Napatingin si Ruby sa kaniyang Tita na ngayon ay may hawak na mic at kumakanta, matapos ang kanilang movie marathon ay naisipan nila na mag-videoke. Hindi makapag-focus si Ruby sa kanilang kasiyahan dahil hindi maalis sa kaniyang isipan ang usapan nila ni Santi. Ganoon pa man ay mas lalong hindi maalis sa kaniyang isipan ang mga nalaman niya tungkol sa kaniyang Tiya, kaya naman ay naging buo ang kaniyang isipan na tulungan ito at mas lalong gumanti sa kaniyang ama. Na ibangon din ang pangalan niya bilang Montemayor kahit na ilang taon din niyang isinumpa ang pangalan na iyon. Bumalik sa kaniyang isipan ang paguusap nila kanina ni Fin, naalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya. Agad niyang kinuha sa mesa ang kaniyang telepono nang makita na si Fin ang tumatawag. Sinagot niya iyon pagka