CHAPTER 20—SELOS PA MORE

1821 Words
REBECCA'S POV "ATE, ito lang po ba?" Sinadya kong lakasan ang pagtanong sa customer na naghihintay sa akin para iparamdam kina Uncle Sam at Beverly ang presensiya ko. Mukhang busy kasi silang dalawa kaya parang hangin lang ako na dumaan sa kanilang harapan. Ni hindi sila natinag nang nabitiwan ko kunwari ang distilled water. Mabilis namang pinaalis ni Uncle Sam ang kinakapatid niya mula sa pagkakandong sa kaniya. "Ano ba 'yan, Beverly? Ang laki-laki mo na pero takot ka pa rin sa ipis. Hindi ka na bata tulad noong dati para magpakarga o magpakandong sa'kin kapag natatakot ka. Ang sagwa na kayang tingnan." Sinasabi ba ng tiyuhin ko na kaya niya kinandong si Beverly ay dahil sinadya nitong magpakandong sa kaniya? Sa tingin ko talaga, may hidden agenda sa pagdalaw ang babaeng iyon, eh! Mukhang mas nakakatakot pa siyang maging kabit kaysa sa'kin. "Eh, katakot at kadiri naman talaga ang mga cockroach, Kuya," maarteng depensa ni Beverly. "Ikaw, ha? Bakit ayaw mo akong kandungin kanina? Muntik na tuloy akong mahulog." "Malaki ka na kasi, dalaga na. Hindi na tulad noong dati na bata ka pa. Hindi na magandang tingnan kapag kinarga o kinandong pa kita. Baka isipin pa nina Ninang at Ninong na pinagsamantalahan kita," paliwanag naman ni Uncle. "Alam mo naman kung paano magalit ang mga iyon. At saka ayokong masira ang friendship ng parents natin dahil sa kagagawan ko." "Hindi, ah! Botong-boto nga sila sa'yo, eh. Kung hindi ka raw nag-asawa agad, okay lang daw na tayo ang nagkatuluyan kahit kinakapatid kita. Kaya lang, bata pa ako noong nagpakasal kayo ni Ate Suzette, eh." "Bata ka pa talaga no'n. Seventeen ka pa lang yata no'n." Ngumisi si Beverly. "Pero ngayon, dalaga na ako, Kuya Sam. Nasa tamang edad na. At willing maging kabit mo at magbigay ng anak na ayaw ibigay ni Ate Suzette sa'yo," aniya sabay halakhak. Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong mga de-lata na nire-refill ko sa estante nang marinig ko ang sinabing iyon ng kinakapatid ni Uncle Sam. Sobrang kapal talaga ng mukha! Gusto pa niya akong agawan ng papel sa busy ni Uncle Sam. At sure ako na hindi iyon biro. Idinaan lang niya sa tawa. "Beverly! Sabi ko naman sa'yo na tigilan mo na pagbibiro nang ganiyan. Nakakahiya kay Rebecca, naririnig niya. Nakalimutan mo na ba na pamangkin siya ni Suzette?" Sinulyapan ako ni Beverly. "Hindi ka naman magsusumbong sa tiyahin mo, 'di ba? Ayaw mo naman siguro na mag-away sila." Natigilan ako bago napailing. "H-hndi naman po ako tsismosa. "Good. Dahil ayaw ko sa mga tsismosa." "At ayaw ko rin naman sa mga malalandi," mahinang sagot ko kaya hindi niya narinig masiyado. Kumunot ang noo ni Beverly. "Ano ang sabi mo, Rebecca?" "Wala po!" Mabilis akong umiling habang may pekeng ngiti sa aking mga labi. "Ang sabi ko, maganda ka at s*xy." Palihim kong inirapan si Uncle Sam bago ako tumalikod para pagbilhan ang bagong dating na customer. REBECCA'S POV KUNG puwede lang talaga ako umalis muna sa tindahan para lang hindi ko na marinig ang panghaharot ni Beverly kay Uncle Sam. Sopistikada pa man din pero ibang level ang kalandian. Panay ang hilig sa balikat ng tiyuhin ko, hawak sa kamay, tampal sa hita... Meron pa na nahuli ko siyang hinalikan niya sa pisngi si Uncle Sam. Base rin sa mga sinasabi ni Beverly, mal*bog din siya. At 'yong tiyuhin kong walang hiya, mukha enjoy na enjoy pa. Panay lang ang tawa niya sa mga sinasabi ng kinakapatid niya. Inaakala pa rin niya na biro lang kahit obvious naman na nagpaparamdam. Wala talaga siyang pake sa nararamdaman ko. Hindi man lang ba niya inisip na baka magselos ako at mabigyan ko ng ibang meaning ang closeness nilang dalawa? Ganito ba talaga siya ka-manhid? O nakalimutan na niya ako dahil sa kalibug*n ng kinakapatid niya? Sigurado ako na tinitigas*n na ang gurang na tiyuhin ko! "Isa din 'yon sa reason kung bakit ko hiniwalayan ang boyfriend kong 'yon, Kuya. Maliit na nga ang t*t* niya, hindi pa marunong dumila. Ang boring ka-bonding sa kama. Kaya since then, nawalan na ako ng gana na makipag-s*x sa mga lalaki. Bumili na lang ako ng vibrator for myself. Hindi bale na matigang ako nang ilang taon kaysa ang makipag-s*x sa mga boring na lalaki. Pero siyempre, kung ikaw 'yon, go na go ako, Kuya. Kasi alam ko kung gaano ka ka-galing sa kama. Naikuwento sa'kin dati ng ex mo." "Ang kulit mo pa rin talaga hanggang ngayon, Beverly." Tinawanan lang niya ang mga sinabi ng kinakapatid niya. Samantalang ako, kinikilabutan sa pagiging mal*bog ng babaeng iyon. Hindi na nahiya! Okay sana kung lover o boyfriend niya ang kausap. "Ang hilig mo pa ring magbiro. Pero tama ka. Hindi nga ako boring pagdating sa kama. Hangga't kaya ko, ginagawa ko ang lahat para paligayahin ang babaeng nakaka-s*x ko. "Gusto ko, sobra pa sa langit ang maramdaman niya sa piling ko. Mula noon hanggang ngayon na medyo ume-edad na ako." Pasimpleng sumulyap sa akin si Uncle Sam pero inirapan ko lang siya. "Ay, ang sarap naman no'n, Kuya Sam! Sayang at si Ate Suzette lang ang nakikinabang na ayaw namang magpabuntis sa'yo. Kung ako iyon, bibigyan pa kita ng sampung anak." "Baliw ka talaga! Parang bata ka pa rin kung magsalita. Akala mo, parang laro-laro lang ang relasyon. Kaya siguro hindi ka tumatagal sa mga naging nobyo mo." "Bahala ka kung ano man ang isipin mo, Kuya Sam. Basta kung sakali mang maisipan mong humanap ng kabit na gusto mong buntisin, nandito lang ako. Hindi ko hihilingin na hiwalayan mo ang asawa mo. Cool ako kahit may kahati ako sa puso at katawan mo," sabi pa ni Beverly at tumawa uli nang malakas. Napakamot na lang sa ulo niya si Uncle Sam. "Tumigil ka na nga. Kinikilabutan na ako sa mga sinasabi mo, Beverly. Hindi ko talaga kayang isipin ang bagay na iyon sa'yo. Hanggang ngayon, kapatid lang talaga ang tingin ko sa'yo. Katulad nga ng sinabi ko kanina, kung may iba man akong bubuntisin maliban sa Ate Suzette mo, hindi ikaw 'yon. Maraming babae diyan sa paligid. Hindi ko papatusin ang parang nakababatang kapatid ko na." "Ewan ko sa'yo, Kuya! Akala mo talaga, nagbibiro na lang ako palagi." Padaskol na tumayo si Beverly. "Kung ayaw mo sa'kin, maghahanap na lang ako ng ibang bubuntis sa'kin!" Pagkasabi niyon ay lumabas na ng tindahan si Beverly. Bigla namang nataranta si Uncle Sam. Tumingin siya sa'kin at hinabol din niya ng tingin si Beverly. Ramdam ko na gusto niyang habulin ang kinakapatid niya pero inaalala niya ako. Parang ang dami niyang gustong sabihin sa'kin. "Rebecca, bebelabs..." "Sige na po. Habulin n'yo na po ang kinakapatid n'yo bago pa mabuntis ng mga tambay diyan sa kanto. Mukhang kating-kati na, eh." Pairap akong tumalikod. Ramdam ko na balak sana ng aking tiyuhin na kausapin pa ako pero hindi na tumigil sa pagdagsa ang mga customer kaya napilitan siyang sundan na lang si Beverly. Sige lang. Piliin mo muna ang babaeng iyon! Tingnan lang natin kung hindi ka mabaliw kapag isang linggo kitang hindi pinakain ng tahong at pinahigop ng sabaw ko. REBECCA'S POV SIMULA nang umalis sina Uncle Sam at Beverly, hindi na siya nakabalik hanggang closing. Tumawag na nga lang kay Ate Osang na kami na lang daw ang magsara ng tindahan. Inagahan ko nga sa pagsara. Bahala siya kung kaunti pa lang ang benta niya. Isa pa sa ikinasira ng mood ko ay kung bakit si Ate Osang pa ang tinawagan niya. Bakit hindi ako? Dahil ba iniisip niya na iistorbohin ko sila ng Beverly na iyon kung nasaan man sila o kung ano man ang ginagawa nila? Pero saan nga ba pumunta ang dalawang iyon? At ano ang ginawa nila sa ilang oras na magkasama sila? Niloko na rin kaya ako ni Uncle Sam katulad ng panloloko namin kay Auntie Suzette? Ito na ba agad ang karma ko? Halos wala ako sa sarili nang dumating ako sa bahay. Gigil na gigil talaga ang loob ko sa dalawang iyon, lalo na kay Uncle Sam. Lalo na nang dumating ako na wala pa rin siya sa bahay. Imposibleng hindi siya bumigay sa kalandian ng babaeng iyon. Eh, mahilig din siya. Yari talaga siya sa'kin kapag nagkita uli kami! Wala na siyang mapapala sa akin sa oras na malaman kong niloloko niya ako. Kahit mahal ko siya, iiwanan ko talaga siyang gag* siya! "Rodrigo?" Nagulat ako nang pagpasok ko sa sala ay nakita ko ang delivery boy ni Uncle Sam na palabas na ng bahay. Nagmamadali pa. "Ano ang ginagawa mo rito? 'Di ba hindi ka pumasok kasi day off mo?" Halatang nagulat din siya nang makita niya ako. "R-Rebecca... bakit nandito ka?" "Natural, dito ako nakatira. Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko niyan, eh." "Ah..." Napahawak siya sa batok. "Ang ibig kong sabihin, bakit ang aga mong nakauwi. 'Di ba mamayang alas onse pa ang closing?" "May pinuntahan si Uncle Sam kaya maaga kaming nagsara ni Ate Osang." Hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng aking noo. "Eh, ano nga ang ginagawa mo rito?" "Pinapunta ko siya. May pinagawa ako sa kaniya sa lababo." Si Auntie Suzette ang sumagot na lumabas mula sa silid nila ni Uncle Sam. "Bakit? May problema ba, Rebecca?" nakataas ang kilay na lumapit sa amin ang tiyahin ko. Naalala ko na matagal na nga palang barado ang lababo at may tulo ang mga tubo. At sa pagkakaalam ko, suma-sideline naman bilang isang tubero si Rodrigo. Umiling ako. "Wala naman po, Auntie. Nagtaka lang ako bakit siya nandito." "Eh, ikaw? Bakit nandito ka na agad? Nasaan ang magaling mong tiyuhin?" mataray na sita sa akin ni Auntie Suzette. "Bakit wala pa siya rito? Don't tell me na busy-busy-han na naman siya sa negosyo niyang hindi makabuhay ng pamilya." Hindi na ako nakasagot dahil sa wakas, dumating na rin si Uncle Sam. At hindi siya nag-iisa. "Hi, Ate Suzette! Good evening! Sorry kung ginabi kami ni Kuya Sam, ha? Nagpasama ako sa kaniya na mag-shopping, eh. At dahil may magandang palabas kaya nanood na rin kami ng sine," maarteng saad ni Beverly at pakembot-kembot pang lumapit kay Auntie Suzette at saka nagbeso. Ako naman, parang sasabog ang dibdib ko sa nalamang magkasama palang namasyal at nanood ng sine sina Beverly at Uncle Sam. Daig ko pa ang asawa na parang mamamatay sa selos. Samantalang ang tiyahin ko, giliw na giliw pa kay Beverly at tuwang-tuwa pa sa mga pasalubong nito na pulos mamahaling gamit. Hindi ko na kinaya. Parang sasabog na ang mga luha ko. Hindi ko kayang isipin kung ano ang ginawa nilang dalawa habang magkasama sa madilim at malamig na lugar na iyon. Paano kung mahalay na palabas din ang pinanood nila katulad ng pinanood namin noon ni Uncle Sam? Subukan niya lang at tatagain ko talaga ang talong niya! Nang tumingin sa akin si Uncle Sam, tiningnan ko siya nang masama bago ako nagmamadali na bumalik sa silid ko.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD