“I’M so sorry, sana maintindihan mo. She’s still my wife at never ko siyang hihiwalayan. Kung nasabi ko man sa ’yo na handa kitang pakasalan kung sakaling dumating ang oras na matutuhan kitang mahalin, again I'm sorry. Sinubukan kong mahalin ka pero hindi nag-work at ang nararamdaman ko sa ’yo is just plain s*x.” Malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng babae pero hindi iyon ininda ni Josh. May kasalanan din siya rito dahil hinayaan niyang umasa ito. “Tandaan mo ito, Josh Montemayor! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin! Nakalimutan mo yata kung sino ako kaya humanda ka!” Pinigil ni Josh ang galit. “Gawin mo ang gusto mo. But I’m warning you, don’t dare to touch my wife and my kids because if you dare, I will kill you until the last blood of your family. Hindi mo ako kilala kung ano