Umawang ang labi nito sa aking sinabi at sinubukan nitong hulihin ang aking mga mata upang malaman kung hindi ba ako nagbibiro saka hindi ko naman ito binigo sapagkat matapang kong sinalubong ang kaniyang mga mata para malaman niyang seryoso ako na walang halong biro ang lahat ng aking mga sinasabi. Na sa huli ay ito rin ang sumuko at kusang Napayuko ito at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata nito. "Bakit di mo maintindihan? Bakit hindi mo maisip na nasasaktan kami sa mga pinanggagawa mo? Ang manhid-manhid mo Neon! Katulad ka pa rin noong dati. Wala kang pinagbago." Nalilitong tinignan ko ito. Alam kong nagbago na ako at hindi na ako tulad ng dati na walang pakealam sa mararamdaman o maiisip ng iba and now I am willing to cry for forgiveness saka hindi ko na rin sinasaktan