Chapter 3

1505 Words
Chapter 3 Maaga akong gumising dahil ayaw ko malate, alam niyo na, baka tanggalin ako ng gwapo kong boss. Nagwalkout pa naman 'yon kahapon. Kasi naman kung maka sabi na nakipaglandian ako sa gwapo niyang guard akala mo totoo. Pero paano niya nakita? May cctv ba? Ang boss ko talaga, and speaking of guard na gwapo? Si Jonathan? Ang swerte ng babae na mapapangasawa niya. Mabait, gwapo, down to earth at may respeto. Tapos hinatid pa niya ako kahapon. Kinilig ako readers. Sana ako na lang 'yong girl na ipapakasal sa kaniya. Jonathan is my dream guy. Sana Lord bigyan niyo ako ng lalaking katulad ni Jonathan. Ano ba naman self, kaibigan mo 'yong tao. Huwag mong taluhin. Bakit ba kasi ang unfair ni tadhana, bakit wala pang lalaking dumating sa buhay ko. Lumabas na lang ako sa bahay para makapunta na sa trabaho. Mahirap pa naman humanap ng sasakyan. Pagkatapos kong ilock ang pinto ay nagsimula na akong maglakad para pumunta sa sakayan. Pero 'di kalayuan ay nakita ako ng isang motor at isang lalaki na nakangiti. No other than si Jonathan. Yup, si Jonathan ang may-ari ng motor. Pero isa lang masasabi ko sa motor na dala niya. Ang gandaaaaa! Tapos ang may-ari ng motor, ang gwapooo! Lord! Ilayo niyo po ako sa tukso! "Good morning, Ray. Papunta ka na ba sa trabaho?" tanong nito sa akin na nakangiti. Ano ba Jonathan. Huwag ka ngang gentleman, baka ma fall ako sa'yo. Siya kasi 'yong taong mukhang model ng kahit ano. Pwedeng sa motor na dala niya. Sa toothpaste o kaya sa damit. Pwede kaya sa underwear? Ano ka ba naman Khei. Ang kereng-keng mo. Umagang-umaga pinagnanasaan mo ang kaibigan mo. Stop it! Kausap ko sa sarili ko. "Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kaniya. Syempre, stay behave lang ako. Hindi ko pinahalata na pinagnanasaan ko siya. Naman ehh! I hate my mind! Sobrang makasalanan. Hayst! Kailangan ko na atang pumunta sa simbahan para humingi ng tawad sa mga kahalayang tumatakbo sa isip ko. Lalo na lalaking kaharap ko ngayon. "Wala man lang, Good morning too?" malungkot nitong saad sa akin. "Ahh, e, G-good m-morning," medyo awkward kong sagot. Bakit ko ba nakalimutan. "So, papunta ka na sa trabaho?" tanong nito ulit sa akin. Tumango lang ako bilang sang-ayon sa sinabi niya. "Halika na, talagang sinadya ko na sunduin ka para sabay na tayong pupunta sa work." Lumapit agad ito sa akin at nilagay ang isang helmet sa ulo ko. Wala na akong nagawa kaya kun'di sumakay sa mamahaling motor niya. Ewan ko ano pangalan basta maganda at mamahalin. Nang makasakay na ako ay nilagay niya agad ang aking kamay sa baywang niya. "Hold on! Huwag mong kunin ang kamay mo baka mahulog ka." Namula ako sa sinabi niya. Ikaw ba naman, ang aga-aga pa may abs ka ng mahawakan. s**t! Sing-tigas ng sa boss ko ang abs niya. Pinatakbo agad niya, kaya mas lalo akong kumapit sa kaniya. Ang bilis ng pagtakbo. Pumikit na lang ako, dahil ayaw ko tumingin baka matakot lang ako. "Huwag ka nang matakot, hindi ka naman mahuhulog," saad nito sa akin. Minulat ko agad ang aking mga mata, nagulat ako dahil hindi na pala ito gaano ka lakas ang takbo. Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi nagtagal ay dumating na kami sa kompanya ni boss. Ano nga pangalan no'n. Ay hindi ko pa pala alam. Masungit kasi, tapos wala akong nakitang kahit anong pangalan sa opisina niya. "Were here! Pwede mo na akong bitawan." Nagulat na lang ako dahil pinisil-pisil ko pala abs niya. Nakakahiya! Lupa lumunin mo na ako please! Alam kong namumula ako ngayon dahil ramdam ko ang init nang magkabilang pisngi ko. "You're so cute. When you blush," sabi nito na mas lalong nagpainit sa mukha ko. "Tigilan mo ako, Jonathan!" pagbabanta kong saad sa kaniya. "Totoo, naman ahh!" sabi pa nito. "Isa pa!" sagot ko naman sa kaniya. "Oo, na!" Pagsuko ni Jonathan. "Ganda ng motor natin ahh!" Pag-iiba ko rin sa aming usapan. "Hindi naman," sagot nito at naka kamot pa sa ulo. "Maganda kaya! Magkano ang bili?" tanong ko. Sana makaranas din ako magkaroon ng sariling gamit. Maski cellphone ko, malapit ng masira dahil sa kalumaan. "$3.6 milyon." Napanganga ako sa sinabi niya. Ang mahal! Mga mayayaman nga naman. Sana all na lang talaga. "Wow, ang mahal naman. Iba talaga pag mayaman," sabi ko mula sa pagkagulat. "Favorite ko kasi 'yang Ecosse ES1 Spirit motor. Kaya pinag-ipunan ko 'yan. Kaya noong umalis ako sa amin ay dala ko 'yan," sagot naman niya. "Bakit hindi ka pa bumalik sa inyo? Hindi ka sana nahihirapan sa trabaho mo bilang sekyu!" Sayang naman buhay niya, wala na sana siyang problema sa pera. "Ayaw ko matali sa babaeng hindi ko naman gusto," sabi naman nito. "Hindi mo ba na miss ang magulang mo?" Nag-iba agad ang timpla ng mukha niya. May nasabi ba akong mali? "Boss, is here! Punta ka na sa work mo. Ayaw pa naman niyan sa mga taong tamad. Mamaya ulit, Ray. Sabay tayong mag lunch, treat ko!" Umalis agad ito sa harap ko. "Good morning, Sir," sabi ko sa boss ko na dumaan sa akin. Pero hindi ito sumagot at naka poker face at sobrang sama ng aura. Nakakatok! "Follow me!" Lalo akong kinabahan dahil sa boses nito na sobrang cold at walang emosyon. Bad mood 'ata si boss. Ang aga-aga parang pasan na ni boss ang mundo dahil sa mukha nito. Pag palaging ganito ang mukha niya, talagang maaga itong tatanda. Gwapo pa naman. "I said follow on me!" Napabalik ako sa aking sarili ng sinigawan niya ako. Patay! Lalo ko yata itong na beast mode. Tumakbo agad ako. Nauna itong pumasok sa office. Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng salita. "F*ck! You're not allowed here with that kind of outfit! Change your f*****g cloths or i'll fire you!" galit na saad ng aking boss. "Pero maganda naman ang damit ko?" sagot ko sa kaniya. "Change it or i'll fire you!" saad pa nito. "Pe-." "Wala ng pero pero! O baka man gusto mo ako pa ang magbihis sayo?" Nakataas ang isang kilay nito. "p*****t!" sigaw ko sa kanya sabay labas para magbihis. Ano ba ang problema niya sa damit ko. Maganda naman. Naka dress kasi ako tapos kita ang shoulder ko tapos hanggang tuhod lang siya. Ano ba ang problema sa suot ko? Nagpalit na ako ng damit. Naka t-shirt na ako at naka jeans at rubber shoes. Pagkatapos kung magbihis ay bumalik na ako sa office niya. "Ohh? Ito ayos na ang sout ko?" inis kong sabi sa kaniya. "Good! Madali ka palang kausap. Now you can start your work now," nakangiti niya sabi sa akin. "Arrghh! Mamumuro ka na porket boss kita!" saad ko habang dinuduro siya. Aba! Joke lang baka matagal ako. Wala na akong magawa kun'di sumunod sa gusto niya. Ikalawang araw ko pa nga ay stress na ako sa work. "Kindly get the document paper to Mr. Zumato. I need it now!" Tumayo agad ako para kunin. Alam ko na kung saan ang office nito, nasa first floor tapos opisina ni boss ay nasa ninth floor. Mabuti na lang ay may elevator. Masaya akong pumunta sa first floor. Pagbukas ng elevator ay pumunta na ako sa office niya. Halos 'ata ng tao sa akin nakatingin. Ikaw ba naman na naka T-shirt at naka jeans tapos naka rubber shoes pa. Mabuti na lang ay prepared ako. Nasabi kasi ng ibang employees na ayaw nito sa mga revealing na damit. Oa talaga ng boss ko. Kumatok agad ako sa labas ng office ni Mr. Zumato. "Come in!" sigaw nito mula sa loob. Binuksan ko agad ang pinto. Hindi naman ito naka lock. Pagpasok ko pa lang ay malamig na hangin na ang sumalubong sa akin. Bigla akong napatakip sa aking mga mata at mapasigaw. "Ahhhhh!" sigaw ko sa pagkgulat. Ikaw ba naman makakita ng guwapong lalaking naka tapis lang ng tuwalya. Tapos ang bakat ng abs niya. "s**t!" gulat nitong sabi. Mabilis nitong kinuha ang nakahandang damit at sinuot. Hindi ko pa rin kinuha ang kamay sa aking mga mata. "Ok na! You can down your arm now," sabi nito. Kaya kinuha ko na. Nakadamit na ito pero naka tapis pa rin ng tuwalya. "Ang document paper sabi ni boss," saad ko. Gusto ko nang makalabas dahil parang hindi ko kaya makasama ang gwapong nilalang na ito baka ma r**e ko pa. Ayaw ko pang makulong, may mama pa ako sa probensiya na kailangan ng gamot pambili. "Here! And I'm sorry for what happen. By the way I'm Sky Zumato and you're the secretary of Lewis?" sabi nito. "Lewis? takang tanong ko. Sino 'yon? "Your boss!" Magsasalita sana ako kaso biglang bumukas ang pinto ay may humila agad sa'kin papalabas. Nagtingin ko sa humila sa akin ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sobrang sama ng titig ni boss sa akin. Kinaladkad niya ako patungo sa elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD