CHAPTER 19—BAGONG BABAE

1734 Words
REBECCA'S POV "ANO po 'yon?" magalang na tanong ko sa babae na bumungad sa bintana ng tindahan ni Uncle Sam. Akala ko customer siya. Maputi, sexy, at matangkad ang babae. Parang pang-artista ang ganda niya. Ang kinis-kinis. Mukhang may kaya rin siya sa buhay base na rin sa hitsura at pananamit niya. Kulay-pulang dress na hapit sa katawan at may malalim na cleavage ang suot niya. Litaw na litaw ang makikinis at mayayamang dibdib niya. At sa tingin ko, ka-edad ko lang siya. Hindi agad sumagot ang babae nang tanungin ko siya. Sa halip, tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Sanay na ako sa mga ganitong uri ng customer kaya hindi ko na lang pinansin. "Ano po ang bibilhin n'yo, ma'am?" magalang pa rin na tanong ko uli sa kaniya. "Nandiyan ba si Kuya Sam?" sa wakas ay tanong din niya sa akin. Pati ang pananalita niya ay maarte din. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Bakit kaya 'Kuya' ang tawag niya kay Uncle? Sa pagkakaalam ko, lalaki ang nag-iisang kapatid ng tiyuhin ko. At nasa ibang bansa iyon kasama ang kanilang mga magulang. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng panliliit nang malaman kong kakilala pala ni Uncle Sam itong artistahing babae na kaharap ko ngayon. "Sino po sila?" usisa ko uli. Ngunit bago pa man makasagot ang babae, pumasok na si Uncle Sam at nakita na siya nito. "Oh, my God! Kuya Sam!" malakas na tili ng babae. Kitang-kita ko ang tuwa sa kaniyang mukha nang makita niya ang tiyuhin ko. "Beverly?" gulat din na bulalas ni Uncle Sam. Pero mababakas din ang saya nang makilala nito ang nasa labas. "Beverly, ikaw nga! Bakit nandiyan ka sa labas? Halika, pasok ka." Nagmamadali pa nga na binuksan niya ang pinto na tanging kaming mga bantay lang ang puwedeng dumaan. Kahit ang ibang tauhan ay hindi puwedeng dumaan sa pinto na iyon. Pero kung papasukin niya ang magandang babae, para bang kilalang-kilala ito ni Uncle at pinagkakatiwalaan nang husto. Baka kamag-anak niya? Puwedeng pinsan. "Kailan ka pa dumating dito sa Maynila?" "Kadarating ko lang ngayon, Kuya. Pupunta sana ako sa bahay nila Ate pero nasa Singapore pala sila at next week pa ang uwi nilang mag-asawa. Kaysa naman babalik agad ako ng Bacolod kaya naisipan kong dumaan na rin dito sa inyo. Ang tagal na rin nating hindi nagkita, eh. Dumaan ako sa bahay n'yo pero walang tao. 'Buti natatandaan ko pa itong tindahan mo. Hindi ko na rin makontak ang dating number mo, eh." "Naku, pasensiya ka na, Beverly. Nagpalit na nga pala ako ng number. Ang dami kasing text scammer sa dating number ko kaya sinira ko na ang sim card." "Okay lang 'yon, Kuya. Importante, nagkita na uli tayo. I miss you so much, Kuya. Simula nang mag-asawa ka, bihira ka nang magpakita o kahit tumawag man lang sa'kin. Nakakatampo ka na. Hindi mo na nga ako in-invite sa wedding mo, eh." Napasimangot ako nang humawak sa braso ni Uncle Sam si Beverly at humilig pa sa balikat. Sino ba siya para gawin ang bagay na ginagawa ko rin sa tiyuhin ko? Magkamag-anak nga ba talaga sila? Kung magsalita kasi si Beverly, parang close na close talaga sila. "Pasensiya ka na, Beverly. Masiyadong busy lang talaga ang Kuya mo sa munting negosyo niya." "Bago na pala ang tindera mo, Kuya." Napatingin sa akin si Beverly. "Sa pagkakatanda ko kasi, matanda ang dating tindera mo dito." Nakangiting tumango si Uncle Sam. "Oo bago na nga. Pamangkin siya ng Ate Suzette mo mula Davao. Sa amin din siya nakatira. Pumupunta lang siya rito para tulungan ako." "Kaya pala neneng-nene. Ilang taon na siya? Fifteen?" ani Beverly at tiningnan niya uli ako mula ulo hanggang paa. Kung hindi lang talaga ako nasanay sa panlalait ng mga kamag-anak ko, napikon na ako kay Beverly. Fifteen years old daw? Eh, matangkad lang naman siya nang kaunti sa akin. At saka kung maka-nene, ha? Ano kaya kapag nalaman mo na ang nene na ito ang kinababaliwan ng Kuya Sam mo? "Twenty-years old na rin 'yang si Rebecca. Magka-edad lang kayo niyan. Mukha lang nene dahil inosente at sariwang-sariwa." Dahil nakaharap sa akin si Beverly kaya nagawang tumingin sa akin si Uncle Sam, na may pakagat-labi habang naglalakbay ang kaniyang mga mata sa legs kong litaw na litaw sa maiksing shorts na suot ko. "Ah, Rebecca. Siya nga pala si Beverly. Kinakapatid ko siya, galing pang Bacolod." "Hi, Rebecca. Nice meeting you." Naunang maglahad ng kamay si Beverly na tinanggap ko naman. "Nice meeting din po," magalang pa rin na wika ko. "Sige po, magtitinda muna ako," paalam ko sa kanila nang may dumating na customer. Nagtititinda ako pero malayo ang isip ko. Hindi ko kasi mapigilan na hindi mag-isip nang malaman ko na kinakapatid lang pala ni Uncle Sam si Beverly. Pero ang closeness nila, daig pa ang magkamag-anak. Nakita ko pa nga na pinisil ni Uncle Sam ang pisngi ng kinakapatid niya, bagay na ginagawa rin niya sa akin. Ang saya pa nila habang nag-uusap. Naririnig ko rin ang mga tawa ng tiyuhin ko na sa akin lang niya nagagawa. Hindi kaya may something din silang dalawa? Kung hindi man ngayon, baka noon? Alam ko na normal nang parang magkapatid na magturingan ang mga magkaka-kinakapatid lang. Lalo na kung sabay na lumaki. May kinakapatid din kasi ako noong bata ako na parang Kuya ko na rin pero nasa ibang bansa na ngayon. Pero iba kasi si Uncle Sam, eh. Kung ako nga na itinuturing din niya noon na parang tunay na pamangkin, pinagnasaan pa niya. Si Beverly pa kaya na ubod ng bango at ganda? "Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?" narinig ko na tanong ni Uncle Sam sa kinakapatid niya. Magkatabi silang nakaupo sa likuran ko habang nagtititinda ako dahil sunod-sunod ang mga customer. "Matagal na kaming wala, Kuya Sam. Two months lang kami. Hindi ko kasi talaga mahanap sa kaniya ang gusto ko sa isang lalaki. Iyong kagaya mo na mabait, sweet, responsible... Basta. Halos lahat yata ng positive traits, na sa'yo na, eh. Kaya sobrang lucky talaga ni Ate Suzette sa'yo." "Huwag mo kasing i-kumpara sa akin ang mga nagiging boyfriend mo," natatawang sagot ni Uncle. Dahil mapa-lalaki o babae man, may kaniya-kaniyang katangian." "Ah, basta. Ikaw talaga ang ideal man ko, Kuya Sam. Sayang nga lang at hindi tayo puwede." "Hindi talaga puwede dahil parang younger sister na kita!" mabilis na sagot ng tiyuhin ko, sabay tawa nang malakas. "Eh, kayo ni Ate Suzette? Bakit wala pa rin kayong anak hanggang ngayon? Three years na kayo, 'di ba?" "Alam mo naman kung bakit. Ayaw niyang masira ang career at body figure niya kaya ayaw pa niyang mag-anak kami." "Kaloka talaga ang asawa mong 'yon! Kung ayaw niya, eh 'di ako na lang ang magbibigay ng anak sa'yo!" Nagulat ako sa sinabing iyon ng kinakapatid ni Uncle Sam kaya napalingon ako sa kanila. Tumingin naman sa akin ang tiyuhin ko bago siya sumagot. "Beverly! Baliw ka talaga. Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan. Mapapalo ka nina Ninong at Ninang kapag narinig ka. Siguradong pati ako, pagagalitan din nila." Nanulis naman ang nguso ni Beverly. "Bakit kasi naging kinakapatid pa kita, eh? Ikaw na sana ang perfect guy para sa'kin." "Kahit hindi kita kinakapatid, hindi pa rin puwede. Dahil—" "Fifteen years younger ako sa'yo?" dugtong naman agad ni Beverly. "Hindi ka ba aware na uso na ngayon ang gano'n? Kilala mo ba ang sikat na celebrity couple na halos kabi-break lang? Sina Mariz Racal at Rico Blanco. Twenty-four years ang age gap nila dahil twenty-seven lang si Mariz while fifty-one na si Rico. Aside from them, marami pa ang katulad nila na nagkatuluyan pa nga talaga..." "Hindi naman talaga problema ang age gap pagdating sa pag-ibig. May kakilala nga rin ako na fifteen years din ang age gap nila at parang mag-tito na nga pero mag-boyfriend." Kung hindi ko pa narinig ang sinabing iyon ni Uncle Sam, magtatampo na talaga ako sa kaniya. Para kasing enjoy na enjoy pa siya sa mga sinasabi ni Beverly kahit lantarang inaamin ng babae na may gusto ito sa kaniya. Tapos hinahayaan lang niya na marinig ko bilang girlfriend niya. Pasalamat na lang talaga ako na mahaba ang pasensiya ko at nasanay na ako sa mga kamag-anak ko sa ganitong eksena. "At isa pa 'yon, Kuya Sam. Uso na rin ang forbidden romance ngayon. Kaya huwag mo nang isipin na mag- kinakapatid tayo. Anakan mo na ako para matupad na ang pangarap mo na magkaanak, kung ayaw ka namang bigyan ng asawa mo," sabi ni Beverly sabay tawa nang malakas. Kahit biro lang iyon, napakuyom pa rin ako. Sino ba namang matinong babae ang magbibiro nang ganoon sa isang lalaki na hindi naman niya nobyo o lover? Kahit gaano pa sila ka-close. Puwera na lang kung tama ang hinala ko na may lihim na gusto at pagnanasa rin kay Uncle Sam ang kinakapatid niya. "Baliw ka talaga, Beverly. Kung may bubuntisin man akong iba maliban sa Ate Suzette mo, hindi ikaw 'yon dahil hindi ko 'yon magagawa sa itinuturing ko ng kapatid." Nagkatitigan uli kami ni Uncle Sam nang dumaan ako sa harapan nila para kumuha ng paninda. Pero inirapan ko lang ang tiyuhin ko. Naiinis na ako sa itinatakbo ng usapan nila. O tamang sabihin na nagseselos. At sinong hindi? Kung naririnig mo lang na may babaeng gustong magpabuntis sa nobyo mo. Nakakainis talaga! Kung bakit kasi ganito ang sitwasyon namin. Eh 'di sana, maipapamukha ko sa Beverly na iyon na wala na siyang pag-asa sa Kuya Sam niya dahil baliw na baliw na iyon sa alindog ko. "Ate, padagdag pa nga po ng isa pa," anang suki namin na bumili ng malaking distilled water. "Sige po. Pakihintay lang at kukuha ko lang po ako sa bodega." Saka ako nagmamadali na lumabas ng tindahan para hindi maghintay nang matagal ang customer. At para hindi ko na rin marinig ang panglalandi ni Beverly sa boyfriend ko at ang parang enjoy na enjoy namang pakikipag-usap ni Uncle Sam. Baka hindi na ako makapagpigil pa Lagot talaga siya sa akin mamaya kapag umalis ang babaeng 'yon! Puwede naman niyang ibahin ang usapan pero ipinaparinig pa talaga niya sa akin. At 'yong Beverly na 'yon, ano kaya kung sabunutan ko para matauhan? Pero lalo lang sumama ang aking loob nang pagbalik ko, naabutan ko sila na nakakandong na si Beverly sa nobyo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD