SINISIKAP ni Eloiza na ibahin ang boses niya, nagtatakip pa siya ng panyo sa bibig bago magsalita. “S-Sir, kain na po kayo.” Sabay dikit ng kutsara sa labi ni Josh pero tinabig lang iyon at natapon sa kama. Tahimik na nilinis ni Eloiza ang kama pati na ang harapan ni Josh na natapunan ng soup. “What are you doing?!” singhal nito sa kanya. “Ah, s-sir, papalitan ko po ang T-shirt mo dahil basa ng soup . . .” “Bilisan mo at h’wag mo akong madikit-dikitan ng kamay mo!” “Y-Yes, s-sir.” Nangangatal sa takot si Eloiza. Nang iangat nito ang damit ni Josh ay muntik na siyang mapahugot ng hininga. Sino ba naman ang hindi kung ang ganitong katawan ang nasa harapan mo? “Bilisan mo! Bakit ang tagal?!” “I-Ito na, s-sir.” “Ganyan ba talaga ang boses mo? Bakit nauutal ka? Bakit ka nakapasa sa p