"Ineng..." natigil ako sa paghakbang nang may tumawag sa aking ginang. Kilala ko ito, isa ito sa nanay-nanayan ni Mama noong kasambahay pa ito sa mansion ng aking ama.
"Po?" painosenteng ani ko rito. Sinadya kong maglakad-lakad sa pwestong ito upang mapansin ako nito.
"Ikaw si Patricia, 'di ba? Nakauwi ka na pala sa papa mo. Mabuti naman kung gano'n, ilang taon ka ring hinanap ni Khalil."
"H-indi po ako si Patricia." Tangi ko rito. Hinawakan nito ang kamay ko saka hinila papasok sa loob.
Narating namin ang sala ng bahay nito. Medyo iika-ika ang lakad ko, wala akong planong magulo ang isip ko ngayon kaya ipinagsawalang bahala ko muna ang nangyari sa amin ng lalaki. Na hindi naman dapat nangyari. Kasalanan lahat ito ni Perri.
"Baka lang nakalimutan mo, ako pa ang nag-alaga sa 'yo noon kapag nagtutungo ng siyudad ang magulang mo. Ito ka oh..." itinuro nito ang larawan nito na kalong-kalong ako. Ito ang iyong ina, napakaganda n'ya 'no? Kung sana lang hindi s'ya pinagbintangan noon, hindi n'ya siguro tinapos ang buhay n'ya."
Napasapo ako sa ulo ko nang marinig ko ang sinabi nito.
"A-no po?"
"Pinagbintangan kasi s'ya noon na s'ya raw ang pumatay kay Victor Garalla, ang may-ari ng islang ito. S'ya raw ay babae ng matandang Garalla. Hindi n'ya na nagawang ipagtanggol ang sarili dahil kahit ang asawa n'ya ay nagalit at hinusgahan s'ya agad. Patricia, hindi naman sinasadya ng Papa mo iyon. Nasaktan lang ang iyong ama, dahil akala n'ya ay nagtaksil ang Mama mo sa iyong ama." Ganito lang pala kadaling makuha ang impormasyong ito. Pero sino ang nagsabing pinatay ni Mama si Victor Garalla? Sino si Victor Garalla?
"Ah, hindi po ako si Patricia."
"Hija, naalala mo pa ba iyong sinabi mo noon. Babalik ka rito sa Isla Garalla at aalamin ang totoo? Alam kong ito na iyon."
"Nang...oh sino ka?" takang tanong ng babaeng pumasok sa sala. Nagulat na may kasama ang matanda.
"Hinila po n'ya ako papasok dito."
"Naku! Turista ka ba rito sa Isla Garalla? Pasensya ka na. May sakit kasi itong si Nanang." Hingi nito nang paumanhin."Kung ano-ano ang mga sinasabi nito na hindi naman totoo at gawa-gawa lang n'ya."
Pero malinaw nitong sinabi si Victor Garalla. Sino si Victor Garalla? Nagkaroon ba talaga ng ugnayan si Mama at ang taong iyon.
"Anong gawa-gawa lang? Nagsasabi ako ng totoo. May usap-usapan pa nga noon na si Mariella ang magmamana nitong Isla." Si Mama ang tinutukoy nitong Mariella.
"Hay, naku! Pasensya ka na talaga rito sa Nanang ko. Sige, ako na ang bahala sa kanya. Maaari ka nang umalis." Sinulyapan ko pa muna ang mga larawan. Tinandaan ang mga narinig sa matanda.
Kung ganito ko lang kadali nakuha ang impormasyo, tiyak na alam na ito ni Lady A at ng ilang girls na nagmo-monitor dito noon.
Gano'n siguro talaga, halos lahat naman kami ay naghirap na tuklasin ang mga bagay-bagay.
"Pluma!" palabas pa lang ako ng tarangkahan ay narinig ko na ang tinig ni Boss Nathaniel."Anong ginawa mo sa loob?" nasa tinig nito ang paghihinala.
"Hinila kasi ako no'ng matanda, pinipilit n'yang ako raw si Patricia. Magre-resign na lang siguro ako, Boss. Masyadong komplikado ang lugar na ito. Baka ikapahamak ko pa kung lahat ay ipagpipilitan na ako si Patricia."
"Walang kinalaman ang resort ko, bakit mo idadamay?" nakasimangot na ani nito."Baka naman way mo lang iyan para takasan ako?" isa pa iyon. Kahit naman may nangyari sa amin ay wala namang magbabago, hindi ko s'ya type at babae pa rin ang gusto ko.
"Wala lang iyon." Tipid na ani ko rito. Binuksan ni Boss Nathaniel ang pinto sa passenger seat.
"Ayaw kong sumakay d'yan. Saka sabado ngayon, pahinga ko. Kaya please, boss, tantanan mo ako."
"Pero kailangan nating pag-usapan ang nangyari sa atin." Hindi ko alam kung nananadya ang lalaking ito, kung kailan may padaan saka nito nilakasan nang bahagya ang boses n'ya.
"Bibig mo nga." Saway ko rito. Ngumisi lang ang lalaki, saka sumenyas na sumakay ako roon. Napilitan na lang din na sumakay kaysa maikalat nito ang pagkakamaling nagawa namin.
Magsusuot na sana ako ng seatbelt nang awatin ako nito, saka ito ang gumawa no'n. Takang sinundan nang tingin ko ang lalaki.
"Huwag ka munang ma-fall. Kilalanin mo muna ako." Nakangising ani nito. Napasinghap ako at hindi napigil ang tawa ko.
"Fall mo mukha mo."
"Don't worry, wala pa tayo sa exciting part..." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. Parang narinig ko na ang line na iyon."Parating pa lang tayo roon... kung saan ako na lang ang hahanap-hanapin mo, at gugustuhin mong humalik at makatalik mo." Umangat ang kamay ko, hindi para suntukin ito kung 'di pitikin ang noo nito. Napasinghap si Boss Nathaniel at agad na hinilot ang noo na agad namula.
"Nag-iilusyon ka, boss." Nakabawi naman ito. Natigilan na naman ako nang sapuhin nito ang noo ko, sunod ang leeg ko.
"Mainit ka---"
"Gano'n talaga kapag hot." Putol ko sa sinasabi nito.
"Nilalagnat ka, stupid." Dahil sa sinabi nito ay sinalat ko na rin ang noo ko. Oo nga!