"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw nila nang makalabas sa simbahan si Ruby at Pablo Ruiz. Nagsaboy sila ng bulaklak at bigas sa labas hanggang sa isang halik muli ang kanilang iginawad sa isa't-isa kaya muling nagpalakpakan ang lahat. Matapos n'on ay lumapit sa kaniya ang kaniyang Tiya Corazon para batiin rin sila ni Pablo Ruiz. "Congratulations sa inyo." Sambit nito at nakipag-beso sa kanila ni Pablo Ruiz. "Maraming salamat, Corazon. Ikinagagalak namin na makadalo ka." Sabi pa ni Pablo Ruiz sa ginang at hinalikan ang kamay nito. "Ikinagagalak ko na makabalik sa Isla Monteverde matapos ang ilang taon na nasa labas ako. Salamat at pinayagan mo si Ruby na imbitahan ako." Sambit pa ng ginang at muling lumapad ang kanilang ngiti. "Hindi ko pwedeng tanggihan ang hiling ng aking asawa