Chapter 4
Pagpasok namin sa elevator ay halos hindi maipinta ang mukha ni boss. Ganoon na ba ako ka tagal kaya naisipan niya akong sundan? Hawak pa rin niya ang kamay ko kahit nasa elevator kami. Bigla itong huminto at may pumasok. Kukunin ko na sana ang kamay ko pero lalo niya itong hinigpitan.
"B-boss, a-ang k-kamay k-ko," utal kong sabi. Nahihiya kasi ako dahil tinitingnan ako ng mga pumapasok sa elevator.
"Don't you dare to get back your hand or else I will kiss you here!" pabulong nitong saad. Medyo na takot ako sa boses niya. Tapos sobrang lamig pa rin at nakakatakot. Parang galing sa Atlantic ang boses niya sa sobrang lamig.
"May sweetness pa lang nakatago kay, Boss," rinig kong sabi ng babae sa unahan namin.
"Huwag mong paki-alaman, baka marinig ni Boss at matanggal pa tayo," sagot naman ng kasama niya. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Kinikilig dahil sa sinabi ng kapwa ko empleyado, kinakabahan dahil sa mukha ni boss kanina. Tiningnan ko siya, then nakita ko na nagsmile siya pero hindi sa akin. Ang gwapo niya pag nakangiti. Parang isang anghel na bumaba sa lupa. Tapos pimisil-pisil pa niya ang kamay ko. Para tuloy akong nakuryente sa ginawa niya. Sa wakas ay umalis na ang dalawang babae at kami na lang ulit ang natira. Bumalik ulit ang kaba sa aking dibdib.
"Are you nervous? Don't worry, I won't hurt you. And damn! Kindly answer my f*****g question. What Mr. Zumato did to you?" Hindi ko alam kong ano ang isasagot sa kaniya. Wala naman kaming ginawa ni Mr. Zumato. Don't tell me nagseselos si boss sa akin?
"B-bakla ka, Boss?" gulat kong sabi. Nanlaki ang kaniyang mga mata at bigla itong nanaliksik. Napa-atras ako ng konti dahil sa tingin niya. Napalakas ko "ata, lagot ako nito. Bakit ko ba nasabi mo. Ang tanga ko rin minsan. Lumapit ito sa akin at sobrang sama ng tingin.
"Pardon?" wika nito sa akin. Para akong gininaw sa boses niya.
"B-bo-" bago ko pa nasabi ay bumakas ang pinto. Lumabas ito sa elevator at naunang maglalakad. Patay! Good bye, job! Hahanap na lang ako ng ibang work. Bakit ko ba nasabi 'yon. Nasa isip ko lang naman sana 'yon. Sumunod agad ako sa kaniya.
"Boss," tawag ko sa kaniya pero tuloy pa rin ito sa paglalakad. Mabuti na lang ay kami lang ang tao sa floor na ito. Nakakahiya talaga pagnagkataon. Nakapasok na ito sa kaniyang opisina, bakit ba ang bilis lumakad ng lalaking 'yon. Pumasok na rin ako sa loob. This is my last day na talaga. Ikalawang araw ko pa lang sa work tanggal na agad.
"B-boss, ito po ang document na pinapakuha mo. And maybe this is my last day dahil alam kong tanggal na ako sa work ko," nakayuko kong saad.
"Get out and wait for me in the basement. Change your outfit also." Tumayo agad ito at inayos ang kalat sa table at lumabas pero hinabol ko ito.
"B-boss, paano ang document paper?" habol kong sabi.
"Put it down to my table and double your time." Lumabas ito nang tuluyan sa pinto ng opisina. Agad kong inilagay ang document paper na galing kay Mr. Zumato. Nagmamadali akong lumabas para tumungo sa basement. Ano kaya ang gagawin namin doon? Papatayin kaya niya ako? Or ipapakidnap dahil sa nasabi ko? No way! Gusto ko pa magka-asawa at magka-anak. Nakasalubong ko si Jonathan, nagtataka ito sa mga kinikilos ko.
"Are you ok? Parang namumutla ka 'ata? What happened?" tanong nito sa akin.
"Jonathan, huwag muna ngayon. Kailangan kong magmadali, naghihintay na si boss sa basement," sagot ko sa kaniya.
"Wait! How about our lunch?" tanong nito. Oo nga, paano na ito. Bahala na may next time pa siguro.
"I'm sorry, Jonathan! Next time na lang. I need to go!" Pumasok na agad ako sa elevator. Lagot talaga ako nito pag late na naman ako. Jonathan, sorry talaga. Next time na lang at babawi ako sa'yo. Bumukas agad ang elevator, kaya nagmamadali akong lumabas. Bigla akong napako dahil nakita ko sa harapan ko si boss na nasa bulsa ng khaki short ang dalawang kamay niya tapos isang gray v-neck ang suot na t-shirt. Ang gwapo niyang tingnan kaso ang mukha nito sobrang seryoso.
"Why you are late? And why you didn't change your outfit?" seryosong saad nito. Nagulat ako dahil hindi na ito cold magsalita. Ano kaya nakain nitong si boss?
"Damn! Answer me!" Halos hindi ko alam ang isasagot dahil sa boses nito na bumalik ulit sa pagiging cold.
"S-sorry, Boss. Nakalimutan kong magpalit," nakayuko kong sagot. Anytime sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Lumapit ito sa akin, "Don't move!" Parang sumunod ang katawan ko sa sinabi niya. Lalo pa itong lumapit sa akin. Hahalikan ba ako ni boss? Pinikit ko ang aking mga mata dahil sobra na nitong lapit sa akin.
"Next time, faster your move. We already late." Napabalik ako sa aking diwa sa sinabi niya. Umalis ito sa harap ko at sumakay sa black BMW na nasa harap ko. Napahiya ako ahh, akala ko talaga hahalikan niya ako.
"Damn it! Get inside!" sigaw nito mula sa sasakyan. Oo nga! Ano ba ka naman Khei. Palagi ka na lang palpak. Pumunta agad ako sa sasakyan niya at pumasok.
"I'm not your driver. Sit beside me!" Lumabas ako at pumunta sa harap. Daming kamalasan sa akin ngayong araw. Halos gusto ko nang umiyak dahil sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba ang mga trabaho. Inayos ko na ang seatbelt, wala pa rin akong alam kung saan kami pupunta ni boss. Tahimik lang itong nagdridrive. Inikot ko ang buong sasakyan, isa lang masasabi ko. Ang ganda. Sobrang ganda! Manghang-mangha ako sa loob ng sasakyan. Hanggang napako ang tingin ko sa nagdrive. Kahit saang anggulo tingnan si boss, ang gwapo pa rin. Lahat 'ata ng damit bagay sa kaniya. Kahit sira-sira ito bagay sa kaniya.
"Staring is rude!" sabi nito na dahilan nang pag-init ng mukha ko.
"You're so cute. When you're blushing." Halos malaglag ang mga panga ko sa sinabi niya. Totoo ba itong nakita ko? Tumatawa siya ng konti? Ang gwapo niya tingnan.
"Close your mouth. Your drooling," saad pa nito. Hinawakan ko agad ang bibig ko.
"Hahahaha! It was joke." s**t! Totoo ba itong nakikita ko? Tumatawa ba siya? s**t! Parang akong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa na sobrang saya. Ang gwapo niya talaga!
"We're here!" Bigla ulit siyang sumeryoso at naging cold ang boses niya. Bumaba agad kami sa kotse.
"Follow me!" Nauna siyang pumasok sa isang M-mall?! What the! Sa mall lang pala kami pupunta? Ano kaya ang trip ng lalaking ito? Kaya ba niya ako sinama para may taga bitbit siya sa mga binili niya? Dali-dali akong sumunod sa kaniya dahil baka magalit na naman 'yon. Lahat ng tao sa mall sa amin nakatingin. Ay sa kaniya lang pala. Gwapo kasi. Nakasunod pa rin ako sa kaniya. Hanggang pumasok kami sa isang boutique. Sinalubong agad siya ng isang sales lady.
"Hi, Sir. What can I do for you?" sabi nito at pinakita ang cleavage niya kahit wala naman itong cleavage.
"Call your manager! I want to talk," wika ni boss habang diring-diring tiningnan ang saleslady. Mabuti nga sa'yo, ang landi mo kasi.
"O-ok, Sir. Wait for me here!" Tumalikod agad ito at tumungo sa manager niya. Maya-maya ay lumabas ang isang magandang babae kasama ang sales lady.
"Ma'am, siya po ang gusto kuma-usap sa'yo," sabi ng sales lady.
"What's going on here, insan?" sabi naman ng babae na siyang ikinagulat ko. Gano'n din ang sales lady.
"Fire that woman! She don't have respect on his boss," sagot naman ni boss. Naawa ako na natatawa sa reaction ng sales lady. Naawa dahil wala na siyang trabaho ngayon. Natatawa dahil sa itsura niya.
"S-sir, I'm sorry. Please don't fire me!" Pagmamaka-awa ng sales lady.
"Ako na bahala sa kaniya, insan. Bakit ka ba nandito? Ano kailangan mo?" tanong ng pinsan ni boss.
"Please, entertain this girl beside on me." What? Me? Oh no! Ano kaya ang nakain ng lalaking ito. Pinasama niya lang ako para dito? Iniwan ko si Jonathan dahil akala ko importante ang pupuntahan namin? Naman ohh.
"Ohh my ghad! Siya na ba itong sinasabi mo sa akin?" masayang sabi nito. Naguguluhan ako sa sinasabi nilang dalawa.
"Shut up! And don't you dare to say anything!" s**t! Nakakatakot talaga boses ni boss.
"No problem, insan. Diyan ka lang maghintay and you!" Turo ng babae sa sales lady. "You're fire! Pack your things and get out to my boutique. I don't want to see your face anymore!" Dali-dali namang kumilos ang babae.
"And you!" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Y-yes?" kinakabahan kong sabi.
"Kyahhh! Halika na!" Bigla niya akong hinila at dinala sa isang kwarto.
"Diyan kq muna tatawagin ko lang ang mga kasamahan ko. By the way I'm Vien, first cousin ng boss mo. You're Kheizziah right?" Bigay ng kamay niya sa akin.
"Paano mo nalaman name ko?" takang tanong ko.
"Basta, hula ko lang. Sige teka lang." Umalis agad ito sa harapan ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya alam ang pangalan ko? Sinabi kaya ni boss? 'Yon? Magsabi? Ehh ang cold kaya niya magsalita. Tumawa nga kanina pero madali lang naman tapos ako pa ginawang katatawanan. Nakaka inis talaga ang moody na lalaking 'yon. Hindi ko tuloy nakasama mag lunch si Jonathan.