CHAPTER 6—ANG SARAP HIMASIN!

1738 Words
REBECCA'S POV NAGISING ako sa pakiramdam na parang nakadapa ako sa matigas na bagay. Mabilis akong nagmulat para lang magulat nang makita ko ang mukha ni Uncle Sam. Lalo akong nawindang nang mapagtanto kong nakadapa pala ako sa ibabaw niya at nakayapos naman sa akin ang matipunong braso niya. Kaya pala ang tigas! Hindi ko maalala ang mga nangyari kagabi maliban sa nanood kami ng movie at uminom ni Uncle Sam. Nakita ko siya na lasing na kaya naghati na kami sa pang-limang bote para hindi siya lalong malasing. Nalasing din tuloy ako! Nakatulog ba kami dahil sa kalasingan? Pero bakit kami magkayakap? Napalunok ako habang nanlalaki ang aking mga mata na napatitig ako kay Uncle Sam na nakapikit pa rin at humihilik. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko. Gusto kong umalis sa ibabaw niya ngunit nag-alala ako na baka maistorbo ko ang tulog niya. Iyon lang ba talaga, Rebecca? O nagustuhan mo ang puwesto n'yong dalawa? Napakagat-labi ako nang maramdaman ko ang matigas na pagkal*l*ki ni Uncle Sam na tumutusok sa pagkab*b*e ko. Manipis pa naman ang suot ko at naka- underw*ar lang ako kaya damang-dama ko ang ulo. Hindi ko alam kung paano umalis sa ibabaw ng tiyuhin ko na hindi siya nagigising. Ayokong magising siya at makita niya ang posisyon namin. Baka matunaw ako sa hiya. Hindi ako makapag-isip nang tama dahil sa posisyon namin. Parang may nag-uumpisang magliyab na apoy sa kaibuturan ko. Kaagad akong bumangon nang makita ko na dumilat si Uncle Sam. Sa pagmamadali ko na makaalis sa ibabaw niya, pabagsak akong napaupo at tumama ang aking pang-upo sa kahabaan niyang ramdam kong tayong-tayo na. Pakiramdam ko, para akong na-barena nang wala sa oras. "Naku, sorry po, Uncle. Sorry po!" Natataranta na tumayo ako at batid kong pulang-pula na ang aking mukha. Pero ang tiyuhin ko, kalmado lang na bumangon. "Nakatulog pala tayo. Sorry din kung nalasing ako. Hindi ko na rin matandaan ang mga nangyari kagabi." Napakamot ako sa ulo. "Pareho lang naman po tayong nalasing, Uncle. Wala na nga rin po akong matandaan, eh. Sabi ko naman po sa inyo, eh. Hanggang isang bote lang talaga ang kaya ko." Napangisi si Uncle. "Tinulungan mo pa kasi akong ubusin ang natitirang alak." "Ayaw ko naman po na malasing kayo nang todo. At nabuksan na, sayang naman kung itatapon lang." Nginitian niya ako. "Hindi bale. Masarap naman ang tulog natin. Ikaw ba, Rebecca? Hindi ba masakit ang ulo mo?" "Medyo lang po pero mawawala din 'to mamaya. Eh, kayo po ba? Hindi ba masakit ang ulo n'yo, Uncle?" Umiling siya. "Ibang ulo ang sumakit sa'kin. Naupuan mo kasi." Nakita ko na hinimas ni Uncle Sam ang nakaumbok na bagay sa pagitan ng mga hita niya. Uminit ang mukha ko nang maalalang napaupo pala ako doon kanina. "P-pasensiya na po kayo, Uncle. Nagulat lang kasi ako nang malaman long nakadapa pala ako sa ibabaw n'yo." "Binibiro lang kita. Masiyado ka namang seryoso." Tumayo na siya. "Okay lang ba kung ipagtimpla mo ako ng kape? Tatawagan ko lang sandali ang Auntie Suzette mo. Kukumustahin ko lang." "Sige po, Uncle. Ihahatid ko lang muna itong kumot at unan ko sa kuwarto ko." REBECCA'S POV TAPOS na akong magtimpla ng kape pero hindi pa rin lumalabas ng silid si Uncle Sam. Nag-alala ako na baka lumamig ang kape niya kaya naisipan kong ihatid na lang ito sa silid niya. Kumatok ako ng ilang beses pero hindi pa rin bumukas ang pinto. Babalik na lang sana ako sa kusina at hintayin na lang si Uncle Sam. Pero nanghinayang ako sa kape na itatapon lang kapag lumamig na. "Uncle? Nandito na po ang kape n'yo." Pero nang wala pa ring sumagot, binuksan ko na ang pinto na hindi naman pala naka-lock. Tahimik sa loob ng silid nila ni Auntie Suzette nang makapasok ako. Ngunit natigilan ako nang makita ko si Uncle Sam na nagbibihis. Naka-brief lang siya at may hawak siyang T-shirt. Mabilis akong tumalikod. "S-sorry po, Uncle. Ihahatid ko lang sana itong kape n'yo." Ayaw kong maging bastos dahil nakatalikod ako habang nakikipag-usap sa kaniya. Pero hindi ko talaga magawang tumingin sa kaniya at baka kung saan dumako ang mga mata ko. Lalo na at hindi mawala sa isip ko ang magandang hubog ng katawan ni Uncle Sam. Sa wakas, nakita ko rin siya na nakahubad. At tama nga si Tinay. Ang yummy ng uncle ko! "Pakibalik na lang uli sa labas ang kape ko, hija. Sabayan mo na ako sa kusina. Magbibihis lang ako." Dahil sa kaba kaya tumango na lang ako basta. Lumabas na uli ako na bitbit pa rin ang tasa na may kape. Nakabalik na ako lahat-lahat sa kusina pero hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang katawan ni Uncle Sam. Ang lapad ng balikat niya. Namumutok sa abs pati ang tiyan niya. Ang sarap himasin. Nakakagigil! Kailan kaya uli ako makakadapa sa ibabaw ng tiyuhin ko? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Ngayon lang ako natakam sa katawan ng isang lalaki. Para akong gutom na gutom na hindi na makapaghintay na maramdaman kong muli ang katawan ni Uncle Sam. Ayaw kong magkasala kay Auntie Suzette, higit sa lahat sa Diyos. Alam ko naman na kasalanan ang pagnasaan ang asawa ng iba. Pero paano ko nga ba lalabanan ang nararamdaman kong ito sa asawa ng tiyahin ko? "Rebecca." Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Uncle Sam sa likuran ko. Lumakas ang kaba ng dibdib ko. Natatakot na akong humarap sa kaniya at baka mahalata na niya ang pagnanasa ko sa kaniya. "Ito ba ang kape ko?" Nang makita ko siya na umupo sa lamesa ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Nakabihis siya ng pang-alis. "Opo, Uncle." "Salamat." Sinulyapan niya ako at itinuro ang silyang katapat niya. "Halika, sabayan mo ako." Gusto ko siyang iwasan pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakaupo. Hindi pa rin ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Pero ramdam kong titig na titig naman siya sa akin. "Kumusta nga pala ang kuwarto mo? Mukhang nabasa lahat ng mga damit mo, ah." Napansin pala ni Uncle na hindi pa rin ako nagpapalit ng damit. "Aayusin ko na lang ang bubong niyon pagdating ko mamaya. Kailangan kong sundan sa Batangas ang Auntie Suzette mo. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Pati na rin ang boss niya. Nag-aalala na ako." "Pero okay lang po kaya si Auntie?" hindi ko na rin napigilan na mag-alala. "Sana. Gano'n naman kasi 'yon palagi. Ayaw niya ng kinukulit ko kapag nasa trabaho siya. Mas gusto pa niya na mag-alala ako nang ganito." Nakita ko ang matinding lungkot sa mga mata ni Uncle Sam. Hindi ko maiwasang makaramdam na naman ng awa sa kaniya. "Mahal na mahal ko lang naman ang Auntie Suzette mo kaya ako nag-aalala nang ganito. Ang gusto ko lang naman, iparamdam niya rin sa'kin na mahal din niya ako. Pero mas gusto pa niya ako na nalulungkot nang ganito. Nagagawa niya akong iwanan nang ilang araw. Dati, ang lungkot-lungkot ko dito sa bahay kapag ganitong wala siya. 'Buti na lang ngayon, nandito ka." Tumingin sa akin si Uncle Sam. Kinabahan ako nang magtama ang aming mga mata. "P-pasensiya na po. Pero bakit ho hindi kayo mag-anak ni Auntie Suzette? Para naman malibang ho kayo at may kasama kapag wala siya." Dismayadong umiling ang tiyuhin ko. "Ayaw niya akong bigyan ng anak. Hindi pa raw siya handa." Napahinto ako sa paghigop ng kape. Ang lupit talaga ng tiyahin kong iyon. Kawawa pala talaga sa kaniya si Uncle Sam. "Pasensiya ka na, hija. Wala lang talaga akong masabihan ng mga sama ng loob ko sa Auntie Suzette mo." Nginitian ko siya. "Wala hong problema, Uncle. Kayo rin naman ho. Nakikinig din kayo sa mga problema ko. Basta kapag kailangan n'yo ng kausap, nandito lang ako." Kahit yakap pa ang kailangan mo, Uncle. Handa akong ibigay 'yon sa'yo. Nakurot ko na naman ang sarili ko. Napangiti din ang tiyuhin ko. Napakaguwapo niya talaga kapag ngumingiti. "Kapag maaga akong nakabalik mamaya, ipapasyal kita sa mall, Rebecca." "Bakit naman po?" "Kasi ilang buwan ka na dito sa'min pero kahit isang beses, hindi ka pa nakakapasyal." "Okay lang po 'yon. Hindi rin naman ho ako sanay lumabas." "Huwag ka nang tumanggi. Kailangan mo rin mamili ng damit." Sinulyapan niya ang dibdib ko. Naisip ko na baka naiilang na si Uncle Sam na palaging ito ang suot ko kaya pumayag na lang ako. "Sige po, Uncle. Tamang-tama. Gagamitin ko po iyong sahod na ibinigay n'yo sa'kin kagabi." Lumiwanag ang mukha ng tiyuhin ko. "At manonood na rin tayo ng sine, Rebecca. Ang tagal ko ng hindi nakapanood. Ang boring naman kasi kapag walang kasama." Hindi ko rin napigilan na ma-excite. Kahit minsan, hindi pa ako nakakapasok sa sinehan. Isa iyon sa mga pangarap ko mula noong bata pa ako. "Talaga, Uncle? Isasama n'yo ho ako sa sinehan?" "Huwag mo sabihing hindi ka pa nakapanood ng sine?" takang tanong niya. Napakamot ako sa ulo, sabay iling. "Totoo po ba na malamig sa loob ng sinehan?" "Malamig kung wala kang kayakap." Muling dumako ang tingin niya sa dibdib ko. Napalunok ako ng laway dahil sa pagkatataong ito, nakita ko ang pananabik sa mga mata ni Uncle Sam. O baka guni-guni ko lamang iyon? "Ang ibig kong sabihin, malamig kung wala kang jacket tapos ganiyan pa kanipis ang suot mo." "Palabiro ho talaga kayo, Uncle. Akala ko naman, kailangan talaga ng kayakap kapag nanood ng sine. Eh, alam n'yo naman ho na wala akong boyfriend," natatawang saad ko. Tumawa lang din siya. Kaya ang gaan ng loob ko sa kaniya, eh. Kasi alam niya kung paano ako patawanin. At parang kaibigan ko lang siya kung mag-usap kami. "Teka." Tumayo si Uncle Sam at bumalik sa kuwarto nilang mag-asawa. Pagbalik niya, may bitbit na siyang T-shirt niya at ibinigay sa akin. "Isuot mo na muna iyan habang basa pa ang mga damit mo. Hindi puwedeng ganiyan ang hitsura mo habang mag-isa ka lang dito. Baka biglang may dumating. Pasensiya ka na. Naka-lock ang cabinet ng tiyahin mo kaya damit ko na lang." "Maraming salamat po, Uncle." Naiilang man, napilitan na rin akong isuot ang damit niya. Kaysa naman patuloy akong mailang dahil kita ang bra sa pantulog ko. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Uncle Sam habang sinusuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. "Bagay na bagay pala sa'yo ang damit ko, Rebecca," aniya at napakagat-labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD