Chapter 41

2105 Words

"Mahihirapan man tayo na i-target ulit si Pablo Ruiz, ngunit magkakaroon naman tayo ng oras na kumilos sa Hacienda upang mailipat na ang dapat ilipat." sambit ni Pablo Ruiz bago tinungga ang alak na nasa kaniyang baso. "Tanginang matandang iyan, napaka-kunat talaga. Imbis na mapasama eh mas lalo pang sumigla at ang gago, may bagong kasintahan." natawa pa na kwento nito sa mga kasama na nasa mesa, naroon si Alvarado at Santi na kainuman niya. "Gusto mo ba na tirahin ko ulit?" tanong ni Alvarado. "Damay na natin yung syota, baka maging hadlang pa iyon." Natahimik si Santi lalo pa at siya lang ang may alam sa kanila kung sino ang kasintahan ni Pablo Ruiz. "Delikado, lalo na ngayon na maraming nagbabantay. Mas okay siguro na ipagpaliban muna natin ang plano na pagtatangka sa buhay ni Don Ru

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD