ako tumatanggap ng thank you. May in-order akong mga pagkain, you'll pay for that." Napangiti na lamang ako at saka binigay sa kaniya ang bag ko. "Nand'yan ang phone ko, ikaw na ang bahala," malaman kong saad saka tumayo para magbihis sa aking k'warto. It's been three days since I got back from America. Si Aireen ang nag-iisa kong kaibigan mula noon. Siya rin ang nagsilbing mata at tainga ko rito sa Pilipinas. "How are you after meeting them? Are you . . . okay?" maingat niyang tanong sa akin nang asta akong lalakad palayo. Walang emosyon ko siyang nilingon. "I will never be okay until I ruin all of them, you know that," I answered, leaving her alone on the sofa. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang makapasok sa aking silid. Dumiretso ako sa aking maleta na hindi ko pa rin naaalis ang mga laman hanggang ngayon. Binitbit ko iyon sa kama saka binuksan. Mapait akong ngumiti nang bumungad sa akin ang litrato ng isang ultrasound. My baby . . . Nagsimulang magtubig ang gilid ng mga mata ko. Bago pa man ako maluha ay kinalma ko agad ang aking sarili at maingat na kinuha ang litrato saka pinagmasdan. "Guess what, baby?" I started talking to the picture. "Mommy is going to school tomorrow," I added, chuckling. Ilang minuto ko pa iyong tinitigan hanggang sa matuon naman sa isang litrato ang paningin ko. Napakuyom ako ng kamao at nanginginig iyong kinuha. It's Zachary in his professorial attire. "Hindi sapat na relasyon lang nila ang masira. Hindi sapat na ganti iyon para sa ginawa nila sa iyo," matalim na saad ko saka nilamukos ang litrato. "I promise, I will make them all live the same miserable life as ours." Mariin akong pumikit habang napupuno ng galit ang dibdib ko. Bumabalik sa akin ang alaala kung saan pinagkaitan nila akong maging ina sa sarili kong anak. Alaala kung saan pinatay nila ang kaluluwa ko kasama ang anak ko. ~ "YOU'RE pregnant?" Eunice uttered when she saw my baby's ultrasound. Nakangiti naman akong tumango at masuyong hinawakan ang tiyan kong hindi pa umuumbok. I'm nervous, but excited at the same time. Wala pa man ay nangangako na akong ibibigay ang lahat para sa magiging anak ko. "Alam na ba ni Zachary? Nina Daddy?" muli niyang tanong. "Hindi pa. Balak kong sabihin kay Zachary kapag nakauwi na siya galing sa convention nila sa Zambales. Mamayang gabi naman ako magsasabi kay Daddy. Magpapahinga lang ako," tugon ko. Narito kami sa silid ko. Kauuwi ko lang galing check up at si Eunice ang una kong pinagsabihan ng balita. We're half-siblings. Hindi kami sobrang close pero hindi rin naman kami magkaaway. "Atasha, hindi matutuwa si Daddy rito. Alam mong kasagsagan ngayon ng kampanya niya bilang gobernador. Bukod pa roon, alam mong ayaw na ayaw niya kay Zachary dahil hindi siya nabibilang sa mayamang pamilya. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kay Daddy? Na hinayaan niyang mabuntis ang anak niya kahit hindi ka pa ikinakasal? This is a mess, Atasha, considering our family's issue before," mahabang lintanya niya sa akin. Napabuntonghininga naman ako at pilit na ngumiti. "I understand what you're saying, Eunice. But what can I do? Narito na ito, buntis na ako." Napahilot naman siya sa kaniyang sentido bago ako muling tiningnan. "Keep it a secret for now. Patapusin muna natin ang eleksyon bago ipaalam sa lahat ang pagbubuntis mo," saad niya. Nalulungkot man na kailangan ko munang itago ang sitwasyon ko, naiintindihan ko ang pag-aalala ni Eunice. Mahal ni Daddy ang politika, ilang taon din ang ginugol niya para makatakbo bilang gobernador. Tutal isang linggo na lang naman at mag-eeleksyon na, hindi naman siguro magiging problema kung hindi ko muna ipaaalam ang sitwasyon ko sa lahat. Pumayag ako sa kagustuhan ni Eunice. May kaunti ring saya sa dibdib ko dahil simula nang malaman niyang buntis ako ay napansin ko ang malimit niyang pag-aasikaso sa akin. Kahit papaano ay hindi ako nalulungkot dahil may kasama ako sa pag-aalaga sa magiging anak ko. "Na-contact mo na ba si Zachary?" tanong ni Eunice nang dal'han niya ako ng gatas sa aking k'warto. Umiling naman ako at nagpasalamat. "Walang signal sa Zambales kung saan siya naroon. Ang huling message niya sa akin ay mae-extend pa raw ng apat na araw ang convention nila roon," kwento ko. Tumango lang naman siya sa akin habang pinanonood akong uminom. "Sa isang araw pa uuwi sina Daddy. Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa silid ko." "Salamat. Hindi mo naman kailangang gawin ito, pero salamat sa pag-aasikaso sa amin ng baby ko," nakangiti kong ani. Umismid naman siya. "It's okay. I kinda like it though. Sige na, doon na muna ako sa kwarto." Tumango lang naman ako at hinayaan siyang umalis. Nang tuluyang maubos ang gatas ay nahiga na ako sa aking kama para magpahinga. Tulad ng nakagawian ko bago matulog ay masaya kong hinaplos ang aking tiyan. "Two days na lang, anak. Makikilala ka na ng lolo mo," pagkausap ko rito. "Excited na si Mommy na makita ka. I hope magampanan ko nang maayos ang pagiging nanay ko sa iyo." Bigla naman akong nakaramdam nang pagkalam ng sikmura kaya natawa ako at napailing. "Ang takaw mo, anak. Tataba ako nito dahil sa iyo. Pero sige, para sa iyo kakain ulit si Mommy. Okay lang kahit maging balyena ako." Marahan akong bumangon at saka nagsuot ng roba. Lumabas ako sa aking silid at tinahak ang daan para makababa sa kusina, pero bago pa man ako makarating sa hagdanan ay nangungot ang noo ko nang makarinig ng ingay mula sa silid ni Eunice. "What's that?" nakangiwi kong ani. "Eunice brought a guy?" dugtong ko pa dahil pamilyar sa akin ang gano'ng ingay. Nagkibit na lang ako ng balikat at asta nang lalampasan ang kaniyang silid kahit pa nakaawang ang pinto niya nang bahagya. "Ohh . . . Zachary . . ." Natigilan ako at nanigas sa aking p'westo nang marinig ang pangalan na tinawag ng kapatid ko. Pakiramdam ko ay nablangko ng ilang segundo ang utak ko. Pagal naman akong natawa at napailing. No, kapangalan niya lang siguro. Pero kahit ano'ng kumbinsi ko sa aking sarili ay kusang kumilos ang mga paa ko para lumapit sa pintuan ng kwarto ni Eunice. Nanginginig kong tinulak nang kaunti ang pinto at namutla sa nakita. "Ohhh . . . hmmnghh . . . malapit na ako, Zachary . . ." daing ni Eunice habang walang saplot at inaangkin ng lalaking pamilyar sa akin. Nanghihina akong napatitig sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ay nilalamukos ang puso ko sa sakit. Hindi ko alam kung paano mag-iisip, kung paano kikilos. Nakatulala lang ako habang pinanonood ang kapatid ko at ang ama ng dinadala ko na nagtatalik. "Ahhh . . . Eunice . . . mahal na mahal kita . . ." Tuluyan na akong nawalan ng lakas at napasalampak sa sahig dahil sa narinig. Doon na sila tumigil at napatingin sa direksyon ko. Gusto kong matawa dahil sa halip na makitaan ko ng gulat ang kanilang mga mata ay tila wala lang sa kanila na nahuli ko silang dalawa. "P-Paano niyo nagawa sa akin ito?" nauutal kong tanong nang makaipon ng lakas. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi. Naramdaman ko rin ang paninigas ng aking tiyan na nakapagpakaba sa akin. Anuman ang pilit kong pagpapakalma sa aking sarili ay hindi ko magawa dahil sa nag-uumapaw kong emosyon. Hindi naman nila ako sinagot. Nagsimula lang sila magbihis na para bang hindi ako nakatingin sa kanila. Na para bang sila lamang ang tao sa silid. "Zachary . . ." mahina kong tawag, umaasa ng paliwanag galing sa kaniya. Para akong sinaksak ng libo-libong karayom nang lingunin niya ako. Disgust, that's all I could see in his eyes. "Enough with that, Atasha. Matagal na kaming may relasyon ni Zachary. Ginamit ka lang niya para mabaling sa iyo ang atensyon ni Daddy at hindi sa aming dalawa," sabat ni Eunice nang tuluyan nang nakapagbihis at walang emosyon akong tiningnan. "P-Paano . . . bakit? Alam mong buntis ako, Eunice," nanginginig kong sambit saka tumingin sa lalaking mahal ko. "Buntis ako, Zachary. Naririnig mo ba ako? Magkakaanak na tayo . . ." ani ko, desperadong piliin niya ako sa oras na ito. "He wants that dead, Atasha. Ayaw niya sa bata," ani Eunice. Para naman akong nabingi at tulalang napatitig sa dalawa. "W-what?" Eunice dramatically flipped her hair and crossed her arms. "Look, Atasha. Huwag na nating palakihin ito. Just get rid of the baby. Sisirain lang niyan ang imahe nating lahat," aniya na para bang napakasimpleng bagay lang ang gusto niyang ipagawa sa akin. Kahit nanghihina ay tumayo ako at pagak na natawa. "Paano mo nagagawang sabihin iyan sa akin, Eunice? Bata ang nasa sinapupunan ko, maski aso ay hindi ko magagawang patayin. Ito pa bang sarili kong anak?" She smirked and walked to her bedside table. May kinuha siyang garapon doon at ngumiti habang tinititigan iyon. "Well, you're lucky because I am your sister. Ako na ang gumawa niyon para sa iyo," saad niya saka ako tiningnan. Napaawang ang labi ko nang unti-unting magrehistro sa aking isip ang gusto niyang sabihin. Kinain ako ng takot at kaba kasabay niyon ay ang pagdaloy ng mainit na likido paibaba sa aking binti. No . . . "A-Ano'ng ginawa mo?" nanginginig kong sabi at pilit na pinipigilan ang sarili ko na yumuko para tingnan kung ano iyon. Bumagsak ako sa sahig nang tumindi ang pamimilipit ng puson ko. I screamed in pain as my tears poured like a river. Tuluyan ko nang nakita ang mga dugo sa sahig pati na rin sa aking katawan. "H-Hindi . . ." nanginginig kong ani saka sila tiningnan. "Please . . . tulungan niyo ako. Maawa kayo. Hindi ko kayo guguluhin, just please . . . save my baby," nakadaop-palad kong pagmamakaawa. Pero imbes na tulungan ako ay walang pakialam silang naglakad. Asta nila akong lalampasang dalawa nang hawakan ko sa binti ang lalaking pinagkatiwalaan ko. "Zachary . . . please. Nagmamakaawa ako . . . ang baby natin. Pakiusap . . . tulungan mo ko . . ." Humagulgol ako habang walang humpay na nagmamakaawa sa kaniya. My world fell apart and my heart was ripped to shreds when he moved his knees against my hold. Tuluyan niya akong nilampasan at pinabayaan kasama si Eunice. Iniwan nila akong mag-isa habang duguan at nangangamba sa kalagayan ng magiging anak ko. "Hindi . . ." nanghihina kong bulong saka nanginginig na kinabig ang mga dugong nawala sa akin. Umiiyak ko iyong inipon sa harapan ko kahit nanghihina, para akong baliw na naliligo sa dugo't laman ng anak ko. Nagmamakaawang hindi pa huli ang lahat. Humihiling na isa lang bangungot ang nangyari. "Ang baby ko . . ." Lumipas ang ilang oras, walang tulong na dumating. Walang tao na bumalik. Tulala lang akong nakasandal sa pintuan habang yakap ang sarili kong roba na puno ng nanunuyong dugo na nawala sa akin. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko at saka napatitig sa kawalan. Kinuyom ko ang mga palad ko habang nanatiling nakayakap nang mahigpit sa hawak ko. "Sisiguraduhin kong luluhod kayong lahat sa harapan ko . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD