"How's the flight? hindi naman kayo nahirapan ng kuya mo?" tanong ni Evelyn kay Evangeline na naka-kapit sa kaniya at masayang masaya na makita siya. "Ayos lang naman mo, Mommy. Oh my! I miss you, Mommy! I'm really happy na bumalik kami ni Kuya rito ng wala namang okasyon." sagot ni Evangeline sa kaniyang ina. Masayahing bata at talagang malapit si Evangeline sa kaniyang ina, sa dalawan anak ni Evelyn ay ito lang ang kasundong-kasundo nila ni Raul. Napaka-sweet talaga nito kaya paborito nilang dalawa. Kasalukuyan na nag-aaral si Evangeline sa Maynila dahil pangarap nito na makapag-aral ng kursong medicina sa United States. Pag natapos niya ang kaniyang aralin sa manila ay agad itong pupunta sa America upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. "Yes, anak. Me too. Masayang-masaya ako na mak