7

1901 Words
Binitiwan nito ng padaskol ang aking panga saka tumayo. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Mamaya andito na naman yon si Mr. Chao and I expect you to be kind to him and make him feel welcome." Walang ganang sabi nito bago umalis ng tuluyan at iniwan akong parang gumuho ang mundo at walang ginawa kundi ang kaawaan ang sarili sapagkat walang ibang makikisimpatya sa aking nararanasan dahil ako lang mag-isa ang makakapagpakalma ng sakit na nararamdaman ko. No family can comfort me para huminto ako sa pag-iyak. Nakasadlak ako sa sahig feeling the coldness of it. Kung sana 'di ako nagmahal edi sana naging maayos ang lagay ko ngayon kung sana hindi ako umalis sana kasama ko parin sila. Pero ano ba talaga ang pipiliin ko. Kung nandoon ako mabubuhay parin ako sa isang anino ng aking kapatid. They will continue to love her. Nang hindi man lang inaalala na andon ako. Na hinihintay ko din na makita rin nila ako na maipagmamalaki rin nila ako. Ngunit hindi ako galit kay ate naiinggit lang ako na siya lang ang nagiging masaya habang ako eto miserableng miserable. I grip my legs lagabi nakita ko siya at gaya ng dati ganon pa rin siya mahilig parin manakit. Hindi nito iniisip ang kung anong maidudulot ng bawat masasakit na salitang babanggitan niya. Akala ko sa tagal ng panahon na lumipas ay 'di na niya ako masasaktan ngunit nung araw na tinawag niya akong Xianne ay alam kong siya pa rin. Si ate pa rin ang mahal niya at hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan pa kahit ang tagal na ng panahon na lumipas dapat nakalimutan ko na siya pero noong minsan lang akong pinalabas ni Rico bilang gantimpala dahil malaking pera ang nalikom nito sa isang gabi lamang at kahit may nakabantay saking mga tauhan niya ay sinawalang bahala ko iyon sapagkat para akong ibon na nakawala sa hawla. But my world crumpled down when our eyes met. All the nightmare in the past was brought back to my mind and the name he call me makes me cry. Masakit dahil sa huli bagsak na nga ako ay mas pababagsakin niya pa. "Aphrodite?" Napaangat ang mukha ko nang makarinig ako ng boses na kilalang kilala ko. "Alex." I said with a low voice. Hinang-hina pa nga ako sa mga ginawa ni Rico. Nakita ko ang pagbakas ng gulat at habag sa mga mata ng kaisa isahang taong naging kaibigan ko sa bar isang bar tender na bading si Alex at sa lahat ng mga tauhan ni Rico siya lang ang nakakaya kong lapitan at siya lang din ang nakakaintindi sakin. Ang iba kasi ay walang iba kundi tapunan ako ng galit at puno ng pagnanasang paningin galit para sa mga babae sapagkat iniisip nilang inagaw ko ang atensiyon na dapat ay para sa kanila lamang, samantalang pagnanasa naman para sa mga lalake dahil sa bawat lakad ko ay nakatingin sila naghihintay ng pagkakataon na masunggaban ako. At yon ang ayaw kong mangyari. I fear na baka wala ng matira sa’kin. Tuluyan na akong maituturing na isang maduming babae. Nagpapakababa na ako gabi-gabi at halos ilantad ko na ang katawan ko at ayoko na ang konting natitira sa'kin ay mawala pa. "A-Anong nangyare sa'yo?" 'Di makapaniwalang sambit nito at inabot ang braso ko para alalayan na makaupo sa kama at nang makaupo ako ay agad akong nayakap dito habang hilam sa luha ang aking mga mata. "Siya na naman ba ang may gawa nito sayo Aphrodite? Naku wala na ba siyang pwedeng gawin kundi ang saktan ka. E' kulang na nga lang ay patayin ka niya! Bwesit napakasadista niya! Noon puro pasa at sugat kung abutan kita tapos ngayon eto na naman? Ano na naman ba ang nangyari at nabeast mode na naman ang lalaking 'yon?" Napabuntong-hininga ako saka napatingin ako sa kisame habang akap si Alex. "Hidi ko kasi ito n-asunod." Mahinang pahayag ko. Kung sana hindi na ako nagnais na mailigtas dahil mas nasaktan lang ako sa ginawa kong hakbang. Dagdag pang mas nabuhay lang ang awa ko para sa aking sarili dahil sa mga sinabi ni Eon sa'kin kagabi. Ano ba pwede kong gawin upang 'di na ako maging ganito dahil sa bawat salita ni Eon sakin kagabi ay pabalik-balik sa isip ko a gold digger? Ganito na ba talaga ang kahahantungan ko ang maging bayarang babae? Isang mababang uri na tiyak kapag magkita man kami ulit nina mama ay hindi na ako nito matatanggap. Isa akong dumi na hindi karapatdapat sa pamilyang naging malinis sa mga mata ng tao. "Tama na 'yan bes. Alam mo magpasalamat na lang tayo na 'di tinitigasan ang pangit na gagong 'yon dabil baka hindi bugbog ang makuha mo. Basta sa susunod-sumunod ka nalang sa kaniya dahil ganito ang buhay natin Aphrodite ang maging alipin ng lalaking 'yon pero alam mo kung gusto mo naman ay makakatakas ka." Inilayo ko ang mukha ko sa dibdib nito at napaluha habang tinititigan ang mga mata nito. "No I can't hindi ako makakaalis dito dahil kapag ginawa kong lumabas pati ikaw madadamay sa galit niya pati na rin ang pamilya ko madadamay hindi ko yon kakayanin. 'Di ko kayang makita nila ako bilang isang anak na magdadala sakanila ng kamalasan at kadumihan. S-Saka kabayaran ko na ito kay Rico. Isang taon akong na coma at siya ang nagbayad ng lahat ng gastusin tama siya. Siya ang dahilan kung bakit buhay ako kaya kailangan ko siya bayaran. Pag-aari na niya ako Alex at wala na akong magagawa roon." Napayuko ako dahil sa kahihiyan na dulot ng kinatatayuan ko ngayon very helpless. "Tama na yan aphrodite may surpresa pa naman ako sayo oh. Kaya cheer up!" Napaangat ang ulo ko at nakita kong may hawak itong cellphone na isang android cherry mobile. "Pasensiya na 'yan lang ang nakayanan ko alam mo naman na pinapadalhan ko pa sina mama sa probinsya—" 'Di ko na ito pinatapos at niyakap ko na ito. Masaya ako dahil may cellphone na ako. Kailangan na kailangan ko ito napaiyak ako. I am really happy. "Uy huwag kanang umiyak basta huwag mo lang ipakita kay Rico 'yan dahil sasaktan ka na naman no'n." Hinaplos nito ang likod ko. "S-Salamat Alex salamat." "Shhhh sige na tama na at buksan mo na lang. Andiyan ang pangalawa kong surprise." Tumango-tango ako at binuksan ang phone. Then there I saw the wallpaper it is my family. Ang dati kong pamilya na ngayon ay nangungulila ako sa mga ngiti nila. It's been five years at ngayon ko na lang ulit sila nakita. It was our family picture taken na puno pa kami ng saya. Buong-buo pa kami rito at walang iniinda kundi saya. Pumunta ako sa gallery ng phone and I saw a lot of pictures of them "Kinuha ko 'yan sa google grabe yaman-yaman mo bes buti na lang 'di alam ni Rico ang tungkol sa tunay mong pagkatao baka lalaki ang mga mata nito at sasayaw ito sa saya. Pero bakit hindi mo sila tawagan baka maalis ka nila rito." I caress the face of my mother smiling at the camera. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang mayakap. Parang narinig ko muli ang tawa at mga pangaral nito sa'kin. "Be strong anak. Alam mo ikaw ay prinsesa namin 'di kayo dapat mag-away ng kapatid mo pareho ko kayong mahal I know you are great may talento ka. At alam kong kusa itong lalabas. I love you my little trouble maker princess." Mom I'm sorry gusto kong maging matatag pero 'di ko magawa, gusto kitang makita muli pero 'di kita maabot ma. Wala na akong lakas. Yes you're right I had show my talent pero sa maling paraan. Lugmok na lugmok ako pero 'di na ako makatayo. Hinihintay ko ang kamay mo na iaangat ako mula sa pagkabagsak at ngingiti sa'kin telling me that it's alright. "Iyon ang ayaw ko mangyari Alex pagmalaman ni Rico na galing ako sa mayaman ay gagamitin niya ito bilang alas para mas makapera siya ayaw kong saktan ang pamilya ko. Natatakot ako na gumawa ng maling hakbang." Tumango si Alex at hinaplos ang mahaba kong buhok. I scan again at tiningnan ang sunod na litrato and I smile. My dad is with his emotionless face. Looking at the camera with his business attire. "Naku teh nakakatakot 'yang pudrakels mo. Grabe kung makatingin. Intense pero gwapo." I playfully glare at Alex saka binalik ulit ang tingin ko sa litrato ng ama ko. I wipe my tears na hindi umaawat. "Alam mo itong ama ko mahilig ipakita sa iba na napakaseryoso at strikto pero kapag ang mama ko ang kaharap ay para itong maamong tupa. Si mama kasi sa'min ang nagdidisiplina at ang papa naman namin ang kunsintidor kaya ang nangyayari sabay kaming pinapagalitan ni mama. Sabi pa nga ni mama sa'kin noon si papa ang nagpangalan sa'kin. Pareho raw kasi kami ni papa. Na may birthmark sa batok na moon shape kaya sabi ni mama kay papa siya dapat ang magpangalan sa'kin." I can remember how my dad tease my mother and act sweet infront of us. Kaya nga dahil sa nakikita ko sa kanila roon ko rin nakuhang mangarap na sana makatagpo rin ako ng tulad ni papa 'yung mapagmahal but I failed. "Oo nga, pero infernes galing ng papa mo ang ganda ng name mo Arriane Nice." Napatigil ako ng marinig ko ulit ang pangalan na 'yon. Sa tagal ng panahon I am being called again by that name. Napawi ang ngiti ko at sa aking labi. "But I don't deserve that name. Ang malas-malas ko na bilang Arriane ay naranasan kong masaktan at ngayon bilang Aphrodite ay nasasaktan rin ako. I never felt at peace. Nakita ko siya kagabi Alex. He’s the man that the old Arriane had loved ngunit nangako ako Alex na hindi ako magpapakilala bilang Arriane sa kaniya at aaktong 'di ko siya kilala kapag nagkita kami. Mukhang tadhanan na ang gumawa ng paraan para matupad ang pangako kong 'yun. Ngayon hindi ako dapat umasa na kapag nakita ko ang mga taong parte ng nakaraan ko ay maliligtas na ako. Dahil ang dalawang mundo na ginagalawan ko ay parehong maghahatid sa'kin ng sakit kahit ako si Arriane o si Aphrodite." "Pero paano sila Aphrodite kahit anong gawin mo may masasaktan ka sa ginagawa mo. You are running and hidding." Tiningnan ko ang sunod na litrato and i saw the girl that looks like me smiling. "Hindi nila ako kailangan Alex she's there." My tears flow again. Alam ko naman na mas mabuting ako ang mawala kaysa siya dahil mas malaki ang mawawala sa pamilya ko kapag si ate ang nawala. Kung ako madali lang nila iyon makakalimutan. Lahat ay mahal siya samantalang konti lang naman ang nakakakilala sa'kin. "'Di ko maintindihan sinong siya?" "My twin, siya ang kailangan nila hindi ako kaya I will not show myself okay na akong magdusa. Basta alam kong masaya sila okay na 'yon sakin." I off the phone and walk in front of the mirror then I stare at the woman who gaze at me too. Ito ay hindi ang Arriane I am Aphrodite rito nakukuha ko ang atensiyon na noon 'di ko makuha. Maybe being Aphrodite is not bad. Dapat mahalin ko na ang buhay ko ngayon. No more Arriane it's just me Aphrodite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD