CHAPTER 8—'SAMA NG LOOB'

1312 Words
REBECCA'S POV GABI na nang makauwi kami ni Uncle Sam. Namili ako ng mga bagong damit pero siya ang nagbayad. Hindi siya pumayag kahit anong pilit ko. Siya rin ang personal na namili ng lahat ng ito. Nahiya pa nga ako dahil pati ang maninipis na pantulog ko ay si Uncle din ang namili. "Nag-enjoy ka ba, Rebecca?" tanong sa akin ni Uncle Sam nang makababa kami ng kotse niya. "Opo, Uncle. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakapasok ng mall. Kaya sobrang saya ko sa pamamasyal natin kanina." Napakagat-labi ako. "Nakakahiya lang po kasi ipinag-shopping n'yo pa ako kahit may pera naman akong dala. Ibawas n'yo na lang po sa sunod na sasahurin ko." "Huwag mo nang isipin 'yon. Bigay ko 'yon sa'yo kasi magiging akin ka rin naman." "Ho?" "Biro lang, hija." Ngumisi siya. "Ang ibig kong sabihin, hindi ka na iba sa'kin kasi parang pamangkin na rin ang turing ko sa'yo." Kung dati, nakakahinga ako nang maluwag kapag sinasabi o nililinaw sa akin ng tiyuhin ko ang tunay naming relasyon o estado. Pero ngayon, sa tuwing idinidiin niya na mag-tiyo lang kami, parang nadidismaya na ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit. Ang alam ko lang, kung ano man itong nararamdaman ko para kay Uncle, kailangan kong ilihim. Hindi puwedeng malaman niya, bukod sa nakakahiya, siguradong lalayuan na niya ako. At lalong hindi malaman ni Auntie Suzette dahil baka mapatay na ako no'n. Hindi ko rin naman gustong makasira ng pagsasama. "Kayo rin po, Uncle. Parang pangalawang Tatay na rin ang turing ko sa inyo." Biglang nasamid sa laway niya si Uncle. "Tatay talaga, Rebecca? Gano'n na ba kalaki ang tanda ko sa'yo." "Fifteen years po, Uncle. Halos doble na po ng edad ko," natatawang sagot ko. Baka hindi lang niya matanggap na may edad na siya kumpara sa'kin kaya parang dismayado rin siya. "Pero huwag ho kayong mag-aalala. Dahil kahit thirty-five na kayo, mukha pa rin naman po kayong nasa twenties lang kaya parang magka-edad lang tayo." "Bumabawi agad ang pamangkin ko, ah." Ang ganda na uli ng ngiti niya. Ako itong kinikilig pero tingin ko, kinikilig din si Uncle. "Kaya siguro tayo napagkamalan na mag-nobyo ng mga saleslady sa mall kanina, 'no?" "Kaya nga po. Nakakahiya tuloy sa inyo, Uncle," nahihiyang sambit ko. Hinawakan ng aking tiyuhin ang braso ko. Para akong napaso at bumilis ang t***k ng puso ko. Gayon man, hindi ako lumayo sa kaniya. Hindi ko kayang lumayo kay Uncle. Siya ang klase ng apoy na hindi ko kayang layuan dahil nakakabaliw sa sarap ang init na hatid niya. "Eh, kumusta naman ang unang experience mo sa sinehan kanina, Rebecca? Nagustuhan mo naman ba?" Awtomatikong namula ang aking buong mukha nang maalala ko ang mga naganap sa sinehan kanina. Mula sa malaswang panaginip ko hanggang sa milagrong ginawa ko sa ladies' room. Unang beses ko iyong ginawa sa sarili ko at hindi ko akalain na may kakayahan din pala ako na paligayahin ang sarili ko. Na magugustuhan ko iyon. "O-okay naman po, Uncle. Sobrang saya ko rin po. At tama ho kayo. Malamig pala talaga sa loob ng sinehan. 'Buti na lang at ipinahiram n'yo sa'kin itong jacket n'yo." Ngumisi siya. "Kaya pala ang tagal mo sa CR kanina. Nilamig ka pala." Napalunok ako. Para kasing may ibang ibig sabihin ang tiyuhin ko, eh. "Eh, kayo po? Bakit ang tagal n'yo ring lumabas?" Kailangan kong ibalik sa kaniya ang tanong na iyon upang patayin ang kabang nadarama ko. "Naglabas lang ako ng sama ng loob," aniya kasabay ng pilyong ngiti. "Masakit sa puson kapag hindi ko pinakawalan." "Puson? Baka po puso?" Inosenteng tumingin ako kay Uncle bago naaawang lumabi. "Sana ho sa'kin na lang kayo naglabas ng sama ng loob n'yo, Uncle. Para na-comfort ko ho kayo. Kawawa naman kayo at sa CR pa kayo nagkalat. Baka may nakarinig pa sa iyak n'yo." Tumawa siya at pinisil niya ang aking braso na para bang nanggigil siya sa'kin. "Huwag kang mag-aalala, hija. Darating din tayo sa araw na sa'yo ko ilalabas ang sama ng loob ko. Kailangan muna kitang ihanda para hindi ka mabigla. Sa ngayon, masaya na ako na nakakasama kita nang ganito. At nandito ka sa tabi ko." Na-touch ako nang bigla na lamang niya akong niyakap. Agad kong naramdaman ang init ng katawan niya. Nanuot sa ilong ko ang natural niyang bango na humalo sa paboritong pabango niya. Akala ko, nangangailangan siya ng simpatiya sa akin kaya niyakap ko rin si Uncle. "Masaya rin ho ako na makatulong para gumaan ang pakiramdam n'yo, Uncle. Pangako, hangga't gusto n'yo at hangga't kaya ko, hindi ako aalis sa tabi n'yo." "Maraming salamat, Rebecca," bulong niya. Nakakapaso ang init ng kaniyang hininga. Napapikit na lang ako at hinayaan ko ang aking sarili na maramdaman ang init ng kaniyang katawan kahit alam kong walang ibang kahulugan kay Uncle Sam ang pagyakap sa akin. Inaamin kong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya sa kabila ng alam kong kasalanan iyon. Ngunit sa kabila ng nararamdaman ko para sa kaniya, nagawa ko pa ring kumalas na ipinagpasalamat ko. "P-pasok na ho tayo, Uncle. Umaambon na yata." "Sorry kung napasarap ang yakap ko sa'yo, Rebecca. Gumagaan kasi talaga ang pakiramdam ko kapag ikaw ang kasama ko." Mas masarap sana sa pakiramdam kung alam kong iisa kami ng nararamdaman ng tiyuhin ko. Kung hindi ko lang alam na kailangan lang niya ako ngayon dahil may problema siya. Parang may dumaan na anghel habang papasok kami ni Uncle Sam sa bahay. Ang tahimik namin pareho. Pero napahinto ako nang mapansin ko na parang may mali sa pants niya. "Uncle, wait lang po." Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Bakit, Rebecca?" Hindi ko alam kung anong naisip ko at bigla ko na lang hinawakan ang pantalon ni Uncle Sam na para bang hindi ako nahiya. "Ito po kasing zipper n'yo, nakabukas." Nang masagi ko ang matigas na bagay sa harapan ng pants ni Uncle at napayuko siya, saka lang ako tinablan ng hiya. Agad kong binawi ang aking kamay. "S-sorry po, Uncle. Nagulat lang ho ako," nahihiyang paliwanag ko. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang matigas niyang kahabaan na nasagi ko kanina. Bakit parang ang sarap? Bakit parang gusto kong hawakan ng buong palad ko? "Puwede bang ikaw na ang magsara ng zipper ko, Rebecca? Kasi nasimulan mo na, 'di ba?" Titig na titig sa akin na wika ni Uncle Sam. Para akong matutunaw, hindi sa hiya kundi sa itim na itim niyang mga mata. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na sunod-sunuran na sa tiyuhin ko. Hinawakan ko ang crotch ng pantalon niya at dahan-dahang isinara ang zipper habang nagkakatitigan kaming dalawa. Ingat na ingat ako na masagi kong muli ang pagkal*l*ki niya. Napakabilis ng t***k ng puso ko at nadadarang ako sa lagkit ng mga titig ni Uncle Sam na para bang isa akong masarap na putaheng nakakatakam. Napalunok ako nang masundan ko ng tingin ang pagtaas-baba ng Adam's apple ni Uncle Sam. Para akong nahipnotismo sa mga titig niya. Ang sarap niya talaga... Ang sarap niyang panoorin kapag lumulunok ng laway. "Rebecca..." mahinang tawag ni Uncle Sam sa aking pangalan at saka niya ako hinawakan sa magkabilang braso. Para akong kinilabutan nang haplusin niya ang braso ko. Lalo akong nadadarang. Lalo akong kinabahan dahil sa tingin ko, unti-unting inilalapit ni Uncle Sam ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan ba niya ako? Hindi ko alam kung bakit na-excite ako sa ideyang iyon. Wala pa man ay napapikit na ako. Parang binabayo sa kaba ang dibdib ko habang hinihintay ko na lumapat ang kaniyang mga labi. Pero bago ko pa man maramdaman ang mga labi ni Uncle Sam, sunod-sunod na busina ng sasakyan ang gumulantang sa amin. Sabay kaming napatingin ng tiyuhin ko. Para akong tinakasan ng dugo at awtomatikong napaatras nang makita ko ang kotse ni Auntie Suzette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD