Chapter- 5

2087 Words
ILANG oras ang lumipas bago naka-recover si Eloiza. Ang sakit ng buong katawan niya lalo na sa parteng ’yon. Naalimpungatan si Josh nang maramdaman ang pagkilos ng katabi niya. “Sweety.” Agad siyang umayos ng upo at inalalayan niyang makaupo nang maayos ang asawa ngunit napangiwi lang ito sabay iwas sa tangkang paghawak niya rito. “Let go off me!” Halos mag-apoy ang mga mata niya kaya naman parang napapasong dumistansiya agad ito sa kanya. Hindi rin lingid sa paningin niya ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Josh subalit binalewala niya iyon. Galit na galit siya sa pandadahas nito sa kanya at hindi niya iyon mapapatawad. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang matigas nitong harapan na puwersahang ipinasok sa kaselanan niya. Pakiramdam niya ay nagkasugat-sugat siya at ang kanyang kaselanan ay namamaga rin. Hindi niya akalain na gano’n pala kalaki ang sukat ng harapan ng kanyang pinakasalan. Sinikap nyang ipahinga ang isipan kaya pumikit at sumandal na lang siya sa upuan. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tama at asawa siya nito ngunit dapat ba siyang puwersahin nito para ipamukha sa kanya na asawa siya at pag-aari ng isang Montemayor? ‘I hate this man.’ Ni sa panaginip hindi niya naisip na dadahasin siya ng kanyang asawa. Halos mawasak naman ang puso ni Josh nang makita ang mga luhang dumaloy sa pisngi ng kanyang si Eloiza. Hindi naman niya sinasadya na gawin ’yon sa kanyang asawa, kaya lang nadala siya ng sobrang galit sa ipinakikita nitong katigasan at kawalang-halaga niya rito. Gustong-gusto na niyang lapitan at yakapin ito at humingi ng tawad, kaya lang wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. Hanggang dumating sila sa Pilipinas ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tama ang mga kapatid niya, hindi dapat niya pinilit ang asawa lalo na’t labag sa kalooban nito. Subalit masisisi ba siya kung nagawa niya ang bagay na iyon? Isa pa, matagal na niyang gustong angkinin si Eloiza dahil mula nang maging asawa niya ito, hindi na siya nakaranas na magpaligaya sa iba na dating gawain niya noon. Isa lang ang gusto niyang maangkin, ang kanyang si Eloiza. Gusto niyang masigurado na kanya ito at walang ibang lalaki na puwedeng humawak dito. Sa hacienda niya ito idiniretso saka ipinatawag ang kanilang family doctor. Dahil malapit lang ang Hacienda Montemayor sa Hacienda Madrigal ay agad silang nakarating dito pati na ang kanyang ina at ama. “Son, what happened? May sakit ba ang asawa mo? Bakit hindi mo agad dinala sa ospital para siguradong magiging maayos rin ang kalagayan niya? Baka lumalala pa ’yan.” “Dad, Mom, sorry po ngunit walang sakit ang asawa ko. Meron lang hindi magandang nangyari sa kanya habang nasa himpapawid kami.” “Mr. Montemayor, I need to talk to you privately,” tawag sa kanya ng doktor ng pamilya. Agad niyang iginiya ito papunta sa library. “To be frank, masyadong nasugat ang hymen niya kaya siya nag-bleeding. Isa pa, masyadong napuwersa ang kaselanan niya at sa palagay ko hindi normal ang size mo kaya siya nawalan ng malay. I advise na mag-complete rest siya at inumin ang mga gamot. At hangga’t maaari, ’wag mo muna siyang gagalawin sa loob ng isang buwan for her to fully recover.” Hindi niya nilapitan ang asawa dahil alam niyang ipagtatabuyan lang siya nito. Sobrang namumuhi ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi naman niya masisisi ang asawa kung magalit ito nang sobra sa kanya. Minsan gusto niyang sisihin ang mga magulang kung bakit ipinanganak siyang hindi normal ang size ng ari niya kagaya ng tatlo pa niyang kakambal. Mga Pinoy sila, ’yon nga lang may ibang dugong nananalaytay na minana nila sa mga lolo nila kaya siguro ang mga sukat ng kanilang ari ay parang sa mga Amerikano. Kung puwede lang na paputulan niya para lang mabawasan ang sukat niya na 10 inches at kasintaba ng lata o braso ng bata, ginawa na niya. Kaya ang mga babaeng naikakama niya noon ay nawawalan ng malay. Ang akala naman niya ay sadyang dala lang ng pagod kaya nahihimatay. Ngayon lang niya napatunayan na dahil sa sobrang laki ng size niya kaya nangyayari ang mga iyon. Matuling lumipas ang isang buwan at nang maging okay na ang kanyang asawa ay bumalik na rin ang dating sigla nito. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik na nilapitan ito para kausapin. “Sweety.” “Stop calling me like that!” matigas niyang sagot dito. “Kahit kailan hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin!” “So ano’ng gagawin mo? Aalis ka? Tatakas na naman? Huwag mo nang ituloy kung anuman ang mga pinaplano mo dahil once na ginawa mo pa uli iyon ay mapipilitan akong ikulong ka at lagyan ng kadena sa ibabaw ng bed para ulitin ang ginawa ko sa ’yo sa loob ng plane!” Saka nagmamadaling iniwan ito. Halos namutla siya sa narinig sa asawa kaya napilitan na lang niyang sundan ng tingin ang papalayong lalaki. ***** ISANG umaga, nagising na lang si Eloiza na walang Josh sa paligid niya. Napag-alaman niyang sa Manila na ito muna nag-stay dahil may kailangan itong asikasuhin doon. Walang pagsidlan ang tuwa sa kaalamang magagawa na niya ang bawat naisin kaya nagmamadaling siyang nag-suot ng attire para sa pangangabayo. ‘Tingnan lang natin kung makakasunod sa akin ang mga bodyguard na itinalaga ni Josh.’ Agad niyang pinatakbo ang kabayo nang sobrang bilis. Halos twenty minutes na siyang matulin sa pagtakbo nang bumagal ang paglalakad ng kabayo. Lumingon-lingon siya pero walang kahit sinong bodyguard ang nakasunod sa kanya kaya halos magsisigaw siya sa tuwa. Feeling free siya ngayon. Dumiretso siya sa isang burol na paborito niyang lugar. Habang mag-isa at nakahiga sa makapal na damo, hindi niya maiwasang balikan ang unang encounter nila ng asawa. Napangiti siya nang maalala kung paano niya ito dinuraan sa mukha saka malakas na sinampal pero nang sumagi sa isipan niya kung paano siya nito hinalikan, kung hindi pa dumating ang ama nito, malamang na tuluyan na siyang inalipin ng masarap nitong halik. Namumula ang mukha niya at napabangon agad. Pinagpag niya ang damit at sumakay sa kabayo. Isang maliit na bagay ang natanaw niya sa malayong lugar. Sa tuktok ng burol ay may bahay at ngayon lang niya nakita iyon. Mabilis ang takbo nila ng kanyang kabayong si Love patungo sa natanaw na lugar. Masaya siya ngayon kaya nakalimutan na niya ang sitwasyon. Halos isang oras na siyang tumatakbo at pagod na ang kabayo niya kaya naman pinabagal niya ito. Malapit na siya sa malaking bahay na iyon. Isang humaharurot na pick-up ang muntik nang mabangga ang kabayong sinasakyan niya. Napamura siya at agad na sinipa ang kabayo para maabutan niya kung sinuman iyong arrogante na malakas ang loob at walang modo. Halos mahulog siya nang makita ang isang matikas at guwapong lalaki na bumaba ng pick-up. Pabalibag niyang isinara ang pinto saka nakapamaywang na humarap sa kanya. “Who are you?” malakas na sigaw ng lalaki sa kanya. Dahil galit si Eloiza ay sinipa niya ang kabayo saka patakbong sinugod ang lalaking nawalan ng panimbang. Sumadsad ito sa gilid ng daan sa pag-iwas nitong hindi tamaan ng kanyang kabayo. Nilingon niya ang galit na galit na mukha ng lalaki. “F*ck you!” mahinang mura na niya. ‘Tingnan natin kung may magagawa ka sa gagawin kong ito sa ’yo!’ Agad na sumakay ang lalaki sa pick-up at walang pakialam na binundol siya nito kaya naman tumilapon siya sa malayo saka may lumabas na may-edad na lalaki sa bahay. “What the f*ck!” Agad nitong dinaluhan si Eloiza na tumilapon dahil alam nitong maaaring mapasama ang pagkakabagsak nito sa batuhan. Wala siyang malay na dinampot ng may-edad na lalaki, natakpan ng malapad na sumbrero ang kanyang mukha. Binuhat siya agad nito at nagmamadaling pumasok sa malaking gate kaya hindi sinasadyang lumungayngay ang ulo niya at nalaglag ang kanyang sombrero at lumaylay ang mahaba niyang buhok. Natulala ang galit na galit na aroganteng lalaki nang makita kung sino ang babaeng ito. “Sh*t, Dad! S-She’s a Madrigal, d-daughter-in-law ni Tito Jade.” Agad na tinawagan ng ama ang kanilang family doctor pati na si Jade. “Nasaan si Josh? Nandito ang asawa niya sa bahay at naaksidente siya.” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil na-cut na ang line at nag-busy na ito. “D-Dad, sorry, hindi ko sinadya. Hindi ko siya nakilala.” Pag-aalala ang makikita sa mukha ng binata. “Huwag ka sa aking humingi ng sorry, doon sa pamilya ng Tito Jade mo lalo na kay Josh.” Hindi nagtagal ay dumating na ang humahangos na si Jade kasama ang asawa nitong si Sofia. “Ano’ng nangyari?” Agad na nilapitan ni Sofia ang walang-malay na si Eloiza. Kausap ni Jade ang anak na si Josh sa phone. Hindi nagtagal ay binalingan ito ni Andrei, ang may-edad na lalaki, saka ikinuwento ang nangyari. Ang anak niyang binata na si Matt ay hiyang-hiya sa nangyari. Panay rin ang hingi ng paumanhin nito sa mag-asawa. An hour later, isang helicopter ang lumapag sa Hacienda Mondragon. Hindi pa halos nakalalapag ay tumalon na si Josh mula rito at patakbong pumasok sa malaking gate. Halos maiyak siya nang makita ang sitwasyon ng asawa. Agad niyang niyakap ang walang-malay na asawa. “Ano’ng nangyari sa kanya, Dad, at bakit siya nandito sa bahay ni Tito Andrei?” “I-I’m so sorry, J-Josh,” agad na hinging-paumanhin ni Matt dito ngunit malakas na suntok sa mukha ang tumama sa kanya. Sadsad ang binata sa sahig. Susundan pa sana ito ng isa pang suntok ni Josh pero humarang na ang kanyang ama. “"Enough!” malakas na sigaw niya sa galit na anak. “’Pag may masamang nangyari sa asawa ko, I will kill you!” Halos lumuwa ang mga mata niya sa galit. Mabilis na inilabas naman ni Andrie ang anak. “Kumalma ka, anak,” yakap ng ina sa kanya. “Hindi naman sinasadya ni Matt ang nangyari. Ang sabi ay nadaanan niyang nakasakay ang asawa mo sa kabayo nito kaya nilampasan niya iyon. Isa pa, hindi niya alam na si Eloiza iyon. No’ng nakatayo na si Matt sa may gate, hindi niya nakilala na asawa mo ’yon. Binangga ni Eloiza si Matt kaya tumilapon siya sa gilid ng daan. Sumakay daw si Matt sa pick-up saka mabilis na pinaandar iyon patungo sa kinatatayuan ng kabayo, dahilan kaya tumilapon ang asawa mo.” Hindi matanggap ni Josh ang ganoong paliwanag. “I will kill him ’pag may masamang nangyari sa aking asawa!” matigas na pananalita ni Josh sa mga magulang. Agad niyang binuhat ang asawang walang-malay saka nagmamadaling lumabas ng mansiyon ng mga Mondragon at isinakay ito sa chopper. Sa Maynila niya idiniretso ang asawa, sa ospital ng kaibigan ng Lolo Lance nila. Agad namang inasikaso iyon ng anak ng may-ari na kaibigan din ng kanyang ama. “May mga bahagi ng katawan ng asawa mo ang nabugbog sa pagkahulog ngunit okay naman siya, walang malalang tama maliban sa mga sugat.” Hindi iniwan ni Josh ang asawa, siya rin ang personal na nagpapakain dito at nagbibihis. Kahit alam niyang tutol ang kanyang si Eloiza na siya ang gumagawa n’on ay binalewala na lang niya ang mga ’yon. Ang masaklap lang ay torture sa kanya sa tuwing bibihsan niya ang asawa. Sa banyo siya hahantong para mag-release. Gustong-gusto na niyang angkinin si Eloiza kaya lang alam niyang hindi ito papayag kaya nagtitiis siya sa sariling palad. Bakit naman kasi gano’n kalakas ang pagnanasa niya sa tuwing madidikit siya sa katawan ng asawa? Agad na tatayo ang kanyang harapan na tila handang-handa na sa laban. One week na nag-stay sa ospital si Eloiza bago niya ito iniuwi pabalik ng hacienda. Nag-file din siya ng leave para maasikaso ang asawa at makasama na rin ito. Matagal na siyang nangungulila rito. Kahit hindi sila in good terms ay masaya siyang makasama ito. Kahit hindi siya nito pinapansin ay okay lang sa kanya basta ang importante ay nakikita niya ito kahit sa malayo. Siguro nga masyado siyang in love sa kanyang mahal kaya naman sobra ang takot niya nang maaksidente ito. Ang gumugulo sa isipan niya ay ano’ng ginagawa ni Eloiza sa mga Mondragon. Bakit ito naroon sakay ng kabayo at sino ang sadya nito roon? Ang anak ng tito nilang si Andrei na si Matt, gusto niyang basagin ang mukha nito, dangan lang at isinasaalang-alang niya ang mga magulang. Nararamdaman niyang hindi gagawa nang mabuti ang Matt na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD