Neon pov
"Andito na tayo salamat naman I can't wait to meet new people!" Masiglang saad ni Erron na sinapak ni Rohws.
"Huwag kang epal alam naman namin na babae lang ang gusto mo na makilala sa mga bagong lugar na tulad nito ipapaalala ko lang sa'yo kambal kong utol. Ako ang pinakagwapo kaya ako ang pag-aagawan dito!" Huminga ako ng malalalim bakit ko ba ito nakasama buti pa sumama na lang ako sa iba naming kateam na nauna na sa hotel kaysa naman sa mga ito na walang ginawa kundi mag-ingay at mag-asaran. Malala pa nito ay rito pa mismo sa grocery store. Bwesit bibili raw kasi sila pero kanina pa kami naglalakad ay wala pa silang nabibili.
"Tsk, Magkamukha kaya tayo pero lamang pa rin ako! Napapasigaw ko lagi ang mga girls sa sarap at kilig. 'Di tulad mo pa gentleman sus tol uso ang bad boy effect ngayon. Bakla na maiituring ang mga tulad mo. Gayahin mo 'ko pinapantasya ng lahat at pinapangarap ng lahat." Puno ng pagmamalaking sabi ni Erron at nagpogi sign pa. Parang bata lang sa magkambal ito ang nagmana kay tito Roque isang heart breaker. Ewan ko kung bakit ang tagal ng karma nito.
"Hindi naman pwedeng laging ganiyan. 'Yung ginagamit mo ang mga babae para sa saya lamang na panandalian. Dapat kapag humanap ka ng babae ay maiisip mo na sa lahat ng babae ay siya na talaga ang napili mong makasama hanggang sa huli at papaligayahin sa abot ng iyong makakaya." Parang wala sa isip kong sambit na kinatahimik ng dalawa nagtaka ako noong una pero nung rumehistro sa isip ko ang mga pinagsasabi ko roon ko lang nalaman na I have mistakenly act like a hopeless romantic man.
"s**t pre anyare sa'yo? Bigla-bigla ka na lang nagsasalita at petmalu ang lupet dahil 'yun pa talagang mga salitang may chansang magpapahimatay sa'min sa gulat. Grabe 'di ko 'yon ineexpect. A man like you na dati parang ginagawang boxer ang mga babae kung magpalit araw-araw ay sasabihin na kailangan naming magseryoso. Woah! 'Di ko 'yon nagawan sundan 'a." Eto na ba ang sinasabi ko ayan sisimulan na ako nilang asarin. Buti pa 'yong nanahimik na lamang ako.
"'Yan ba ang nagagawa ng pagiging tigang pre. Pwede ka namin dalhin mamaya sa malapit na bar rinig ko may sikat na bar dito na ang pangalan ay aprodites kasi raw lahat ng babae raw dito ay ang gaganda parang diyosa. But according to Ice it was a secret bar. Para lang sa mga may kaya ang nakakakita no'n and only people who know the code ang makakapasok. " dagdag ni Rohws ngunit walang gana ko lang itong tiningnan. Yes I am celibate but I will not find a girl for just a release. Nagsisi ako na minsan ko 'yon nagawa ang insultuhin ang pagkakababae ng isang babae. They need to be respect kaya hindi ako magtatangkang itapon ang paniniwala ko sa isang gabi lang.
"Trabaho ang pinunta natin wala ng iba at isa pa Rohws 'di natin alam ang code at kung anong mga nangyayari sa loob ng bar 'di ba sabi mo tago ito? kaya tiyak may mga gawain doon na hindi maganda baka madamay pa tayo." Pangngaral ko rito pero ito ngumuso lang at kinuha ang cellphone nito at my tinype at saka ipinakita sa'kin ang cellphone nito.
Goddeses iyon ang nakasulat kaya napakunot ang noo ko.
"That's the code kung pumunta na tayo rito bakit hindi na natin lubos-lubosin. I want a night of adventure. Sige na Neon." Umiling ako ngunit napatigil ako nang may makita akong isang babeng kilalang-kilala ko. She was with simple clothes. A shirt and a jeans ngunit ang mukha nito siyang-siya.
Xianne....
Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko inasahan na lumingon ito sa kinatatayuan ko with a smile and when she saw me her eyes grew big kasabay ng pagkawala ng ngiti sa labi nito. Those bluish eyes are filled with unnamed emotion umiling ito and there I saw her wipe something in her right cheek at alam kung luha iyon. Pinaluha ko na naman siya the girl I love is crying because of what I have done. Napaatras ito kaya napahakbang ako.
No...
"Pre anong nangyayari para kang nakakita ng multo Hey!" Sabi ni Rohws pero hindi ko na ito mapagtuunan ng pansin because I didn't saw a ghost I saw my love.
The girl I have hurt.
Please..
Don't run.
Nakikiusap ang mga mata ko at nakita ko ang pagbalatay ng pagkalito sa mga mata nito ngunit napaatras pa ito.
"Xianne." I shouted and a hint of realization cross over her eyes, together with pain.
And more tears flow from her eyes. She shook her head vigorously then run.
Tumulo ang luha ko saka hinabol ito I want to say sorry.
I need to.
"Neon teka!" Sigaw nina Rohws at Errron pero sige ako sa pagtakbo ngunit gaya ng paglitaw nito ng hindi inaasahan nawala rin ito na parang isang bula.
Napahilamos ako ng aking mukha. Basang-basa iyon sa luha but it frustrate me how she disappear without giving me a sign where I could find her next.
Where are you my love?
"Xianne! Xianne! Lumabas ka please. Asan kana? Maawa ka sa'kin h-hirap na ako please I m-miss you Xianne please Let me see you." Sigaw ko ngunit walang Xianne ang lumabas at pawang ang mga mapanghusga mga mata lang ang nakikita ko. Tinitingnan nila ako na tila isang baliw na nakawala sa isang mental hospital but I don't care!
"Xianne! Xianne!" Napalinga-linga ako sa paligid baka andito lang siya. Baka nagtatago lang siya. I know she'll come out and confront me again for hurting her sister kaya 'di ako titigil tatanggapin ko ang mga sampal niya basta patawarin niya lang ako.
"Xianne!" Tears never stop from flowing I am really hurt.
Ayokong isipin na tuluyan ko na naman siya hindi makikita dahil mas nanghihina lang ako.
"Pre anong ginagawa mo? Pre pinagtitinginan ka na tama na 'yan." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Erron at pinipilit ako hilahin kaya hinawakan ko ito sa braso at tiningnan ito sa mga mata.
"I s-saw her Erron nakita ko siya. She's here pero tumakbo siya. Tumakbo na naman siya palayo sa'kin." gulat na gulat si Erron sa puno ng luhang mga mata ko. Hindi nito inasahan na ganito ang bubunggad sa kaniya ang mahinang Neon. Na iniiyakan ang isang babae but she's not just any girl she's the girl I love.
"Pero paano mo masasabing siya iyon Neon. Paano kong niloko ka lang ng paningin mo? What if you're just hallucinating? Dahil kung si Xianne 'yon lalapitan ka niya. 'Di ba sabi mo ang huli niyong pag-uusap ay nagalit mo siya? Kaya kapag nagkita kayo tiyak sasampalin ka no'n because Xianne is a strong will woman kaya guni-guni mo lang 'yon." I gritted my teeth I saw her at hindi 'yon guni-guni lang gaya ng sinasabi ni Rohws siya 'yon.
Si Xianne 'yon bumitaw ako kay Erron.
"Xianne! Please Come out!" Hinila ako ni Erron at Rohws.
"Tama na 'yan Neon!" Pero 'di ako nagpapigil sige ako sa pagsigaw at iyak ng iyak at naging bingi ako sa mga bulomg-bulungan ng mga tao. Pero nakita kong may mga security guard na lumalapit sa'min.
"May problema po ba rito?" Sabi nito at umiling si Erron.
"Xianne she's here." Sabi ko at nakayuko na.
"Pasensiya na po kayo sa kasama namin. Bago lang siya nawalan ng asawa at nakita raw niya rito. Huwag po kayong mag-alala iuuwi na namin siya."
"Xianne--"
"f**k! The hell Neon. Wala siya guni-guni mo lang 'yon kaya halika na. Nagmumukha ka lang katatawa-tawa" Napayuko ako lalo. Bakit ang sakit pa rin? Isa lang naman ang dahilan.
'Yun ay Minahal ko kasi siya at sa pagkataong ito gusto ko lang makuha ay ang kapatawaran niya. Oo Nagkasala ako at pinagbayaran ko 'yon ng ilang taon.
Ilang taon na paglunod ko sa sakit at pagsisisi at kung noon masakit na makita ang galit sa mga mata nito ay ngayon mas masakit ang makita ang takot na bumakas sa mga mata nito sa 'di malamang kadahilanan. Ngunit isa lang ang magiging rason no'n mas pinagdiinan lang nito na isa akong halimaw.
Halimaw na hindi dapat mahalin o Mahalin ng isang tulad niya. Tanggap ko 'yon kahit ilang ulit akong pinapatay sa kaisipang walang nararapat na babae na kaya akong mahalin dahil nauuwi lang ito sa pagluha nila. She's right masakit ang mahalin ako. Nakakapagod ang mahalin ang halimaw na katulad ko.
Pero Hindi ko naisip na makikita ko siyang muli dahil na rin sa tagal na panahon ang lumipas but still I am longing for this day. Ang makita siya't makaharap.
But she run like I am a disease she wanted to avoid.
Xianne laro ka lang ba ng imahinasyon ko?
"Halika na pre." Napabuntong-hininga ako at nagpatianod na lang ako sa mga ito. Hiyang-hiya ako sa mga pinanggagawa ko at alam kong nagtataka na sina Erron sa kinilos ko.
But still kapag nakita ko ulit si Xianne kahit sa guni-guni lang hahabulin ko pa rin siya.
'Di ako mapapagod because I love her.
Pero ang tanong siya ba iyon? Baka nga tama sila pinaglaruan lang ako. Pinaglaruan ng puso ko. Taunting me at how stupid I am of making a huge mistake.
And that's mistake is
letting her go.