Atheya "Oh relax ka lang, di pa naman natin alam ang totoo, sinabi ko lang ang observation ko sayo"; pang aalo ni Leslie sa akin ng makita niya na nababahala ako. "Les, what if totoo ang sinabi mo na buntis nga ako? Paano yan, paano ko ipapaliwag sa lahat?" Aaminin ko bigla akong kinabahan kasi sa buhay ko ngayon na magulo pa. "Anong paano yan? Eh sympre may asawa ka naman eh di natural lang na mabuntis ka. Yung iba nga walang asawa nabuntis ikaw pa? Yun nga lang maghihiwalay na kayo, okay lang yan wag kang mag-alala, kaya mo naman buhayin ang anak mo na mag-isa." "Les, di naman yan ang ibig kong sabihin, sympre gusto ko ito, matagal ko na itong hinihintay diba, pero paano kung di ito kay George? What if si Reagan ang ama, mas lalong magkagulo, kawawa naman ang anak walang ama na kilal