bc

TAMING THE SYNDICATE LEADER

book_age16+
7.4K
FOLLOW
26.5K
READ
family
second chance
badboy
goodgirl
kickass heroine
student
heir/heiress
comedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Ang gusto lang naman ni Kirsten ay magka-boyfriend bago siya humantong sa pagkokolehiyo. Kaya todo effort siya sa paghahanap ng kanyang kauna-unahang prince charming kahit pa magmukha siyang luka-luka.

Pero pa'no kung ang magugustohan niyang maging prince charming ay leader ng sindikato? At ang nais lamang nito ay ang kanyang kidney? Keri pa rin kaya niya?

chap-preview
Free preview
PART 1
Nagpasyang lumayo muna si Kirsten sa birthday party na nangyayari sa isang resort sa La Union kung saan siya naroroon. Um-attend siya kasi sa magarbong kaarawan ng isang kaklase niya. Subalit na-boring siya kaya nagdesisyon muna siyang maglakad-lakad. Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan niya ang mga bituin sa langit. Buti pa roon sa labas ng resort, nakaka-enjoy para sa kaniya kaysa doon sa loob na puros payabangan ang usapan at pagandahan o paguwapuhan lamang ng mga bisita ang ginagawa. Sa kinaroroonan niya ay nakagagaan sa pakiramdam ang payapang dagat at ang katahimikan ng paligid. "You're lone? Aren't you scared?” Nang bigla ay boses ng lalaking nakabulabog sa kaniyang pananahimik. Napakislot siya sabay lingon sa likod. Kunot ang noo niyang napatitig siya sa madilim na parte ng paligid. Pinilit niyang inaninag kung sino ang nagmamay-ari ng tinig, subalit madilim talaga ang lugar na kinatatayuan ng lalaki. Wala siyang makita na kahit ano kundi kulay itim. "Sino ka?" lakas-loob na tanong niya sa malakas na boses. Kinabahan siya. Baka masamang tao ito? r****t? Killer? Naku po! Nakapamulsa ang mga kamay sa harapang bulsa ng pantalon na lumabas naman ang lalaki sa pinagtataguan at lumapit ito sa kaniya. "S-sino ka?" katanungan niya ulit nang makalapit ng husto ang lalaki sa kaniya. Kita na niya ng mukha nito at in fairness guwapo. This is it pansit! Ang prince charming niya, nakita na niya! Nagpakita na sa wakas! Ayiee! Hindi na siya bata pero malaking dalawang titik O, naniniwala pa rin siya na mayroong Prince Charming na nag-i-exist sa panahon ngayon, Prince Charming na kahit moderno na ay kahintulad pa rin ng mga Prince charming nina Cinderella at Sleeping beauty. Prince Charming na inaasam-asam niya na makikilala niya sa isang romantic place. Ngumiti sa kaniya ang lalaki. "Why are you alone here? Baka mapa'no ka?" She blushed profusely. Nagdaup sa kanyang bandang dibdib ang dalawang kamay niya at pumungay ang mga matang napatitig siya sa guwapong mukha ng prince charming niya. Jusko! Huwag naman sana siyang mahimatay! Sayang ang moment! Lumapit pa ang lalaki sa mismong kinatatayuan niya hanggang sa magdikit na sila. Feeling niya ay hindi na stable ang mga vital signs niya. Hindi siya napakali, eh. Sobrang kabog na ang puso niya. Gosh! Para mapigilan ang sobramg kilig niya ay napalunok siya ng laway niya't napapakagat labi. Naroong hawiin din niya ang tumatakas na buhok sa kaniyang mukha. "Lord, tulungan niyo akong hindi mahimatay. Sayang po ang moment," pilyang naidasal niya. Aba'y mahirap na. Kay tagal niyang inasam ang moment na ito. “You are the most beautiful woman I have ever seen in my entire life,” mahinang sabi ng lalaki kasabay ng masuyong paghawak nito sa baba niya. Amoy na amoy niya ang hininga ng lalaki, ang fresh, amoy colgate. Char! Pakiramdam niya ay parang matutunaw na rin siya sa pagtitig sa kanya ng lalaki. Kusang napikit siya ng mata at kusa ring humaba ang kanyang mga nguso. Ngunit… Subalit… Datapwat… “RWAAAARRRR!” ay angil na ng nakakatakot na lalaki. Napadilat si Kirster pero huli na para umiwas siya dahil kinagat na ng lalaki ang leeg niya. Isang bampira pala ang loko! "Eiiiihhhhh!!!" malakas na malakas na tili ni Kirsten sabay balikwas ng bangon. Hingal na hingal siya at pinagpapawisan. Grabe, akala niya totoo na. Laking pasalamat niya’t panaginip lang pala ang lahat. Syempre ay hindi niya pinangarap na magka-prince charming ng isang bampira. Kata-cute kaya sila! Kinapa niya ang leeg. Wala nga iyong kagat. Panaginip nga talaga ang lahat. "Ate, nasa baba si Ate Joy. Tawag ka.” Mayamaya ay silip ng kapatid niyang si Kert sa pinto ng kaniyang kuwarto. Si Joy ay pinsan nilang buo at best friend na rin niya. Magkasing edad lang sila ni Joy kaya simula pagkabata ay sila na lagi ang magkasama. "Sige baba na ako kamo," kakamot-kamot ulong aniya sa kapatid. Mabilis siyang nag-ayos sa sarili. Sasamahan niya nga pala si Joy. May bibilhin daw ito sa mall. White na t-shirt at ripped jeans lang ang OOTD na napili niya tapos ay pinuyod niya na lamang ang kanyang buhok. Magmo-mall lang naman sila ni Joy kaya okay na ang simpleng outfit lang. Bumaba na siya pagkatapos maaayos ang sarili. "Ay, salamat at bumaba na rin ang prinsesa,” nakasimangot na parinig ni Joy nang makita siya. Nabagot na siguro ito sa paghihintay sa kanya. "Pasensya na. Nasarapan ng tulog. Ganda kasi ng panaginip ko, eh." "Sus, huwag mong sabihin na nakita mo na naman ang prince charming mo sa panaginip mo?" napangiwing ani Joy. Sanay na ito sa pinsan. Wala na kasing ibang bukambibig si Kirsten kundi ang magiging prince charming nito. Tumango si Kirsten pero nang maalalang bampira ang kinilabasan ng prince charming niya kagabi, "Kalimutan mo na ngayon! So, saan tayo pupuntat?" ay pag-iiba niya ng usapan. Lalo lamang kasi siyang bubuskahin ni Joy kapag ikukuwento niyang horror ang kinalabasan ng dapat ay romantic na panaginip niya. "Tulad ng sinabi ko kagabi bibili tayo ng gift." Naglakad na silang magpinsan palabas ng bahay. "Para saan pala ang gift na bibilhin mo?" Naalala mo si Insan June?" "Oo naman." Si June ay pinsan sa kabilang side ni Joy. "Pabinyag niya ngayon at ninang ako ng baby niya. Pagkatapos nating bumili ng gift ay diretso na tayo ro'n." Nagliwanag ang mukha ni Kirsten sa pagka-excite. Ganoon ang mga gusto niya. Naniniwala kasi siyang sa pamamagitan din ng mga event o mga okasyon ay makikilalala niya ang kaniyang prince charming. Nagbabakasakali. Umaasa. Kailangan nang mag-effort siya. Paano'y magse-seventeen na siya ay NBSB pa rin siya. Ikinahihiya na niya ang sarili. Parang hindi na tama gayong maganda naman siya. Samantalang si Joy nakalima na ng Ex. Ang unfair! "Madami ba roong guwapo? You know?!" siko niya kay Joy. Umismid sa kanya ang pinsan. "Ikaw, ha? Operation hanap jowa ka na naman, huh?" "’Yaan mo na ako!" Humagikgik siya. "Luka-luka ka talaga, insan.” Napangiti na rin si Joy. “Pero huwag kang mag-alala dahil malamang madami ngang guwapo kasi madaming barkada si June.” "Yay!" Kinilig siya. "Kung ganoon ay puwede bang dumaan muna tayo sa parlor. Ang chaka naman ng histura ko kung ngayon ko na makikilala pala ang prince charming ko, 'di ba? Dapat ready ako.” Natawa na talaga sa kanya ang pinsan. "Oo na sige na," tapos ay anito na pinatulan ang kapraningan niya. Hindi nga nagtagal ay nasa birthday party na sila. "Oh, Kirsten, ba't nandito ka sa labas? Doon tayo sa loob? Kumain ka na ba?" pansin sa kanya ni June nang makita siyang nagso-solo flight na naman siya. "Sige lang, June, kumain na ako," aniya na napangiti. Pinagilaw niya ang boses para hindi mahalata ni June na nabo-boring na siya. Wala kasing guwapo! Isang malaking pagkakamali na para sa kaniya na nagpunta pa roon. Madami ngang lalaki ngunit wala naman siyang magustuhan. Walang mukhang prince charming. Mga mukhang mga tambay lang sa kanto ang karamihan. Parang mga adik o kaya 'yong parang mga rakista o di kaya naman mga jejemon. Ayaw na ayaw niya ang mga tipo ng mga lalaking ganoon. Para sa kanya ang dugyot ng lalaking mga gano'n. "Gano'n ba. Sige ipasok ko lang 'to, ha?" Itinaas ni June ang dala nitong isang case ng alak. "Pasok ka sa loob mamaya, okay?” "Oo sige. Salamat," saad niya na nakatawa. Pero napalis agad ang tawang iyon nang makapasok na si June at awtomatiko na humaba-haba na ang nguso niya. "Aisst! Bakit ba kasi ako pumunta-punta pa rito?! Wala namang guwapo!" maktol niya sa isip-isip niya. Napahalukipkip siya. Ang totoo, mas gusto na lang niyang ubusin ang oras sa labas na lang kaysa sa loob. Subalit mayamaya lang ay nakaramdam naman siya ng ihi kaya napilitan din siyang pumasok. "Saan ka ba galing na babae ka?" sita agad sa kanya ni Joy nang makita siya. "Sa labas lang,” nakabusangot na sagot niya. “So, nakita mo na ang prince charming mo? Nag-usap kayo roon sa labas? 'Asaan siya?" Bahagya niyang binatukan ang pinsan. "Tangi, kaya nga ako lumabas dahil naiinis ako rito sa loob. Wala namang mukhang prinsepe rito. Ang meron mga mukhang drug addict." "Grabe ka naman. Kahit naman mga ganyan ang mga 'yan, eh, mga mababait naman sila. Masaya silang kasama," pagtatanggol ni Joy sa mga lalaking naroon na mga nilalait niya kanina pa. Napangiwi pa rin si Kirsten. Sa isip-isip niya ay saang banda kaya ang mababait na tinutukoy ni Joy? Urgh! Parang may pagkain sa bunganga niya na hindi niya malasahan nang mahalatang nagpapa-cute pa sa kanila ang mga lalaki, lalo na sa kanya. Pasulyap-sulyap sila sa kanila habang nag-iinuman at nagkakantahan sa videoke. "Aanhin mo ang kabaitan kung mga mukhang ewan naman,” naisatinig niya tuloy nang wala sa oras sabay talikod. Natawa si Joy. “Ang sama talaga ng ugali mo.” "Nasaan ba ang CR dito? Nawiwiwi na ako." Nang maalala niya ang sadya kung bakit siya pumasok ulit. "Do—" Doon sana ang sasabihin ni Joy. Pero kasi ay may nag-excuse me sa kanila na lalaki. At nang tingnan nila ay guwapo! Agad syempre lumuwa ang mga mata ni Kirsten. Saan 'to galing? Wala naman guwapo kanina, ah? "Ano 'yon?" Pa-cute niya agad sa lalaki. "Tatanungin ko sana kung saan ang banyo?" namumutlang sabi ng lalaki. Kapansin-pansin na pinagpapawisan din ito ng malapot. "Doon. Doon ang bayo," mabilis na turo ni Joy sa may bahagi ng kusina. Inunahan pa siya ng gaga. "Okay. Salamat." Malalaki ang hakbang na tinungo ng lalaki 'yon. Kinilig silang magpinsan. "Naiihi rin ako,” pagkuwa’y ani Kirsten na may pilyang ngiti sa mga labi. Sumunod siya sa lalaki. Sa labas ng banyo niya ito hinintay. Ang kaso nang marinig niya ang malakas na tunog ng natae mula sa loob ng CR ay diring-diri rin siyang napalayo. Hashtag turn off! Ew! Yuck!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
313.4K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
278.9K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Broken Angel

read
4.8K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
298.2K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
688.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook