PART 3

1488 Words
Padaskol na umupo si Sean sa upuang nakalaan para sa kaniya. Sa grupo nilang tinawag nilang BLOODY GANG—isang grupo na kahintulad ng mga gangster o sindikato, ay siya ang pinakapinuno. "Akala namin ay nahuli ka ng parak, bossing." May pag-alala sa boses ni Gani. Ito ang kaniyang kanang kamay at pinakamatagal nang kasama sa grupo. Tahimik niyang inilapag ang kaniyang baril sa lamesang gawa sa plastik at pinasahadan ng tingin ang mga kasama. "Kumpleto ba kayo? Walang bumulilyaso?" "Yes, bossing!" halos sabay-sabay na sagot ng kaniyang mga kasama na iba-iba ang edad. At halos lahat ay mga naglayas ng bahay tulad din niya. Ang iba naman ay talagang ulila na ng lubos na inalok niyang sumapi sa grupo kaysa maging pulubi sa mga kalye o maging masasamang loob. Sean felt relief. Kahit paano kasi ay tinurin na niyang mga kapatid ang mga ito kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang kahit isa ay may masaktan. "May makakain na ba?" "Meron na, bossing," sagot agad ng tagaluto nilang si Teddy. "Kumain na kayo?" tanong niya sa iba. "Oo, bossing!" sagot naman ng lahat. Malaki ang mga respeto ng mga ito sa kaniya dahil ang turing na rin sa kaniya ay kuya. "Pinakain ko na sila habang inaantay ka namin. Ikaw? Gusto mo na bang kumain, bossing?" tanong ni Gani sa kaniya. "Mamaya na. Sige pagpahingain mo na sila," he said as he stood up. Dinampot niya ulit ang kaniyang baril. Subalit natigilan siya dahil may naalala siya. "Bastos!" bulyaw ng babae sa kaniya. "Aray!" nasapo niya ang pisngi. "Ang dami-dami mong pwedeng tutukan puwet ko pa talaga! Paano kung naiputok mo 'yan?! Eh, di ang pangit kong mamamatay?! Walang pwet!" galit pang bulyaw sa kaniya ng babae. Sean wanted to laugh. Kahit OA ang babae kanina ay may punto naman kasi. Napangisi siya sa ala-alang iyon. Sino kaya ang babaeng 'yon? Ano kaya’ng pangalan niya? Ang kulit, eh. Ang lakas ng saltik. "Bossing, okay ka lang?" untag sa kaniya ni Gani. "Huh?!" Nagtaka si Sean sa itinanong na iyon ng tauhan. "Kasi ang ganda ng pagkakangiti mo sa baril mo, bossing, eh?!" Natauhan si Sean. He shook his head widely. "Ah, wala. Wala lang. May naalala lang ako.” Pagkasabi niyon ay mabilis na niyang isinukbit ulit ang baril sa kaniyang tagiliran. "Sige magpapahinga na muna ako," pagakatapos ay paalam niya sa mga kasama. *** “SEAN? Sean?” paulit-ulit na bigkas ni Kirsten sa pangalan ng lalaking mukhang gangster sa public CR sa park kanina. Napapalabi at kinikilig din siya. Pilit niyang ini-imagine ang mukha ng lalaki. Well, ayon sa kaniyang pagkakatanda, may hitsura talaga ang lalaking 'yon. Guwapo. "Sayang naman,” saglit ay naisambit niya sabay balikwas ng bangon sa kaniyang kama. "Baka siya na ang prince charming ko. Sinayang ko pa. Kainis naman, oh.” Ginulo-gulo niya ang buhok sa sobrang inis. Kaharap na nga niya, pinakawalan pa niya. Pero stop! Teka lang! Unfair naman yata na sa isang public CR niya makikilala ang kaniyang prince charming. Ever since, ang pinangarap niya ay sa isang romantic place niya makikita o makikilala ang kaniyang prince charming. Wala na bang ibang lugar na puwede silang magtagpo? Sa CR talaga? Humaba ang kaniyang nguso na mas napaisip pa. "Hindi siya ang prince charming ko! Erase! Erase! Erase!" mayamaya ay maarte na niyang wika at muling nahiga. Saka naisip din niya, kailan pa naging prince charming ang isang mukhang kontrabida? Ng isang gangster? She sighed deeply. Itutulog na lang niya. Kakalimutan na niya ang nangyari. Hindi na niya pag-aaksayan pa ng oras at panahon ang lalaking iyon. Subalit kinabukasan natagpuan na lang niya ang sarili na isini-search sa f*******: ang pangalang 'SEAN'. Iyong akala niyang mabubura niya sa isipan ang binata paggising niya ay hindi nangyari dahil heto siya, hindi pa rin mapigilan ang sarili. Umaasa pa rin na makakakita siya ng kahit anong impormasyon ukol sa binata. Subalit natampal niya ang noo nang makita ang resulta. Six thousand plus ba naman kasi ang resulta sa pangalang Sean. What a fudge?! "Naku naman! Bakit ba kasi hindi niya isinama ang apilyedo niya no'ng sinabi niya ang pangalan niya? Pati na rin sana address niya. Pinapahirapan pa ako ngayon. Kainis!" aburido niyang wika. Kahit kasi isa-isahin niyang tingnan ang mga taong may pangalan sa f*******: na 'SEAN' ay may iba naman kasi na iba ang mga profile picture na inilagay. Napapangiwi na lang niyang itiniklop ang kaniyang laptop. Saka nangalumbaba, wala na siyang gana dahil imposible, imposible na talaga na ang Sean na iyon ang prince charming niya. Para siyang naghahanap ng karayom sa dayami, eh! Sussme! Padaskol siyang napatayo. No choice, operation hanap ng bagong prince charming na lang ulit siya. Hahayaan na talaga niya ang Sean na 'yon. Hindi siya kawalan. Bumaba siya sa sala ng kanilang bahay. Manonood na lang siya ng TV. Subalit hindi niya talaga malibang ang kaniyang sarili. Sumasagi pa rin talaga sa isip niya ang mukha ng Sean. "Kainis ka na, ah!" Duro niya sa mukha niya, parang baliw na siya na kinakausap ang sarili. "Sabing hindi siya ang prince charming mo! Engot ka ba?" "Malamang desperada, desperadang baliw na kinakausap ang sarili!” biglang bungad ni Joy na tatawa-tawa. Pairap niyang tiningnan ang pinsang bagong dating. "Gaga! Ikaw ang dahilan ng lahat!" "At bakit ako?” "Alam mo bang muntik na akong mapahamak kagabi dahil ang tagal mong dumating?!" Hinalukipkipan niya ang pinsan. Totoo naman, eh. Muntik nang mabaril siya sa puwet! Urgh! "Gano'n ba? Sorry naman, kasi naman po pati ako ay muntik ng mapahamak." "Ano?" "Iyong sinakyan kong jeep nabangga. Buti ito lang ang natamo ko." Inangat ni Joy ang may bendang kaliwang braso nito. "Hala, ang malas pala natin kahapon. Ako naman muntik nang maipit sa rayot ng mga gangster. Buti nakatago ako sa public CR.” "As in sa public toilet sa park?" "Yeah,” maiksing sagot niya na napahalukipkip. Gusto niya sanang ikuwento pa ang ingkuwentro nila ng Sean pero huwag na nga lang. Napabuntong-hininga si Joy. "Buti na lang naging okay pa rin tayo, insan." "Oo nga, eh. Pero teka ba't ka nga pala andito?" "Ay, oo nga pala.” Napapitik sa ere si Joy. "Samahan mo naman ako?" Napangiwi siya dahil ilang beses ng palpak ang mga pagyayaya sa kaniya ni Joy. Baka ngayon imbes na prince charming ang mahanap niya ay si kamatayan na. "Saan na naman 'yan?” Subalit hindi naman niya matiis ang pinsan. "Malapit lang. Si nanay kasi may pinapakuha sa isang kumare niya na galing abroad. May padala raw si Ate. May package raw kami at baka kasi mabigat." Muling pinakita ni Joy ang nabaling braso. "You know, baka hindi ko mabuhat. Kawawa naman ako." "So, gagawin mo pa akong kargador? Ganern?” maasim ang mukha niyang sabi. Napahagikgik si Joy. "Sige na?" "Oo na. Magbihis muna ako." Tuwang kumapit sa braso niya si Joy. "Huwag na. Matatagalan pa tayo." "Naka-short lang ako, oy." "Okay na 'yan. Ako rin naman, oh." Sabagay malapit lang naman kaya umalis na sila. Isang sakay lang ng jeep ay narating na nila ang lugar. At napansin agad ni Kirsten na karamihan ay iskuwater ang mga bahay roon. "Oy, insan, nakakatakot naman dito?" Kalabit niya kay Joy. Paano'y kung makatingin ang mga tambay na lalaki sa kanila ay parang mga ewan, para silang hinuhubaran. "Don't worry mabait naman ang mga 'yan. Ilang ulit na rin akong nakapunta rito." Dumaan pa sila sa isang makitid na eskinita. Napapalunok na lang siya. Naalala niya ang mga action movie na napapanood niya. Sa mga ganitong lugar kalimitin may gulo. Kalimitin ay dito hinaharang ang mga babae ang mga bastos na lalaki At sa kakalingon niya sa likod niya ay hindi niya napansin ang makakasalubong. "Oops!" sambit ng lalaki. "Ay!" nasambit din niya sa kabiglaan. Muntik na siyang ma-out-of balance. Mabuti na lang at nahapit ng lalaki ang maliit niyang baywang. Napakapit din siya sa matigas na braso ng lalaki. "Insan, okay ka lang?!" tarantang saklolo ni Joy sa kaniya. "Okay lang," sagot niya sa pinsan na agad inilayo ang sarili sa lalaki. Umayos na siya ng tayo. "Salamat" ta's aniya sa lalaking nakabanggaan niya. Pero ano’ng gulat niya nang makita niya ang mukha ng lalaki. Kahit nakasumbrero ito at naka-jacket ng itim na leather ay hindi siya puwedeng magkamali. "Ikaw?!" sambit niya sa gulat sabay turo ang mukha ng lalaki. Napakunot-noo ang lalaki. Sa paraan ng pagtitig sa kaniya ay mukhang kinilala siya. "Magkakilala kayo?" takang tanong ni Joy. Tumango si Kirste na hindi inaalis ang tingin sa mukha ng lalaki. "Ikaw 'yon, 'di ba?" Tumalikod na ang lalaki saka humakbang na paalis na nakapamulsa ang dalawang mga kamay. Ni hindi nag-abalang sagutin siya. Pa-peymus, besh?! "Teka lang!" sigaw niya para pigilan ito ngunit tuloy-tuloy lang ang lalaki. "Sean, sandali lang!" Natigil na ang lalaki pero hindi lumingon. Napangiti siya at dahan-dahang lumapit sa lalaki. Hindi nga siya nagkamali. Si Sean nga ang lalaki. Ang kaniyang prince charming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD