"Mom look I have a small cookie ginawa 'yan namin ni lola." Nakangiti nitong sambit na kinasanhi ng paglabas ng dalawang biloy sa magkabila nitong pisnge habang ang mga kamay nito ay nakalahad upang makita ni Xianne ang hawak nitong isang cookie. "Wow ang cute naman it's a heart shape teka mauna ka muna pumasok anak susunod lang si mama. Kinakausap pa kasi ni mama si tito Neon." Kunot noong humarap sa'kin ang bata and his baby blue orbs look at me with curiosity. Gulat na gulat man ay hindi ko pa rin maalis sa aking sarili ang paghanga and my mind shouts another sets of hundred questions Xianne is already a mother? At teka may asawa na rin ba ito? "Hello po tito dalian mo na sa pag-talk kay mama kasi ipapatikim ko pa sa kaniya ang luto ko." He impatiently stomp his feet on the gr