SERAPHINA ROSE P.O.V Nagising ako dahil sa tumatalon talon sa kama. Minulat ko ang mga nata ko at nakita ko si Feliz na patalon talon sa kama. "Mama!" Dinambahan ako nito ng yakap na kinapikit ko. Kung ganito lang lagi ang sasalubongin sa'kin t'wing umaga mas gaganda talaga ang mood ko. "Hey, saan ang daddy?" tanong ko rito dahil hindi ko na makita si Rowan sa loob ng kwarto. "Hindi ko po alam mommmy! Wala na po si daddy rito pagpasok ko." Naka pout nitong saad. Umupo ako sa kama at nilibut ang kabuowan sa buong sulok ng bahay. Wala na ang mga basag na bote. Bumalik na ito sa normal at malinis na. Siguro pumasok na sa kompanya si Rowan kasama na naman si Miguel. Hindi siguro mapaghihiwalay ang dalawang 'yon, mas masasabi ko pang best buddy ni Rowan si Miguel kaysa kay Atlas na traydo