12

727 Words
"Ikalma mo nga 'yang sarili mo." Natatawang ani ni Lucille nang tawagan ko ito. Tinatanong ko rito kung pwede ko bang gilitan ng leeg ang amo ko. "Nabwibwisit ako, L!" ani ko, kung pwede lang pumadyak ay ginawa ko na. Mas lalong natawa si Lucille. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Parang ibang Pluma iyong naroon. Sanay ako sa mga pants and shirt. Hindi sa mga ganitong klase ng damit. Itong damit na binili ni Boss sa palengke ang suot ko ngayon. Buti nga na tuyo eh. "Dalian mo na, Pluma." Inip na katok ni Boss Nathaniel sa pinto. Mas lalong napaikot sa inis ang mata ko. Nag-iisip kung paano idedespatsa ang lalaki sa mabilis na paraan. "Bye na nga," ani ko kay Lucille na puro lang naman tawa. Walang naitulong sa problema ko ngayon. Anong tingin ba ng boss ko sa akin? Pwedeng karay-karayin kung kailan n'ya gusto? Tsk. Bukas na bukas talaga sasampalin ko ito ng resignation letter. Nakasimangot akong lumabas ng banyo. Agad na humagod sa katawan ko ang tingin nito kaya naman mabilis na pumikit ang daliri ko sa noo nito. "Ouch!" ani ni Boss na napaatras sabay sapo sa noong pinitik nito. "Bwisit!" inis na ani ko saka iniwan na ito. Nang makabawi ito ay natatawang humabol ito at inakbayan ako. Siko ang inabot nito dahil sa ginawa nito. Hindi ko alam kung bakit ang weird sa tuwing nagkakalapit ang katawan namin. "Paano sila maniniwala na magkasintahan tayo kung ayaw mong magpahawak sa akin." "Hindi ito parte ng trabaho ko." Gigil na ani ko rito. "Sorry na. Ikaw lang naman kasi ang pwede kong lapitan," ginagap nito ang palad ko. This time ay nakahanda na ito kaya naman napigil nito ang kamao kung tatama sana sa mukha nito. "Bitaw!" ani ko rito. Pero ngumisi ito. "Mapanakit ka kami. Hahawakan ko lang naman ang kamay mo. Hindi naman natin gusto ang isa't isa. Iba rin ang preference mo, isipin mo na lang na para sa economiya itong ginagawa mo." "Gago ka ba? Bwisit, kaya talaga hindi ko trip ang lalaki, mga walang utak, pasanin lang naming mga babae." "Hoy! Grabe ka naman. Never akong magiging pasanin ng magiging asawa ko. Baka s'ya pa ang pasanin ko." Sabay ngisi nito na puno nang kapilyuhan. Ibang pasanin ang pumasok sa utak ko, pasan ako nito habang mariing nakabaon ang p*********i nito sa akin. Nandidiring lumayo ako rito. Takang napatitig naman ito sa akin. "Bakit?" ani nito na humakbang din palapit sa akin. "Kadiri!" mukhang kulang lang ako sa babae nito kaya ganito ang tumatakbo sa utak ko. Nagpatiuna na ako kaya naman humabol na lang si Boss. "Last na talaga ito, isasampal ko sa 'yo bukas ang resignation letter ko." Natawa lang naman ito, mukhang hindi sineryoso ang sinabi ko. Nagtungo kami sa isang restaurant dito sa Isla. Hinahangin pa ang bestidang suot ko na mas lalo kong ikinabwisit. Ito namang lalaking ito, feeling gentleman, itinali pa sa bewang ko ang suot nitong coat. Walang pakialam kung malukot iyon. "Sino bang pupuntahan natin dito?" "Parents ko." "Tang*na mo, meet with the parents na agad? Dugyot." Malakas itong napahalakhak sa tinuran ko. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng couple na nasa isang table. Agad na kumaway ang dalawa sa amin. Business meeting tapos magulang nito ang ka-meeting namin. Naglolokohan na lang talaga kami nitong si Boss Nathaniel eh. "Napakaganda mo naman, hija!" ngiting-ngiti na ani ng ginang. "Hindi naman po kukuha ng babae itong anak n'yo kung hindi maganda." Cool na ani ko. Pasimple tuloy akong siniko ni Boss Nathaniel. Natawa ang ginang sa sinabi ko. Honest lang naman talaga eh. Iyon nga lang iyong dinala nitong babae ay babae rin ang gusto. Well, ang ganda ng Mommy ni Boss Nathaniel, batang-batang pa ang aurahan. "Tigilan mo 'yang ganyang tingin mo sa Mommy ko. Baka sapakin ka ng Daddy ko." Nailang ako sa ginawang pagdikit ni Boss sa akin at sa pagbulong nito sa tenga ko. Parang nagtayuan ang mga buhok ko sa katawan dahil sa ginawa nito. "Easy!" ani ko na pabulong din dito. "Ang sweet n'yo naman." Papuri ng nanay nitong parang kinilig pa sa pagkakadikit namin ng anak nito. "Have a seat." Pukaw ng ama ni Boss Nathaniel. Ipinaghila ako ng amo ko ng upuan. Todo alalay pa ito. Kung wala lang ang magulang nito ay tiyak na kanina ko pa ito in-uppercut.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD