Pagkatapos nang mainit na gabi, dumating ang ilan sa mga kasamahan ko at kinuha si Abi. Isa sa mga kalaban na nais akong ipatumba pero tinikman muna ako.
Kalalabas ko lang ng silid ko, nakahanda na sa trabaho. Pasalamat na lang at walang Boss Nathaniel na umaaligid ngayon.
Focus sa trabaho buong araw. May ilang insedente na kinailangan naming action-an, pero mga minor lang naman na ipinagpapasalamat namin.
"Kain!" anyaya ni Manong Boning, tumango lang naman ako.
"Nabalitaan kong hindi ka raw sa tinitirhan mo nagpalipas ng gabi." Akmang kakagatin ko na ang baon kong sandwich nang sandwich nang sabihin iyon ng head namin.
Tinignan ko ito na nagtataka.
"Kanino naman po ninyo nabalitaan iyan?" ani ko rito.
"May nakapagsabi lang. Nakita ka raw na lumabas sa isang unit."
"Gano'n po ba..."
"Kaibigan mo ba iyong kasama mo?" tanong ni Boning.
"Hindi po, chicks ko ho." Mabuti na lang nasa tabi lang ng matanda iyong inumin n'ya. Sunod-sunod itong inihit ng ubo. Napakamot ako sa ulo na pinagpamasdan ito.
"Tomboy ka?" ani nito. Hindi naman ako na-offend. Wala naman kasing masama roon.
"Kain po tayo," ani ko na lang saka ngumisi rito.
"Pluma, tawag ka ni Boss Nathaniel." Medyo exaggerated ang naging hampas ko sa table kaya napaangat ang kilay ng mga kasama ko ngayon dito sa tower.
"Hindi po ito parte ng trabaho ko." Reklamo ko na ikinatawa nila.
"Baka type ka ni Boss Nathaniel."
"Mas type ko ho ang mga chicks n'ya." Daig ko pa komedyante. Nagtawanan kasi ang mga ito.
"Sige na, puntahan mo na. Sina Tudot na ang bahala sa pwesto mo." Utos ni Boning. Ano pa bang magagawa ko?
Bitbit ang sandwich na nilisan ko ang tower. Kinakain ko iyon habang naglalakad patungo sa office ng amo namin.
Kumatok lang ako saka binuksan na ang pinto.
Maaliwalas naman ang panahon ngayon, pero iyong ulo ko mainit. Ano bang trip ng lalaking ito? Bakit palagi na lang akong binubuliglig?
"Boss?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito.
"Maupo ka muna. Isasama kita later sa market."
"Bakit ako?" salubong ang kilay na tanong ko rito.
"Bakit hindi ikaw?" balik tanong nito sa akin. Napasinghap ako dahil ibinato lang nito pabalik ang tanong.
"Dahil hindi ito ang trabaho ko rito sa Isla Garalla. Hindi mo pa nga ako binabayaran sa mga extrang lakad na sabi mo ay may bayad." Reklamo ko rito."Kailangan ko rin ng pera pang sustento sa mga chicks ko." Huminto sa pagtipa ang lalaki sa laptop nito saka tumingin sa akin. Blanko ang expression ng mukha nito.
"Baka naguguluhan ka lang ngayon, tiyak na may isang lalaking magpapaibig sa 'yo at babaguhin iyang trip mo."
"Tsk. Hindi na mababago iyon, ayaw ko sa hotdog. Gusto ko sa tilapia." Giit ko rito. Ngunit umirap lang ito.
"Tara na! Baka bigla mo pa akong layasan." Napasunod na lang ako rito.
Nang maubos ko ang sandwich ay itinapon ko sa nadaanang basurahan ang plastic saka nagpatuloy sa pagbuntot dito.
Sumakay kami sa sasakyan nito. Kahit pa nasa isa kaming Isla maayos naman ang daan, kahit ang palengke na pinuntahan namin ay maayos din. Nabangit nitong may grocery store ito rito sa palengke at may iche-check lang daw.
"Kung may gusto kang kainin kumuha ka lang."
"Sigurado ka?" ani ko rito.
"Yeah." Sumenyas pa ito sa isang tauhan para s'yang mag-assist sa akin. Kumuha ako ng cart at sinimulan kong lagyan iyon ng mga pagkain, cup noodles, tsitsirya, soft drinks. Aabot ata sa tatlong libo ang lahat ng iyon. Gusto kong makita ang reaction ng lalaki once na bumalik s'ya.
Naiiling ang nakabuntot na staff sa akin habang naglilibot ako. Hinintay naming makabalik si Boss Nathaniel na nanlaki ang mata nang makita ang cart ko.
"Boss, wallet mo." Nakangising ani ko rito. Na-shock ata ito kaya naman parang wala sa sariling iniabot naman sa akin ang wallet n'ya. Kumuha ako ng pera roon habang kwinekwenta pa lang ang lahat. 2,999, lintik piso na lang nahiya pa.
Pagkabayad ko ay si Boss Nathaniel pa ang pinagbitbit ko ng lahat hanggang makarating kami sa sasakyan.
"Mag-ikot ikot muna tayo."
Hindi na lang ako nagreklamo, ang laki naman nang nalibre nito sa akin.
Para akong masunuring aso na nakabuntot dito.
"You want this?" napahinto ako sa paglalakad nang may damputin itong dress, isang summer dress na bulaklakin.
"Hindi ako nagsusuot ng ganyan, boss." Tagilid ang ngiting ani ko rito. Medyo mainit na, siksikan pa rin naman sa mga oras na ito rito sa palengke.
"Bibilhin ko, ate." Parang hindi man lang nito pinakinggan ang sinabi ko.
"Boss!" ani ko rito. Nakasimangot na, paladesisyon kasi masyado ang lalaki.
Akmang inaabot na nito sa akin ang naka-plastic na damit nang haltakin ako nito palapit dito.
"Mag-ingat ka naman." Nakasimangot na ani ni Boss Nathaniel sa lalaking nagtutulak ng kariton. Hindi ko alam, iyong naging reaction ni Boss Nathaniel ay nagpakabog sa dibdib ko.
Agad akong lumayo sa lalaki.
"Tsk, muntik ka nang mabanga." Masungit na ani nito.
Sinulyapan ko ang lalaking nagtutulak ng kariton.
"Ingat, Manong." Seryosong ani ko rito.
"Oh!" muling iniabot ni Boss ang dress na binili nito ng 350.
"Hindi ko kailangan 'yan."
"Kailangan mo 'yan, isusuot mo mamaya dahil isasama kita sa dinner meeting." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"Hoy!" ani ko na gulat na gulat. Ngumisi lang naman ang kupal kong amo.