CHAPTER TWO

1855 Words
“NANA Azon, may bisita pala kayo, bakit hindi mo siya papasukin?" magalang na tanong ni Darwin sa kusinera nila. “Ah, ikaw pala, anak. Oo, si Karen, pamangkin ko. Karen anak, ang Kuya Darwin mo. Darwin anak, si Karen, galing pa daw ng Bicol at nagtanong-tanong lang para makarating dito,” agad namang sagot ni Nana Azon na kusinera ng pamilya Arellano. “Ang layo pala ng pinanggalingan mo, hija. Papasukin mo na siya, Nana Azon, at nang makakain, baka nagugutom na siya,” agad namang sabi ni Darwin. Kilala ang pamilya Arellano na isa sa mayamang pamilya sa buong lalawigan pero mas kilala sila sa pagiging matulunging tao. Nag-alangan ang matanda na hindi naman nakaligtas kay Darwin. “May problema ba, Nana? Sabihin mo lang, baka matulungan ka namin,” maagap na ani Darwin. “Ah, kasi—” Hindi na natapos ni Nana Azon ang pagsasalita dahil inunahan na siya ni Karen. Lumapit ito kay Darwin at hindi nila napaghandaan ang sumunod nitong ginawa. Lumuhod ito sa mismong harapan ni Darwin. “Ako na po ang nakikiusap, Kuya Darwin. Wala na po akong ibang mapuntahan maliban dito sa aking tiyahin. Payagan at tanggapin n’yo po sana ako bilang kasambahay ninyo, parang awa n’yo na po,” ani Karen habang nakaluhod. “Stand up, young lady. Huwag kang lumuhod, hija. Hindi ako Diyos para luhuran mo. Masasabi mo naman ’yan kahit hindi ka lumuhod sa akin. Oo naman, para sa ikapapanatag ng kalooban mo—” “Asawa ko, ano’ng nangyaya—O, bakit may nakaluhod diyan? Ikaw, Darwin, anong kalokohan ’yan, ha? Kailan ka pa naging mapangmata sa kapwa mo at kailangan pang may lumuhod sa ’yo, ha?” Hindi maipinta ang mukha ni Lorie dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may lumuhod sa asawa. “No, hon, it’s not what you think.” “Huwag po kayong magalit, ma’am, dahil ako po ang lumuhod para makiusap na kung maaari ay tanggapin n’yo ako bilang kasambahay ninyo. Wala na po akong ibang mapuntahan kundi dito kay Tiya Azon,” nakatungong sagot ni Karen. Nakahinga naman nang maluwag si Lorie sa narinig. Buong akala niya’y kung ano na ang kalokohang ginawa ng asawa. “Halika, hija, huwag kang lumuhod. Come, hija, come. Pumasok ka at nang makapahinga ka muna. Alam kong pagod ka dahil iyan ang nakikita ko sa hitsura mo. Ako ang Ate Lorie mo at huwag kang mag-alala, dahil simula ngayon ay dito ka na titira kasama ang Tiya Azon mo. Basta tandaan mo, huwag na huwag kang luluhod sa kahit sinuman dito sa mundo. Dahil kung may luluhuran man tayo ay walang iba kundi ang Panginoon lang natin,” ani Lorie sa babaeng nasa harapan niya na kahit sa unang pagkakataon na nakita niya ito ay alam niyang mabait itong tao. Dahil dito ay hindi namalayan ng dalaga na umiiyak na pala siya habang nakayakap dito. Sa pagkawala ng ina niya ay noon lamang uli siya nakaranas at nakaramdam ng pagkalinga. At ang kanina pa naiiyak dahil sa nasaksihang kabaitan ng mag-asawa at pagtanggap sa kanyang pamangkin ay nagsalita na. “Maraming-maraming salamat, Darwin, Lorie. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan dahil sa pagtanggap ninyo sa pamangkin ko nang walang pag-aalinlangan. Hayaan n’yong ang Diyos ang magbigay ng gantimpala sa inyong kabaitan. Huwag kayong mag-alala dahil mabait at masipag si Karen,” lumuluhang aniya nito. “Kahit naman po siguro sino ang nasa katayuan namin, Nana, gagawin din ang tanggapin si Karen lalo at wala siyang ibang mapupuntahan maliban dito. Ipanatag n’yo na po ang kalooban ninyo at pumasok na kayo para makapagpahinga muna si Karen,” ani Lorie na sinegundahan ni Darwin. “Tama ang asawa ko, Nana Azon. Ipasok mo na si Karen para makakain na siya. Ipakuha n’yo sa driver ang bakanteng higaan sa bodega para may magamit siya. But for now ay kailangan na niyang mamahinga lalo at malayo pa ang pinanggalingan niya.” Walang hanggang pasasalamat ang binibigkas ng magtiyahin lalo at napakabait ng mag-asawa. Dahil may mangingilan-ilan pang mga bisita ang bagong graduate na si Greg ay hindi na nito napansin ang bagong miyembro ng pamilya. Pinaderetso ng mag-asawang Darwin at Lorie ang magtiyahin sa kusina para makakain si Karen. “Basta magpakabait ka dito, anak. Mababait silang lahat kaya’t nasa iyong mga kamay ang ugali nila. Nalulungkot lang kasi ako dahil ni hindi ko man lang nakita sa huling pagkakataon ang nanay mo at gano’n pa ang ginawa ng hayup mong ama. Pero hindi bale, anak. Hayaan mo na sila dahil hindi lang iisa ang araw, darating at darating ang araw na makakarma sila,” ani Nana Azon sa dalaga matapos nitong maligo bago magpahinga. Hindi pumayag ang mag-asawa na magtrabaho na agad ito kahit pa maraming trabaho. “Opo, Tiya, bahala na sila diyan. Kaya po kahit halos nakalimutan ko na ang address mo dito ay pilit kong inalala dahil ayaw ko na po doon. Sanay naman po ako sa trabaho, Tiya, kaya wala pong problema kung mamasukan din po ako dito bilang kasambahay,” sagot ng dalaga. “Tama ’yan, anak. Bahala na ang Diyos sa kanila. Diyan ka muna sa foam habang hindi pa naibababa ang bakanteng higaan sa bodega. Busy pa ang mga tao kaya’t iyan muna ang gamitin mo. Huwag kang mag-alala dahil malinis iyan, ipinapagamit lang namin kay Greg kapag dito siya tumatambay. Sige, anak, magpahinga ka na muna at babalik na ako sa trabaho. Mamaya na lang uli tayo mag-usap. Graduation kasi ni Master Greg kaya busy ang lahat,” ani ng butihing ginang sa pamangkin habang iniaabot ang kumot, unan at pansapin sa foam. “Sige po, Tiya, at maraming salamat po ulit,” sagot ng dalaga. Hindi na sumagot ang ginang, bagkus ay lumabas na ito. Pag-alis nito ay iniayos na rin ni Karen ang pansamantalang higaan niya saka umusal ng panalangin bago siya tuluyang hinila ng antok. ISANG araw, dahil hindi pa nakikita ni Greg ang bago nilang kasama sa bahay ay napakunot-noo ito nang papasok siya ng bahay nang makita niya ang dalaga sa hardin nila na nagdidilig. ‘Kailan pa naging babae si Mang Anton? Teka lang, may nakapasok bang intruder dito sa bahay?’ tanong nito sa kanyang isipan. Dahil sa pag-aakalang intruder ang nasa hardin na nagdidilig ay dahan-dahan siyang lumapit dito. “Who are you?! What the hell are you doing here?! What do you want from us?!” sunod-sunod na pasigaw na tanong ng binata. Hindi man lingunin ng dalaga ang nagsasalita ay alam niyang miyembro ito ng pamilyang pinaninilbihan nilang magtiya dahil hindi basta-basta na nakapapasok ang ibang tao sa kabahayan lalo kapag hindi alam ng kahit sino sa mga nandoon. “H-Hindi po ako m-masamang tao. P-Pamangkin po ako ni T-Tiya Azon.” Sa takot ay naging pautal-utal ang pagsagot ng dalaga sa binata. “Who—” “Hey, li’l bro, what the hell are you doing? Tinatakot mo ang tao, ah,” putol ni Darrell sa kapatid. “You know him, bro?” hindi makapaniwalang sagot ng binata. “Batukan kaya kita diyan? Ang kulit mo naman, ’tol. Sabi na ngang oo. She came on the day of your graduation. Hindi mo siya nakita dahil busy ka na rin sa gymnasium. Humingi ka ng tawad, ’tol. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Nanginginig na sa takot ang tao, ah,” naiiling na sagot ni Darrell. Dali-dali namang iniayos ni Karen ang hose na ginagamit habang nag-uusap ang magpatid. “Kuya D-Darrell, mauna na po ako, tutal tapos na akong magdilig ng mga pananim.” Banaag pa rin sa boses ang takot ng dalaga. “Huwag ka nang matakot, Karen. Nabigla lang siguro ang kapatid ko, pero mabait iyan lalo kapag tulog,” biro ni Darrell sa nanginginig na si Karen. Hindi na sumagot ang dalaga dahil takot na takot naman talaga siya at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unahing gawin. “Sorry, miss. Ngayon lang naman kasi nakita dito sa bahay. Pasensiya na,” sa wakas ay sambit ng binata. “Okay lang po. Sige, pasok na po ako,” tipid na sagot ng dalaga saka mabilis na pumasok. Naiwan ang magkapatid na nakasunod ang tingin sa dalagang pumasok sa bahay. Dahil nakatutok ang paningin ni Greg kay Karen ay nakaisip ng kalokohan si Darrell. Umatras siya nang kaunti at ginulat ito. “What the hell are you—” mura ni Greg nang mapagtanto ang kalokohan ng nakatatandang kapatid. Patakbo itong lumayo at pumasok sa loob ng bahay. Wala nang nagawa ang bunso ng pamilya kundi ang sumunod dito na kakamot-kamot. ANG ahas ay hindi lang sa kabundukan matatagpuan, mas marami pa ang ahas na nasa bayan at kapatagan. Kagaya ni Luisa, isa ito sa mga ahas na nasa kabahayan dahil sa tuwing wala sa bahay si Mang Ambo ay halos maghapon silang nagpapakalunod sa tawag ng laman kasama ang lalaki na tinutukoy ng mga kapitbahay nila. “Luisa, ano itong nababalitaan at naririnig ko diyan sa kanto?” mahinahong tanong ni Mang Ambo sa babaeng ipinalit sa asawa. Pero imbes na sagutin nito ang kanyang tanong ay sinagot lamang din siya nito ng tanong. “Bakit, Ambo? Sino ang asawa mo sa amin? Sino ang kasama mo araw-araw? Sino sa amin ang paniniwalaan mo, ha? Ako na kasama mo sa araw-araw mong buhay o ang mga tsismoso’t tsismosa diyan sa kanto?” malakas nitong balik-tanong. Nagpakawala naman ng malalim na paghinga ang ginoo. Dahil totoo naman ang tinuran nito na araw-araw silang magkasama. Pagdating niya sa gabi o hapon galing sa pagtratrabaho ay silang dalawa lang din ang magkasama. Tuloy, hindi niya alam kung sino ang paniniwalaan niya: kung ito nga ba o ang mga sabi-sabi sa labas. “Huwag ka nang magalit, Luisa, nagtatanong lang naman ako. Sabi kasi nila, may lalaki daw na pumupunta dito kapag wala ako pero bago ako dumarating sa hapon ay umaalis din ito kaya’t naisipan ko lang itanong sa ’yo,” malumanay pa ring sagot nito. “Bahala ka sa buhay mo, Ambo! Sa kabila ng lahat, pinagdududahan mo pa rin pala ako? Pinili na nga kita ’tapos gan—Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo kung ganyan ka!” umiiyak na tugon nito. Niyakap ito ni Mang Ambo. Ayaw na ayaw niya itong nakikitang umiiyak lalo na kung dahil sa kanya. Spoiled ito sa kanya kaya’t marahil gano’n na lamang ito kung masaktan. Gusto tuloy niyang pagsisihan ang mga nasabi niya, pero paano pa niya babawiin ’yon, eh nasabi na niya? “Tahan na, Luisa, asawa ko. Nagtatanong lang naman ako, eh. Kung wala, eh ’di wala, ’di ba? Alam mo namang mahal na mahal kita, eh,” masuyong ani Mang Ambo na yakap-yakap ito nang mahigpit na para bang natatakot itong baka mawalay ito sa kanya. Hindi niya napansin ang ngiting sumilay sa mga labi n Luisa. A smile of victory! ‘Ano’ng akala mo sa aking hukluban ka, pagtitiisan kita habambuhay? No way! Samantalang halos hindi mo na ako magalaw sa gabi? I need s*x in my life, you know! Kaya’t sorry ka na lang, hukluban ka. I don’t need you anymore,’ ani Luisa sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD